Chapter Fourteen : Phone Call

4.7K 71 0
                                    

TANNIA'S POV.

Andito kami ngayon ni Micko sa park, kakatapos lang kasi ng klase namin, gusto ko lang makapag-relax kaya inaya ko siya dito.

"Princess?" tawag niya sakin.

"Hmm?" 

"Cr lang ako ha?" pagpapa-alam niya sakin.

"Osigi, pero pwede favor? pleasee?" sabi ko, with matching puppy eyes pa.

"Sure, ano yon?" 

"Peram cellphone!" 

"Osigi, ayan na. babalik ako agad, wag kang aalis diyan ha." sabi niya, tsaka umalis na. nag-simula na akong mag Flappy bird, pag kasi na-taasan ko daw yung highest score niya dito, may suprise siya sakin. 

*an idiot is calling. ringgg an idiot is calling.* 

Nangunot naman ang noo ko. Una, dahil 5 nalang matataasan ko na si Micko. Pangalawa, Anong klaseng ring tone ba naman meron 'tong lalaking to? ganito din ba yung ringtone niya pag ako na yung tumatawag. Pangatlo, Mas lalong nangunot ang noo ko, dahil sa nakita kong pangalan sa screen ng cellphone ni Micko, Angel. yung tumatawag. Sinagot ko naman.

"Hello? Sino ba 'to?" naiiritang pambungad ko dito sa Angel na 'to. sino ba 'to? at bakit siya tumatawag kay Micko?

"Oh! Pagkakataon nga naman. Si Tannia ka diba?" sabi nung bruhildang nasa Line, mukhang hindi bagay sakanya ang angel.

"Yes. Tannia speaking. sino ka ba? at bakit mo tinawagan si Micko? may importante ka bang sasabihin?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Hey easy. Meet me at the Bangosco Scents, 7pm at Square mall branch. I th--" hindi ko na narinig yung sinabi niya sa huli, dahil biglang hinablot ni Micko yung phone, na sobrang ikinagulat ko.

"What do you thing, your doing?" halos pasigaw niyang tanong sakin.

"Eh.. kasi ano," di ko alam kung anong sasabihin ko, sasabihin ko ba sakanya na nakikipag-kita sakin yung Angel na yon?

"Ano? Ha? akala ko, maglalaro ka lang. Pakilamera kana pala ngayon!" sigaw niya sakin, napa-yuko nalang ako. bakit? Oo, hindi pa kami, kaya wala akong karapatan paki-alaman ang mga messages, calls, or e-mails niya. Ibang iba ang Micko na nasa harap ko ngayon.

"Kasi.. tumawag siy--" hindi niya ko pinatapos, tumayo na siya. tsaka nagsalita.

"Umuwi na tayo, Ihahatid na kita." cold niyang sabi, tsaka dire-diretsong nag-lakad. Hindi man lang ako inantay, ba't ganun? parang sobrang laki naman ng kasalanang nagawa ko. 

MICKO'S POV.

Habang nasa park kami ni Tannia, bigla akong na-ihi kaya nag-paalam ako sakany mag-cr muna, PERO! bago ako mag-paalam, tinext ko si Angel na wag na wag magtetext at lalo ng tatawag.. for sure naman kasi, hihiramin nitong si Tannia ang cellphone ko, na-addict na kasi sa flappy bird. 

PAGKABALIK ko, nakita ko ka-agad si Tannia, na may kausap sa phone.. sigurado akong si Angel lang yon! Fvck. Oo, alam kong darating sa punto na malalaman niya din lahat, pero wag muna ngayon. Hindi naman sa Naawa ako ng sobra sakanya, pero.. basta! Wala naman akong feelings sa kanya. 

"What do you thing, your doing?" halos pasigaw kong tanong sakanya, pano na kung malaman niya? Ang balak ko naman kasi talaga, lilipat ako ng school pag nag-kaalaman na, dun na ako mag-aaral sa School ng Ninong ko.. Papatapusin ko lang naman itong, 3rd sem eh. 

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon