Chapter Twenty Nine: Confessions.

4.6K 85 5
                                    

TANNIA'S POV.

Grabe. Ngayon na yung presentation! Ohmaygas. Ang bilis ng araw. 

Perfect nanaman namin yung sayaw, kaso nga lang.. parang hindi talaga gusto ni Benj yung ginagawa niya? Nag-iba talaga ang aura niya these past few days. Ewan ko kung bakit, Ayoko nadin naman siya tanungin, kasi mukhang ayaw naman niya ko makausap. 

"Uyyy ready na ba yang mga costume mo?" sigaw ni Tine mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo, Ayos na! Lalabas na ko!" sigaw ko pabalik. Masyadong excited ang loko. Sabagay, baka ma-late kami. Nako! Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede i-parusa samin. Nakakapagod kaya ang sumayaw ng sumayaw no.

Pag-kalabas ko ng kwarto, andun na si Ezekiel. Nakakahiya naman na pag-hintay ko ata. Hahaha, sanay nadin naman yan na makisabay ako sakanila. Offer din naman yun sakin ni Tine. Sinabihan pa ko na dapat magpa-ligaw na ko para daw may taga-hatid sundo na ko. 

Eh sa wala namang gusto mang-ligaw diba? Wala pang naliligaw eh. Joke lang, tsaka hindi pa ata ako ready, sa ngayon? 

 "Tara na Reyna!" sarcastic na aya ni bhessy. Natawa nalang kami ni Ezekiel, na-inip ata. Napaka-inipin pa naman nito.

NG makarating sa coffee shop, kami pa lang tatlo. Wala pa sila Benj at ang isa pang lovers. 

BENJ'S POV.

Kanina pa ko ayos, ready na para pumasok.. pero hindi kasi ako mapakali. 

Eto na ang last day, Wala na ba talaga? Wala ba talagang epekto kay Tannia? Well... Siguro nga. Last day na to, Sana naman umabot pa.. kung mapapansin niya. Hays. 

Kinakabahan akong makita si Tannia, idagdag pa yung presentation mamaya. 

"Kuya! Nakakahilo ka! Ma-upo ka nga!" angal ni Drake. Nag-aalmusal na kasi siya, eh ako parang wala ko sa wisyo mag-almusal. Ang dami ko kasing iniisip. 

Napa-tigil ako sa kakalakad ng mag-ring ang cellphone ko.

"Bro!" bungad ni Ezekiel sakin.

"Oh Bro?" 

"Ba't wala ka pa? Papasok ka ba?" tanong niya. Kung pwede lang na wag na lang, Wag nalang talaga.

"Oo, papasok ako." 

"Dapat lang! Mamaya na ang presentation! Chill ka lang bro, baka malay mo ngayon na diba? Kaya mo yan! Ge, hintayin ka namin dito sa coffee shop ha. Bye." tapos binaba niya na. Sht. I don't know what to think nor do! 

I will face this. Positive o Negative. Kakayanin ko na to. Sht lang!! 

NG MAKA-PASOK ako sa coffee shop, at nakitang nag-kwekwentuhan ang barkada. Pinagpawisan ata ako. This is soo gay. 

"Uy Benj!" tawag ni Juliane sakin ng mapansing nakatayo lang ako. Hindi ko magalaw yung paa ko, I'm very nervous. Na-fefeel ko na kasi yung Negative vibes eh, Parang rejection nadin yung dating sakin nito. Ang saklap. 

No Choice, kailangan ko na talagang ma-upo. 

"Pinagpapawisan ka ata?" nagulat naman ako sa tanong ni tannia, ngayon nalang ata niya ko kinausap? 

Narinig ko yung mapang-asar na ngisi ni Ezekiel. "Ano? Hi-hindi ha." pag-dedeny ko. Argh! Nauutal ako. I need to be normal. Last day na to. </3 

AFTER lang ng ilang minuto, napag-pasyahan na nilang pumasok na, para ma-set up nadin yung stage. 

TANNIA'S POV.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon