Special Chapter 1/2

4K 72 0
                                    

TANNIA'S POV.

A/N: Please play the song I wouldn't mind by He is We. Thanks! 

Pag pasok ko sa trabaho, kahit saan ka lumingon puro puso.. Oo nga pala, Valentines day ngayon at nagtatampo ako kay Benj, ni-flowers o chocolates o kahit batiin man lang ako wala. Daig pa siya ng mga highschool lovers. Nakalimutan niya na atang dalawin ang kalendaryo. Nakakainis! 

"Oh bakit ka naka-simangot diyan? Ang aga aga." Nagulat naman ako ng magsalita si Tine. Ang aking bestfriend na may hawak na boquet of red and white roses. Napa-irap nalang ako! Mas lalo tulyo akong nainis. "Aba, magmemenopause kana ba bhessy?" Nanglolokong tanong niya. Hindi ko nalang sinagot at umupo na ko sa desk ko ng padabog. 

Habang nagtratrabaho nakasimangot padin ako. Maya't maya nga ako sumusulyap sa cellphone ko e, umaasa kasi ako na babatiin niya ko kahit text lang pero wala. Ang galing! 

"Badtrip ka masyado diyan Valentines na valentines?" Napa-lingon ako sa nagsalita, Si Jasper na epal. 

"Wala akong oras para sa kalokohan mo, Jasper!" Naiinis kong sabi, alam naman niyang may anak na ko at asawa patuloy parin sa pagporma sakin. Like duh? Hindi ba siya nahihiya? 

"Happy Valentines parin Tannia! Flowers for you." Napa-tingin naman ako at may hawak nga siyang boquet of sunflowers. Wow, narinig ko sa balita ma-effort daw yung taong magbibigay ng sunflowers dahil bukod sa rare ito ay mahal din. 

Tinignan ko siya, buti pa siya binati ako may flowers pa. Eh ang asawa ko kaya? "Salamat." Tipid kong sagot at nilapag niya nalang yung sunflowers sa tabi ko dahil hindi ko kinuha. Hays. Rude na kung rude eh may asawa na nga kasi akong ulyanen! 

"Bhessy una na ko sa baba ha!" Napa-lingon ako ng magpa-alam si bhessy sakin.

"Ano? 15 minutes pa bago ang break! Wag kang maduga diyan!" Angal ko sakanya. 

"Eh, may date ako. kaya sige na please? Bye bye. Love you!" Sabi niya sabay beso sakin. May date? Edi sige na, siya na may date. Tsk. Ezekiel di mo man lang ba nasabihan ang kaibigan mo? Hays. 

After 15 minutes. Nag-pasya na ko mag-break. Pag tayo ko ng desk ko, Hala? Bakit wala sila lahat? Nakaramdam ako ng kaba, may bali-balita pa naman kasing may multo daw dito sa floor namin. Gosh! Feeling ko pinagpapawisan na ko. 

Nagmadali na kong bumaba bago pa magpakita sakin yung Janitor na multong sinasabi nila.  Pagbaba ko ng elevator. 

"HAPPY VALENTINES MRS. RAMIREZ! ♥" 

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, teka... ako lang ba nagiisang Mrs. Ramirez dito sa buong building? 

Nasagot yung tanong ko ng may lumapit sakin na mga ka-officemates ko at inabutan ako ng tulips. Halos lahat sila nagsasabi ng, 'Ang sweet ng asawa mo.' 'Edi ikaw na.' 'Happy Valentines girl!' 'Haba ng hair.' at kung ano ano pa, napapangiti nalang ako. Ngiti nalang yung nasasagot ko sakanila. Biglang nawala lahat ng pagtatampo at inis ko sa asawa ko. 

Hanggang sa di ko na mahawakan yung tulips na binibigay nila, ang dami eh. pwede ng gawing boquet. Napangiti ako ng makita kong papalapit yung asawa ko may dalang human size na panda bear. Feeling ko nagkaruon ng heart yung mga mata ko! Panda! Favorite ko yan!

"Happy Valentines Babe! For you." Sabay inabot niya sakin yung panda na human sized. 

"Eh pano na tong tulips?" Natatawang tanong ko, Ipahawak daw ba sakin lahat.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon