Chapter 19

27.2K 917 122
                                    

AGAW PANSIN silang lima at ang mga alaga ni Iiliri nang pumasok sila sa isang mataas na gusali. And sabi ni ng apat ay condominium building ang tawag doon.

Ang mga taong naglalakad at nag-uusap nang pumasok sila sa entrance ay tumigil at talagang tumingin sa kanila. Bakas sa mga ito ang paghanga sa mga alaga niya kung saan nakatutok ang mga mata ng mga ito.

Pero hindi iyon pinansin ni Iiliri dahil nag-aalala siya sa mga alaga niyang hindi mapakali mula pa kanina. Naninibago ang mga ito sa lugar at mga tao sa paligid. Dumagdag pa ang hilo na nararamdaman niya.

Marahan siyang hinila ni Phytos sa isang pintuan at nang bumukas iyon ay pumasok sila at napasinghap pa siya at napahawak sa balikat ni Monty nang gumalaw iyon.

"Calm down, Iil. Tawag dito ay elevator, dadalhin tayo nito sa condo ni Phy," ani Monty.

"Nahihilo ako." Nausal niya.

Agad siyang binigyan ni Theon ng plastic bag. Ready ito dahil nagsuka rin siya kanina sa sasakyan at sa RoRo habang bumibiyahe sila papuntang Crown.

At ngayon ay nasa isla na sila at gusto nalang ni Iiliri na matulog at makapagpahinga na kasama ang tatlo niyang alaga. Hindi niya ma-appreciate ang ganda ng isla o ang gara ng paligid niya dahil sa hilo.

"Phy sigurado ka bang okay lang si Iil?" Nag-aalalang tanong ni Essex habang hinahaplos ang likod niya.

"Oo, hindi lang siya sanay sa mahabang biyahe, sa stress at sa ganitong sasakyan kaya't nahihilo siya." Inabutan siya ni Phy ng tubig pero tumanggi siya.

Ilang sandali lang ay tumigil na ang elevator na ipinagpasalamat ni Iiliri.

"Magpahinga ka Iil at huwag mo na muna ayusin ang mga gamit mo. Kami na ang bahala kina Gulo," wika ni Monty nang makapasok sila sa condo ni Phytos at hinatid siya nito sa magiging silid niya.

Nanghihinang tumango si Iiliri bago nahiga sa kama para matulog dahil hiling-hilo siya. Bago pa man siya gupuin ng antok ay narinig niyang muling bumukas ang pinto.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Riri. Nang tumingin naman siya sa sahig ay naroon narin sina Gulo at Hinhin. Tapos ay sumara muli ang pintuan at ginupo na siya ng antok.

Pagkagising ni Iiliri ay madilim na ang silid. Bumangon siya at nagpasalamat na hindi na siya nahihilo, pero nanghihina parin siya.

Dahil sa hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pintuan. Napapikit siya matapos buksan ang pinto dahil nasilaw siya sa ilaw mula sa labas.

Kasunod ang tatlong alaga niya ay bumaba siya ng hagdan at hinanap ang apat. Pero si Theon lang ang nakita niyang nasa kusina at naghahanda ng pagkain.

"Upo ka, Iil at kumain ka na," anito at pinaghila siya ng upuan at binigyan ng plato.

"Thanks, Theon." Mahina niya usal.

"After eating I will tour you around and then teach you how to use some of the things that you might not know how to use. Then I will leave you and see you tomorrow." Mahabang saad nito.

At iyon nga ang ginawa nila matapos siyang kumain.

"Phy will be the one to visit you tomorrow morning. And if you need something don't hesitate to message or call us."

Iiliri nodded her head before Theon bid his goodbye.

Nang mapag-isa ay inilibot ni Iiliri ang tingin sa condo. Nawala na ang lula niya sa gara ng lugar pero naroon parin ang pag-aalala na baka makasira siya o 'di kaya ang tatlong alaga niya. Kaya naman lumapit siya sa tatlo.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon