Chapter Thirthy Three: Where's Benj?

3.9K 75 2
                                    

BENJ'S POV.

Kahit sobrang sakit pa ng ulo ko, bumangon padin ako ng maaga para pumunta ng school. 

Dahan dahan lang ako sa paglalakad, dahil baka marinig nila ko, Ayaw kasi nila ako papasukin sa school ngayon dahil nga mataas ang lagnat ko, Naki-sabay ba naman kasi yung ulan sakin kahapon. Sabi nila Manang magpa-hinga nalang daw ako dahil mamaya nadin naman ang flight ko. Pinabalik ako ni daddy doon, for good.  Noon una ayoko pa, dahil mahihiwalay nanaman ako kay Tannia.. pero sa huli si dad padin ang nanalo. 

Pagkatapos ko mag-ayos, dumaan na ko ng flower shop at ministop para bumili ng favorite chocolate niya.. Papano ko nga ba to nalaman?

 AHA! Sa araw araw na tumitingin ako ng palihim sakanya noon, nung sila pa ni Charles parati ko siyang nakikitang kumakain nito. Kaya ayon, naisip ko na favorite niya nga to. 

NG makarating ako sa school, naka-yuko lang ako. Madilim dilim pa naman, gantong oras ako parati pumapasok para wala pa masyadong tao... 

Nasa tapat na ko ng locker niya, Nagdadalawang isip pa ko kung ilalagay ko. For whoever's sake.. Rejected na kaya ko. Oo, wala akong gaano ka-alam sa love na yan, pero sa tingen ko yung salitang 'Rejected' eh sapat na para dun sa nangyaring pag-response ni Tannia nung nagtapat ako.

TANNIA'S POV.

Ng maka-alis na si Benj, dali-dali akong lumapit sa Locker ko.. 

"Siya nga talaga. Siya nga ang secret admirer ko." sabi ko habang hawak hawak ang roses at ang favorite kong chocolate na snickers.. "My Secret Admirer is a campus prince?" tanong ko sa sarili ko.. Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ko. 

"Oo nga, Bhessy. Soo ano? Katulad padin ba siya ni Micko?" Marahan akong umiling. Hindi! Hindi sila parehas! Ang sama ko! "Do Benj deserve any chances?" tanong uli ni Bhessy. Deserve ba ni Benj ang chance? Oo naman, kung si Micko nga nabigyan ko ng Chance siya pa kaya?

Tumango ako. Nakita kong ngumiti si Bhessy. "Tama yang desisyon mo. Promise. Stop crying na. Hindi mo naman sinasadyang i-judge siya, Natuto ka lang.. Nasaktan ka na e, Umiiwas ka lang." sabi niya habang hinihimas ang likod ko para patahanin ako. 

Nasaktang lang naman ako e, Kaya akala ko lahat sila parehas. PERO! Hindi. 

NG matapos na kong umiyak, pumunta na kami ng coffee shop. 

Teka.. ba't wala si Benj? 

"Good Morning guys!" bati samin ni Juliane, binati din namin siya bago ma-upo. Si Benj nalang ang wala dito ha. 

"Where's Benj?" tanong ko. Yes, nakuha ko ding itanong.

"He texted me, sabi niya may sakit daw siya.. at hindi daw siya pinapapasok, Mamaya nadin naman daw kasi ang flight niya." 

"FLIGHT?!" sigaw naming dalawa ni Tine. Parehas ata kami nagulat, san siya pupunta?

"Yes. Kanina niya lang din nasabi sakin, Babalik daw siya ng Canada for Good." For Good? Kung kailan na kapag-desisyon na ko! :( 

"Hahayaan mo nalang ba siya Tannia?" nabigla naman ako sa tanong ni Charles, tinignan ko siya ng nagtataka-look. "Alam na namin, na siya ang secret admirer mo Ezekiel told us. Kanina lang. Soo, Ano? alam ko namang alam mo nadin." sabi niya, tumango naman ako. At pinagpa-tuloy niya. "Bibigyan mo siya ng Chance na mahalin ka diba?" 

"Ga-ganun na nga." 

"Dati noong umalis ako, Wala kang nagawa kasi hindi mo alam. Clueless ka, pero ngayon! Alam mo na at may magagawa ka. Ano pang hinihintay natin dito?" napa-ngiti naman ako, May magagawa nga ba ako? Magpapapigil kaya siya sakin? 

"Pero guys.. baka buo na ang desisyon niya." sabi ko, kasi pano nga kung ganon? Odi wala din, sayang lang ang effort ko. 

"Nahh, Benj is my best friend kilala ko yon. Pag-dating sayo! Nako!" sabi ni Ezekiel, ngumiti naman ako. Ganun ba ko kahalaga kay Benj? Hmm. 

"Anong oras ba ang flight?" tanong ni Bhessy.

"12PM daw." 

"9 na! sa tingen mo makaka-pasok pa tayo?" tanong ko. Aabsent nanaman kami?

"Odi umabsent! For me it's fine, Lovelife mo naman naka-salalay!" sabi ni bhessy tas tumawa, nagkunyare nalang akong naasar. Hahaha.

"We'll go with you guys." sabi ni Charles and Juliane. 

"Soo, Siyempre ako din! Tara na sa airport, baka hindi natin siya ma-abutan sa bahay nila e." sabi ni Ezekiel, kaya inayos nanamin ang gamit namin. Bago kami mag-sitayuan.

"Thank you talaga guys." sabi ko.

"Wala yon! Barkada nga e! Walang iwanan!" sigaw nila. Hahaha, nakakatuwa talaga. Blessed here. :) 

Kotse nalang ni Ezekiel ang ginamit namin, Malayo pa naman ang NAIA. Sana wag traffic. 

"11AM naaa. Aabot kaya tayo? Traffic e." tanong ko sakanila, traffic kasi e. May ginagawa kasi yung maynilad, Nako! kailan dadaloy ang ginhawa?! 

"Aabot yan! tiwala lang!" sabi ni bhessy, nakaka-ilang over takes na nga kami e. 

Lord, Ikaw na po bahala. Kahit ano pong mangyare, Alam kong andiyan ka lang.  

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon