Chapter Thirthy Two: He's the secret admirer?!

4.1K 89 3
                                    

TANNIA'S POV.

Pag-katapos noong dinner na yon, at ng pag-uusap namin ni Micko.. Hinatid ako uli ni Manong Oscar pa-uwi. Hindi padin ma-pawi sa mga labi ko ang ngiti, Ang saya kasi e. Gumaan ang loob ko. 

"Andito na tayo, Tannia." sabi ni Mang Oscar, kaya ina-angat ko na ang ulo ko. Asa tapat na kami ng condo, parang na miss ko agad sila mama ha. :( 

"Sige manong, salamat ho." sabi ko kay manong habang inaayos na ang bag ko. 

"Hindi kana ba magpapahatid sa itaas, anak?" 

"Hindi na po, Sige ho.. Mag iingat ho kayo pa-uwi. babye!" sabi ko tsaka na bumaba at nag-tungo na sa unit namin ni Tine,

Pag dating ko sa unit, tulog nadin naman siya.. bukas nalang ako mag-kwekwento. Excited na ang bunganga ko mag-kwento ng sandamakmak na kwento na puro kasiyahan! Nyay! 

TINE'S POV.

(A/N: Namiss ko yung love team nila e, mwehehe. tine kasi yung pangalan ko, kaya ef na ef ko si Tine at Ezekiel ^_^V) 

Pagka-pasok ko sa kwarto, bago ako matulog tinawagan ko na si Ezekiel..

"Baby!" pam-bungad ko.

"Yes baby? Anything?" namula naman ako ng marinig ang boses niya, hays. ba't kinikilig padin ako ng sobra? parang crush ko lang siya na never kong maabot, pero eto ngayon.. "Baby?" pag-ulit niya, kaya natawa naman ako ng patago. wala nanaman ako sa sarili, eto talaga ang epekto sakin ng lalaking to! 

"Sorry bi, ano kasi--" 

"Iniisip mo nanaman ako? Nahh, ayos lang yon. alam ko naman yun." pag-mamayabang niya. Hangin talaga. pero natawa ako, Hahaha. 

"Ewan ko sayo. May itatanong kasi ako." 

"Sure. Anything." 

"Sa tingen mo magla-lagay padin si Benj ng flowers and Chocolates sa locker ni Tannia bukas? Eh kahit alam na ni Tannia na siya yung secret admirer?" tanong ko, Curious ako kasi mamaya hindi na? dahil na reject siya? Odi walang makikitang katotohanan bukas si Tannia! 

"Alam na ni Tannia?" nagtatakang tanong niya

"Oo bi, long story. tanungin mo diyan sa torpe mong tropa! oh ano na? ano sa tingen mo?" 

"Ahh. I really don't know baby, pero sa tingin ko mag-lalagay padin yung si benj.. Alam mo naman yun, Hmm.. Ano bang balak mo bi?" tanong niya. Hmm.

"Kasi bukas maaga kami papasok ni Tannia, para makita niya ang gagawin ni Benj. Kaya ayun, wish ko lang na wag muna sumuko si Benj." sagot ko, Sana nga wag muna sumuko si Benj, hindi pa naman ganun ka huli ang lahat? alam ko namang naguguluhan lang si Tannia kung moved on na ba siya kay Micko o hindi, siyempre naman dalawang beses kana na loko, Alam kong gusto niya lang talagang mag-ingat na. 

"That's a great idea. Basta wag mo muna sabihin kay tannia na si Benj yon, Hayaan mo siya ang maka-kita." sabi niya. Oo nga, para kahit hindi gawin ni Benj bukas malay mo sa isang araw gawin, OO TAMA! 

"Sige bi, sleepy na ko." 

"Sige baby, Goodafternoon! Hahahaha!" 

"Tse. Sige, byeee love you!"

"I love you more and most." 

then I ended the call. I'm very lucky to have him as my bestfriend--boyfriend. ;) 

TANNIA'S POV.

"Tannia gising na!!" nakarinig ako ng mga malalakas na katok kaya na alimpungatan ako.. tumingin naman ako sa cellphone ko kung anong oras na, 4:34 pa lang. seriously? 

Pilit akong tumayo at binuksan ang pinto. "Bhessy ang aga pa ha?" 

"Di ba nga may kailangan kang malaman? Ayaw mo na ba malaman?" sabi niya ng naka-pamewang. Kumunot ang noo ko.

"Ganon ba kasi ka importante yan? Hindi ba pwedeng ikaw nalang mag-sabi sakin?" 

"Hindi pwede! BAWAL! Maligo kana dalian mo kung gusto mo malaman, importante to!" sabi niya, tsaka dumiretso na sa kusina.

Hays. Ano ba kasi yon? Makaligo na nga. 

After kong gawin ang mga rituals lumabas na ko ng kwarto.. nakita ko si Tine na nasa sala na, didiretso na sana ako sa dinning ng..

"Wag na mag breakfast! Doon na sa school! Tara na dali! Baka hindi natin maabutan yun." sabi niya, tsaka nagmamadaling lumabas. Gaano ba ka-aga dapat?

PAG-baba ng lobby andun na agad si Ezekiel, Wow ha.. Ang aga! 

"Sa Coffee shop nalang ako mag-hihintay, Baby." sabi ni Ezekiel ng magilid niya ang kotse sa tapat ng campus. Seriously? Wala pa nga atang tao sa campus e! Dito lang pala kami pupunta.

"Sige bi, Una na kami!" sabi ni bhessy tas bumaba na kaya bumaba na din ako. 

SA LOOB NG CAMPUS/ WESTER UNIVERSITY.

"Bhessy, Ang aga natin super! Wala pa ngang tao o!" Angal ko. 

"Wag kang maingay pwede?" 

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" naiinis kong tanong.

"Aba! Hindi para sakin to ha! Wag kang ata! Sundan mo lang ako." sabi niya, tas na una ng maglakad, Nag-rolling eyes lang ako. Whats happening? 

Hanggang sa makarating kami sa locker, kaso dun lang kami malapit sa bench, medyo tanaw lang yung locker namin dito.

"Tatambay lang tayo dito?" tanong ko, naka-upo kasi siya ng prente dun sa bench e.

"Titigan mo yang locker mo! Gusto mo malaman kung sino ang dakilang secret admirer mo diba?" tanong niya. Nagulat naman ako, Ang solid kong secret admirer? Weh? "O ano gusto mo ba?" tanong niya uli. 

"Ahmm.. Oo." sagot ko kaya umupo nadin ako, Ano naman kaya ang sasabihin ko once na makita ko siya? hm, magugulat kaya siya? Sino kaya siya no? sobrang thankful ako sakanya kasi na-aappreciate niya ko e.

"Tannia." bulong sakin ni Tine, tinignan ko siya, tinuro niya ang locker. kaya napa-tingin naman ako, 

Isang lalaking naka-talikod.. Nakatalikod siya samin e, pero parang kilala ko ang likod na yon! Hindi ako magkaka-mali, Si.. Benj yan. 

"Be.. Benj?" halos mautal na talaga ko. 

"Oo, Siya nga." sagot ni bhessy. 

Tinignan lang namin siya ng tahimik.. Parang nagdadalawang isip siya kung ilalagay niya ang flowers at chocolates, nag-palinga linga pa siya.. kaya nagtago kami lalo. Oo siya nga talaga. 

Pero sa huli, Nilagay niya padin ang chocolates at roses at mabilis na umalis. 

Ang sama ko para husgahan siyang kaparehas ni Micko, Ang sama ko. 

~

Author's Note: dahil walang pasok bukas! Hahaha. 4 days walang pasok, Mag-parteh! jk. 

This chapters is dedicated to: maeeemoy Hi Chix! Thank you sa pagbabasa. Tine Cabanag here ;) ♥

-desTINEny

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon