Chapter Twenty Seven: I'm really really Jelous.

4.3K 70 5
                                    

BENJ'S POV. 

Na una akong bumaba ng sasakyan kesa kay Tannia. 

Alam mo yung feeling na gustong gusto mo pa sagutin yung mga tanong niya? Gustong gusto mo pa marinig yung mga kadaldalan niya? Hays. pero dahil sa sinabi ni Ezekiel, I need to do this. Para sakin din naman 'to, or should I say para samin? Hays basta ewan.

NAPAHINTO ako sa paglalakad ng mapansing wala pa si Tannia, kaya nilibot ko ang tingin ko.. Ayun! She's with Tine, nakatitig lang siya sa malaking bahay na to. And wait what.. Is she crying? Oo nga, umiiyak siya. Bakit naman kaya? 

Nasasaktan ba siya dahil kay Charles nanaman? Hindi padin ba siya move on? Pakshet naman oh. Umiiyak siya dahil kay Charles, Did Charles deserve all of her tears? 

I can feel na hindi pa nga talaga siya Moved on kay Charles. Tulad kanina: 

"Oh, guys may idea ba kayo sa folk song?" tanong ni Charles samin.

"Ako, onti lang. Diba nag-baballet ako? Nagka-theme kasi kami ng folk songs one time." Mabilis naman na sagot ni Tannia. Look. Nakakahalata talaga eh, Pag kay Charles napaka-active niya.

AND ngayon, lumuha siya dahil nakita niya lang ang bahay ni Juliane. If I know iniisip niya lang na sana silang dalawa ni charles and dapat ganito, ganyan.

"Uyy. Spaced out masyado!" sigaw sakin ni Ezekiel. Napa-ayos naman ako ng upo. Tsk. Kahit talaga anong gawin ko, hindi siya nawawala sa isip ko. Parati nalang siya, Well, I can't blame her. Im deeply inloved with Tannia. 

"Sorry." ayun nalang nasabi ko, tsaka pinanuod yung pinapanuod nila sa youtube na folk dance.

Ng matapos yung pinapanuod.

"Ano guys? eto nalang? Eto nalang kasi yung pinaka-maganda eh. Ang hirap naman kasi hanapan niyang music na binigay ni Sir." sabi ni tine, tapos nag-kamot ng ulo. frustrated ata.

Yung sayaw na yon, yung may hawak na kawayan yung dalawang lalaki. Hawak nila yung magkabilang dulo ng kawayan, tapos dadaan yung girls.. sasayaw sayaw dun sa kawayan. Ay basta ganun yun!

"It's fine with me." sabi ni Tannia. Tumango naman ang barkada, kaya napa-tango nadin ako. 

"Okey, Soo eto na yung sasayawin natin? We just need to practice this, Okey?" sabi ni Juliane. 

*

TANNIA'S POV.

Hays salamat, naka-pili nadin ng steps. Prapractisin nadin namin ngayon yung first part, para naman hindi na hassle pag dating dun sa stage.. tutal andito nadin naman kami.

"Ganito guys, tutal si Benj at Ezekiel eh wala namang masyadong karanasan sa pag sayaw ng folk dances, kayo nalang ang maghahawak ng kawayan. It's easy guys." sabi ni Juliane. Oo nga naman, pero sana lang hindi sila magkamali. Nako! Masakit kaya ang maiipit ang paa. 

"Sure." sabay na pag-sangayon ng dalawa. 

"Good. Tapos ikaw Charles, ang magiging partner naming mga girls. Ikaw lang ang mag-aalalay samin. Okey ba yun?" dagdag ni Juliane. Tumango naman si Charles tas nag-thumbs up. "Soo, okey na. Tara na't mag-practice. Pinakuha ko nadin yung kawayan sa Garage kay Manong. Hintayin nalang pala muna natin." dagdag pa ni Juliane, kaya habang nag-hihintay. Kanya kanyang bussiness, Ako naman.. Na upo lang sa parang sofa. Pahinga saglit.

After lang ng ilang minutes.

"Oh Guys eto na!" anunsyo ni Juliane, tinulungan naman siya ng boys para ma-pasok sa room yung kawayan. 

 *

BENJ'S POV.

Sinumulan na naming i-practice yung sayaw, si Tine ang nag-turo saamin kung pano ang gagawin sa kawayan. Nakuha naman namin agad ni Ezekiel, easy lang naman. 

"Okey guys! Ikaw, Tannia ang mauuna eescortan ni Charles, sunod ako.. at huli si Tine. Dadaan kayo sa likod ni Benj, ihahatid mo siya Charles sa pwesto niya sa likod ni Tine, then sunod ako naman yung aalalayan mo, tapos ganun uli. Gets?" pag-papaliwanag ni Juliane sa gagawin, siya kasi ang tutok na tutok na nanuod ng video kaya siya ang nagtuturo ngayon.

"Gets!" sabay sabay na sabi nila Tine, Tannia at Charles. 

Nag-simula na ang practice, ayos naman ang performance namin ni Ezekiel.. Habang sila, ayos din naman. Hinahawakan ni Charles yung kamay habang nag-titinikling, Hindi ko maiwasang mapa-tingin sakanila ni Tannia habang sila ang nag-titinikling. 

"Aray." napa-aray si Tannia, kaya nagulat ako.

"Uy! Dude, Ayos ka lang?" tanong ni Ezekiel, tumango lang ako. 

"Focus lang tayo guys." sabi ni Juliane. Hindi ko naman kasi maiwasang tignan sila, habang sumasayaw sila nagtatawanan sila, habang ako eto.. hawak hawak ang kawayan. tsk. That should be me! 

After ng mahabang practice.

"7pm na guys!" sigaw ni Tine, na naka-tingin sa relo. Naka-kain nadin kami ng Dinner, siyempre katabi ko nanaman si Tannia. Siyempre gusto ko yun, ewan ko lang sakanya. 

"Hala, Oo nga. Kailangan nanamin umuwi." sabi naman ni Tannia, at nag-simula ng ayusin ang gamit niya. Mag-ooffer ba na ako na lang ang maghatid sakanya? Eh si--

"Hatid na kita, Tannia. May dadaan din akong friend sa Condo niyo, Jake remember?" sabi ni Charles. Wag kang pumayag, Tannia. Please?

Tumingin si Tannia kay Juliane. "Ano ba guys! It's fine with me. Go on." sabi naman ni Juliane. 

"Sige, Una na kami." pa-alam ni Tine and Ezekiel.

"Me too. Thanks nga pala, Juliane." pa-alam ko sakanya, tumango tango lang siya. Inu-unplug niya kasi yung laptop.

Na una na ko, kesa kila Tine and Ezekiel, na iwan naman sa loob ng bahay sila Juliane, Charles at Tannia.

Pwede namang kay Ezekiel nalang siya sumabay kung ayaw niya sakin, ba't kailangan dun pa sa asungot na yon? I'm starting to be Mean, but I don't care because I'm really really jelous. 

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon