Chapter Seventeen : The Reasons.

5.1K 86 0
                                    

TANNIA'S POV.

andito na si Charles sa tapat ko, tapos si Juliane sa tapat ni Tine. Kumakain kami, kaya wala pang nagsasalita. Hindi naman ako nag-attempt magsalita no. for what?

"Uy Charles! bestfriend padin naman tayo diba? Sorry for being rude nung mga nakaraang araw ha." pagbasag ni Tine sa katahimikan, napahinto naman kami sa pagkain. kahit kailan talaga 'to si bhessy! itanong pa kung bestfriend padin sila? eh niloko na nga ako ng charles nayan!

"Ofcourse tine. No need to sorry, sanay na sanay na ko sa ugali mo. Hahaha!" sabi ni Charles, nagtawanan naman sila ni Tine. 

"Eh si Tanny, bestfriends padin ba kayo?" tanong ule netong si TIne, what? awkward! bulag ba 'tong bestfriend ko? kitang andito si Juliane eh. mamaya kung ano pang isipin ng babaeng yan! 

"Bakit naman hindi?" sagot ni Charles. ba't ganon? parang nagka-amnesia siya, ang dali talaga makalimot ng mga lalaki, tsk. napaka-easy lang para sakanila ang magpa-fall, tas yung mga babae naman, hirap na hirap ng maka-ahon. 

"Ano bhessy, tahimik mo diyan! Hindi ka naman ganyan, Okey lang ba?" sabi ni Tine sakin, medyo nagkaruon ng katahimikan bago ako sumagot. What should I say?

"Ah.. Ano, syempre okey lang." sabi ko sabay smile, Yeah! bakit naman nga ba hindi pwede? past is past, ika nga nila.

"Thats great!" sabi ni tine, with matching clapping hands pa, natawa nalang si charles at juliane. Wow, they look so cute together. "Eh, kanina pa tayo magkakasama, pero hindi pa kita lubos nakikilala, Juliane." dagdag ni Tine, habang kumakain. tsk.

"Ay, Oo nga eh. Im Juliane Fajardo, fianceé ni Charles." pagpapakilala niya samin, teka-- ano daw? fianceé?

Nabilaukan naman si Tine. "Teka, ano?  fianceé?

"Yes." mabilis na sagot ni Charles, wow he's proud pa ata? Oo, wala na nga akong feelings, pero pag-iniisip ko na, niloko lang ba talaga ko ni Charles? kasi ang galing eh, sobrang galing, nahulog talaga ko, yung tipong muntikan ng hindi makabangon. 

"Charles.." biglang sabi ko, what? may sariling mundo ata 'tong bibig ko, bigla biglang nagsasalita. wala na eh, nasabi ko na. siguro eto na talaga yung panahon. para malaman ko yung dahilan. "Niloko mo lang ba talaga ko?" diretso kong tanong, naka-tingin ako ng diretso sakanya, nakatingin din siya sakin, namumula yung mata niya. naiiyak ba siya?

"No, no tannia. siguro nga, eto na ang tamang panahon para malaman mo." sabi niya, tapos napa-yuko, hinagod naman ni Juliane yung likod niya.

"Tell her na, Maiintindihan niya yun." sabi ni Juliane, kaya naman umaangat na ule yung ulo ni charles, palipat lipat ang tingin niya samin ni tine.

Nagpakawala muna si charles ng malalim na hininga bago nagsalita. "Arrange married, yeah.. Arrange married, ayun yung rason kung bat' kita biglaang iniwan noon." 

"Eh, bakit hindi ka man lang nagtext sakin noon?" I tried to calm myself. I know this is not the right place to talk about this, nasa restaurant kami. thanks God medyo nasa dulo kami naka-upo, ayokong maiyak dito.

"Kasi.. baka kung anong gawin mo eh, kay--" Pinutol ko yung sasabihin niya. naiinis ako. Walang kwentang rason!

"Alam mo ba, nung di mo sinabe, mas may chance na mabaliw ako? kakaisip sayo? nagiisip kaba talaga charles? ha?" sunod sunod kong tanong, hinawakan naman ni tine ang balikat ko, para pakalmahin ako.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon