Chapter Thirthy Seven: Ramirez Clan.

4.2K 88 0
                                    

A/N: Soo long time no update! Pasensya na, super naging busy lang talaga at hindi makahanap ng hugot e, pero ngayon.. dahil sobrang kinikilig at masaya ako, eto na ang update! Hahaha. Sana magustuhan niyo, Thank you and God Bless everyone!

TANNIA'S POV.

Eto na ang araw. THIS. IS. THE. DAY! Ipapakilala na ko ni Benj sa mga magulang niya, Kinakabahan padin ako siyempre.. Doble doble pa nga ngayon.

Pano nalang pag sinabi nila na, bakit ako pumayag na ipakilala ako ni Benj sakanila samantalang hindi pa naman kami? Baka isipin nila easy to get akong babae. Hays.

"Hoy, kung ano ano nanamang iniisip mong ka-negahan diyan!" Sita sakin ni Bhessy. Yes, hinihintay ko nalang si Benj na sunduin ako. Ayos na ko, ready to go na.

"Sino ba namang hindi kakabahan?" sarcasm ko.

"Sa tingin mo ba ganun ka strict ang parents ni Benj? Tignan mo na nga lang ang personality ni Benj. Kanina niya ba mamana yun? Malamang sa parents niya. Nako, Tannia." sabi niya, sabay rolling eyes.

*tok tok*

Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang katok. Si Benj na yan panigurado.

"Ako na." sabi ni Bhessy at nag tungo na sa pintuan para buksan ito.

"Good evening, Tine!" bati ni Benj kay bhessy. Ang gwapo gwapo namang nilalang nito, Grabe. Naka-red long sleeves siya pero tinupi niya ng hanggang siko. Hot naman neto,

"Tannia." Nagulat naman ako ng makalapit na siya sakin. "Baka matunaw ako niyan." tinarayan ko siya, Minsan talaga naartehan na ko sa sarili ko. Hahaha. Si Benj kasi e, "You look soo beautiful." pambobola niya sakin.

"Thank you, You look handsome." puri ko naman sakanya, nag-smirk lang siya. Nako talaga yan, Asar.

"Mauuna na kami, Tine." Pa-alam ni Benj kay Bhessy.

"Sige sige, Ingatan mo yang best friend ko ha. Sobrang ninenerbyos yan. Hahaha!" sabay tawa din naman ni Benj, Nagkakasundo talaga ang dalawang to kadalasan, lalo na pang-aasar nila sakin.

Habang asa elevator, nanginginig padin ako. Malapit na!

Nabigla naman ako sa paghawak ni Benj sa kamay ko, "You're shaking. Don't be nervous. I'm here." sabi ni Benj sabay ngiti, medyo napanatag naman ang loob ko, pero siyempre hindi padin matanggal ang kaba ko.

RAMIREZ'S PLACE.

Naka-simpleng sunday dress nga lang pala ako at wedge. Siyempre yung binigay ni Mama na dress, ayun ang sinuot ko. Floral kaya relaxing.

Pagka-tanaw ko sa bahay nila, Wala namang gaanong tao. Ang laki ng bahay nila Benj, pero simple lang.

"Good Evening, Ma." Bati ni Benj sa babaeng nasa 50's na.

"Good evening too, Son. I'm glad nakapunta siya." sabay lingon ng mama ni Benj sakin. Bigla naman akong kinabahan.

"Ofcourse, Mom. She's Tannia Dela Rosa, I'm exlusively courting her." Pagpapakilala ni Benj sakin, kaya naman lumapit ako para maipakita lalo ang sarili ko.

"Good evening po, Mam." pormal na bati ko, Tumawa naman ang mama ni Benj kaya nagtaka ako.

"Why soo formal, Iha? Drop the Mam, okey? just call me Tita Ellen." nagulat naman ako lalo ng yakapin niya ako. "You're shaking. Don't be nervous, Okey? We wont bite. Hahaha." 

"Who's that pretty lady?" Napa-lingon naman kaming lahat sa nag-salita. Papa ni Benj yan for sure.

"Dad," bati ni Benj tapos nag-mano sa Dad niya. Tapos bumalik sa tabi ko. "She's Tannia Dela Rosa, My soon to be girl-- Ouch!" Kinurot ko nga yung tagiliran, Natawa tuloy yung mama at papa niya. Ang kampante naman kasi ng isang 'to. 

"Oh, Hello there Iha." bati ng Papa niya sakin. Ngumiti ako. "I'm Tito Rick." 

"Good evening po tito rick." 

"Kuyaaa, Mama, Papa the dinner is readyyyy com--- Hi there Ate Tannia!" Sigaw at bati ni Drake. Hahaha, ang kulit talaga ng batang to-- Oppss, Binata na daw pala siya. 

"Hello, Drake. Long time no see ha!" Bati ko sakanya, Tumawa naman siya. 

"Oh, tara na kain na tayo!" Aya ng mama ni benj kaya nag-tungo na kami sa dinning area.

HABANG kumakain.

"Your Surname looks familliar." saad ni Tito Rick. 

"Yeah right. Dela Rosa, Parts ng mga kotse?" Tanong ni Tita Ellen. 

"Yes po. Kami po ang may-ari noon." sagot ko, Usually I hate talking about bussiness pero dahil bussiness minded ang mga magulang ni Benj, Sige. Gugustuhin ko na to.

"Oh, What a small world. Nakasama ko si Mr. and Mrs. Dela Rosa before sa isang meeting. Yung nagsisimula pa lang kami sa mga bussiness namin." natutuwang sabi ni Tita Ellen. 

"Destiny talaga kami nito ni Tannia, Mama." Pagmamayabang ni Benj. Tumawa naman kami.

"Well, Let's see brother." Hirit ni Drake. 

"Epal ka talaga, Drake." 

"Oh, Tama na." awat ni Tito Rick. Natahimik naman ang dalawa. "Tannia, You're a lucky girl. Sana kayo na talaga ng anak ko ang magka-tuluyan." 

Nagulat naman ako, mga 1 minute ang nakalipas bago ako makapag-salita. "Salamat po, Tito Rick. Thank you po talaga, At sana nga po." 

"Soo, sasagutin mo na ko?" Hirit ni Benj. 

Bago pa ko makasagot sa tanong ni Benj. "Mam, eto na po yung desserts." 

Binelatan ko lang siya. Napa-face palm nalang siya. Shet. Ang gwapo gwapo niya. 

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon