Chapter Thirthy Five: Very Good, Micko!

4.2K 69 2
                                    

Author's Note:

Hello readers! :) Sorry sa mga napag-intay ko, Nasira kasi yung computer namin e, tapos nawala lahat na wala pa yung chrome, dun kasi ako sanay mag-ud kesa sa explorer e. Arte ko e. Hahaha! tapos ayun, Candidate din kasi ako for our school's student council kaya medyo busy person. Ngayon lang ginanahan at nagka-time mag-update. Ayun, thank you sa mga nagintay! Mabuhay kayoooo! hahaha!

Dedicated ang chapter na to sa bestfriend ko! alberting iniintay niya talaga yung ud! hahaha! :)

TANNIA'S POV.

Yay! Good Morning rise & shine. :)

Ang saya pala makaramdam ulit ng ganito, yung tipong parating masaya ang gising mo.. Dagdag na natin yung ganado ka lalong pumasok, Itchy. Hahaha!

Napalingon naman ako sa side table ng kama ko.. Agad kong kinuha ang cellphone ko.

1 message recieved

Agad ko namang binuksan ang message na yun, dahil sigurado akong si benj na yan.

From: WU's Campus Prince.

Good Morning, Lady! :) Have a great day, See you later sa school! Btw, Thank you daw sa quality time mo kahapon sabi ni Drake. Nag-enjoy siya.

Napangiti naman ako. Oo nga pala.

Kahapon lang nangyare ang lahat, Yung muntikan na pag-alis ni Benj, yung pagbigay ko sakanya ng chance at yung pag-bonding ng Barkada sa MOA siyempre kasama si Drake.

Kumain kami sa Tokyo-tokyo tapos nag-libot sa tindahan ng mga video games para kay Drake, Noong bata ako nahilig din ako dun kaya naging mas malapit kami ni Drake sa isa't isa. Halos hindi niya na nga nakakausap si Benj e. Hahaha.

After kong mag-flashback hahaha, Nireplayan ko na siya.

To: WU's Campus Prince.

Good Morning din! :) Kakagising ko lang. See you later din! Paki-sabi din kay Drake thank you, Mas nag-enjoy ako. Nice meeting him ulit! :)

*

"Class Dismissed." announce ng bagong prof namin, nag-resign na daw kasi yung luma. 

"Cafeteria guys?" aya ni Ezekiel, Tumango naman kami at inayos na ang gamit, ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha.

1 message recieved.

"Tannia, Come on!" aya ni Benj.

"Ay! Sige susunod nalang ako." sabi ko, tumango nalang siya. Pero parang hindi siya sang-ayon, sus! gusto niya na talaga parati kami mag-kasama o parati niya ko naabot ng paningin niya. haysz.

Dali dali ko namang binasa ang text, Eh wala namang mag-tetext sakin bukod sa barkada at parents ko.

From: Micko Sanchez.

Hey Tannia! Pasundo naman ako sa gate ng WU, ayaw ako papasukin ng ungas na guard na to e!

Sus! Si Micko lang pala, pero anong ginagawa niya dito? hmmm... Ay oo nga! Yung Issue na aayusin niya. Masundo na nga siya, Saglit lang naman yun, hindi naman siguro ako hahanapin ng barkada e.

NG marating ko yung gate, agad kong nakita si Micko. Natawa naman ako, halatang irritado na talaga siya. Bago din kasi ang guard na to, at hindi kilala ang the whistles hahaha.

"Uy Micko!!" tawag ko sakanya. Lumapit na ko kay Kuya Guard. "Kuya Guard, Kilala ko to! Kaibigan siya ni Benj Ramirez." sabi ko kay kuya, tumango naman siya at binuksan na ang gate.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon