CHAPTER VI THE UNTRIMMED NAIL

428 5 1
                                    

JOYCE

JANUARY 10 2015

TO DO :

*CAFE
*CHURCH
*GROCERY
*HOUSE

Finally, after a week of being unplanned I was able to wrote a list again. Maybe, this was all I need. To be who I am.

I gathered my stuff and readied myself for another extravagant day. Hindi ako makaiwas dahil alam ko uusigin pa rin nila ako. I'm running out of options and I didn't know what to do anymore.

A house to A cafe was just a meters away. Every morning it became my habit to walked and sometimes passed by at Church that was on the way. A routine of my life that starts my day.

Those familiar faces that I saw everyday. Those busy morning people. Those strangers that offered there smile even though they didn't know each other. The life I have and the life I live.

Pagdating ko ng Cafe nasa labas na si Tatay. Gumugupit ito ng kuko niya habang nakikinig ng balita sa maliit niyang radyo.

"Aba, good grooming ba ngayon?"

pabirong kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy. Maaga pa naman at ulit hindi na naman ako late. Umupo ako sa tabi niya na nakatingin lang sa malayo.

"Alam mo kasi pinuputol talaga yan kapag nakakasama na. "

"Alam ko naman po yon.."

"pero mahirap na yang putulin pag luma na ang nail cutter, minsan di niya na ito kaya at kapag pinilit mo masasaktan ka."

Napatingin na naman ako sa kanya. Hindi na ang kuko ang ibig niyang sabihin at namamangha ako minsan kung paano niya ihahalintulad ang kahit na anong bagay sa sitwasyon.

"bibili ako ng bagong nailcutter."

"sana nga di ba pwede lang ganun kadali?Paano pag nakabili ka na tapos pinutol mo,tapos tumubo ulit,tapos bibili ka na naman? Pag ginawa mo yon paulit ulit mo ng gagawin yon.."

Napabuntong hininga ako.

"So ano po dapat gawin?"

"dalawa; una, kung ayaw mong tumubo alisin mo ang kuko mo pero sobrang sakit non at sa kalaunan tutubo yon ng panibagong kuko

Pangalawa, hayaan mong tumubo pero siguraduhin mong kaya mong imaintain na hindi makakasagabal  sayo. Yong sa huli kapag pinutulan mo di masakit at di makakasakit. "

Napangiti si Tatay sa akin. Hindi na ako umimik at nag isip.

"pero alam mo kung ano ang maganda sa mahabang kuko?Malalagyan mo yon ng ibat ibang klaseng pintura, masasayahan ka sa makikita mo at kapag inalagaan mo yon ng mabuti magiging madali na lahat sayo. Hindi mo na kailangang bumili ng nail cutter ng paulit ulit kasi hindi na kailangan pa. "

"Tay.."

"mmm"

"ang hirap pala mag alaga ng kuko.."

Tumawa lang siya at di na sumagot. Pumasok na ako sa loob at nagsimulang mag ayos

Pagpatak ng alas nuebe nagsimula na naman ang pagkabalisa ko. Lalo na ng bumukas ang gate na yon. Nakakainis kasi masyado na talaga akong apektado at kahit anong gawin ko meron at meron pa rin akong hope na baka nga pwede. Baka nga meron.

Kung titingan, bagay na bagay ang porma niya para maging Pari.The way he suited himself . Yong mga ngiti niya para talagang sobrang bait na tao (mabait naman talaga minsan) at yong pagpungay niya ng mga mata niya. Sheeeet!!Nakakainis.

LOVING A SEMINARIANOnde histórias criam vida. Descubra agora