Chapter Twenty Eight: Practice.

4.4K 75 2
                                    

BENJ'S POV.

Sabay sabay uli pumasok ang barkada, nagkita-kita uli kami sa coffee shop. 

Ganun padin ako, Hindi ko padin masyado kinakausap si Tannia. This is the 2nd day, parang gusto ko na nga sumuko eh, dahil parang wala namang resulta 'to. Nagmumukha lang akong tanga neto eh, kaya nga kakausapin ko na mamaya si Ezekiel about dito.

"Kinakabahan ako mamaya sa practice!" sabi ni Tine. Naglalakad kami ngayon sa corridor, papunta sa subject nung Prof na nag-parusa samin. Wiw. 

"Okey lang yan baby, Andito naman ako." sabi ni Ezekiel kay Tine, tapos kiniss niya pa sa cheecks. Kailan pa naging PDA ng sobra tong Ezekiel na to? Tsk.

"Ano ba yan! PDA masyado. Hahaha." Asar ni Tannia sa dalawa, nagtawanan lang sila. Hanggang marating nanamin yung room. 

Pag-dating nung prof.

"Pumunta na sa stage ang mga mag-prapractice!" pambungad niya. Napa-iling nalang ako, parating naka-sigaw ang isang to. Kalalaking tao parang talakera. 

Tulad nga ng sinabi niya, nag-punta na kami sa stage. Hindi na lang nag-salita ang ni isa samin, baka madagdagan pa ang punishment namin.

SA STAGE. Hindi naman kami sinamahan nung prof, Pano niya malalaman kung mag-prapractice ba talaga kami? Hays. 

"Okey guys! Leggo start!" sigaw ni Juliane, kaya pumunta na kami sa kanya kanyang position namin. 

Sa buong practice, sila lang ata ang nag-eenjoy. Lalo na yung Charles na yon, Hindi ba siya nahihiya? Nakikipag-tawanan siya sa Ex niya eh kitang andito ang mapapangasawa niya?! Tsk. Ayan ba ang gawain ng mabuting mapapangasawa? psh. 

Habang water break.

Naka-tanggap ako ng siko mula dito kay Ezekiel, ano problema nito? tinignan ko siya ng masama. "Chill ka lang. Parang mamatay kana ata sa selos eh." sabi niya, sabay tawa ng tawa. Hinayaan ko lang siya. 

Alam ko namang wala kong karapatan mag-selos eh? Pero Kasalanan ko ba? Last time i-checked hindi napipigilan ang selos, lalo na pag ang lalim na ng pag-tingen mo sa tao. PERO! Hangga't kaya ko, pipigilan ko. Secret Admirer lang naman ako eh, Ayun lang. Kaya hindi pwede pairalin 'tong mga selos na to. 

Na tapos yung practice ng matiwasay, may 2 days pa. Kayanin ko kaya yun? Matitiis ko bang makita yung mga nakikita ko? Napapa-buntong hininga na lang ako dahil sa mga iniisip ko. 

Pumunta kami ng Locker ni Ezekiel para mag-palit ng damit, Nakaka-hiya talaga kami. Ang daming nag-titinginan na students, Agaw eksena kasi ang punishment na naisip ng prof na yon. Walastik! 

"Bro!" tawag ko kay Ezekiel. Naka-upo kami sa parang bench sa loob ng locker.

"Oh?" 

"Parang wala namang epekto sakanya eh. Mukha lang ata akong tanga." sabi ko. Totoo naman diba? Parang wala lang naman sakanya eh, Ano pang silbi?

"Hay nako bro. Pangalawang araw pa lang suko na? Tsk tsk." sabi niya, sabay napa-iling iling bago nag-salita ulit. "Pag-patuloy mo lang, Hanggang mag-present tayo ng sayaw, pag wala talaga.. May next time pa." dagdag niya. 

"Sige sige." yun nalang na sabi ko. 

Sige, Hanggang mag-present lang kami. Handa na ba ko sa resulta? Pano kung negative? Malamng masakit, ayun nga yung ayoko eh. Duwag ako masaktan eh, first time ko kasi maka-encounter ng ganito. Pang positive? Malamang masaya, nakakatuwa.. pero mukhang impossible naman kasi. :( 

"Tara na bro!" aya ni Ezekiel, na una na siyang lumabas, tapos sumunod nalang ako.

Hanggang sa presentation. 

TANNIA'S POV.

Buti naman na tapos na kami mag-practice. Grabe kapagod. Plus pa na nakakahiya kasi may mga nanunuod na ibang students, Eh pano ba naman? Stage yun! Agaw eksena talaga. 

Yung iba pa naman alam na Ex ko si Charles! Nakakahiya, mamaya kung ano ang isipin nila. 

"Uy okey ka lang?" tanong ni Tine sakin, andito kami sa Cafeteria. Kumain muna saglit bago mag-proceed sa next subject.

"Oo naman. Nahihiya lang ako kanina, kasi diba.. Si Charles." sagot ko sakanya, sabay tusok sa hotdog na kinakain ko.

"Wag mo'ng sabihin na apektado ka padin?" tanong niya. napa-iling ako.

"Hindi sa ganon." sagot ko, Hindi na ako affected, Moved on na moved on na talaga ko. Ang saya nga kasi balik na yung closeness namin ni Charles eh. 

"Eh Ganun naman pala eh! Eh bhessy.. yung kay Micko? Yung Issue?" napa-tigil naman ako. 

Yung Issue kay Micko? Medyo humupa nadin naman yon, pero hindi padin ako nakakaligtas sa mga mapang-lait na tingin, Hindi ko talaga alam kung ba't nagawa ni Micko yun. AKO yung na loko, pero ako pa ang nakakaranas ng ganto, Hindi nalang ako nagpapa-apekto, kasi pag nag pa-apekto ako, parang ako din yung talo nun. Hangga't andiyan sila/ang barkada, magiging matatag ako. Kaya ko to! 

"Moved on kana ba?" tanong niya uli. Moved on na nga ba ako? 

"Hindi ko din masabi bhessy, kasi mamaya pag nagkita kami.. Bumalik naman? Siguro, masasagot ko lang yan,  pag nagkita na kami uli." sabi ko, kasi katulad nung kay Charles, nung nagkita kami bumalik lahat ng sakit, eh yung kay Micko kaya? Handa naman akong makita siya uli. Umaasa padin kasi ako na hihingi siya ng tawad, Napatawad ko na siya. pero iba padin kung personal siya na hihingi ng tawad sakin, Mas gagaan ata ang pakiramdam ko kung ganon. 

"Kaya mo yan Dela Rosa! Ikaw pa!" pag-chicheer up sakin ni Tine, tapos niyakap niya ko. Niyakap ko naman siya pabalik. Isa lang ang masasabi ko, Napaka-blessed kong tao. dahil andito sila/siya para saakin. Nakakaiyak. 

"Thank you talaga, Bhessy. Tara na nga!" sabi ko, habang nag-pupunas pa ng luha. Hindi ko lang mapigilan na hindi ma-touch. 

Bumalik na kami sa room, maaga pa naman para sa next subject namin. Mabuti ng maaga, baka mamaya ma-punishment nanaman eh. Hahaha.

*

Author's Note: 

Ayan nalang muna, ang bilis na kasi sumakit ng mata at ulo ko eh. Ewan ko kung bakit T^T 

Na-eexcite ako sa mga mang-yayari. Hindi ko din mapigilang hindi mag-update. Hahaha! 

Vote and Comment naman diyaaaaan. Happy 5K guys!! *sabog candy* 

-desTINEny 

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon