Chapter Twenty : Forever bestfriends.

5.3K 109 4
                                    

(A/N) Thankyou po sa mga nag-hihintay ng update diyan! kung meron padin? Hahahaha. Godbless us all. ♥

Dedicated to kay : @patrixica03 Thankyou sa pag-babasa nitong sabog na story na 'to. Hahaha! :) Highly appreciated. Lovessss :* Godbless! 

TANNIA'S POV.

Nagising ako dahil nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko, bumangon ako at tinignan ang oras 7:30pm na pala. hindi pa ako nag-didinner.

Binuksan ko yung pinto, Si Tine. na-aalala ko nanaman yung sinabi niya.

"Tannia.. mag-usap tayo." pambungad niya, nagdadalawang isip pa ko, pero sa huli pumayag nadin naman ako, niluwagan ko ang bukas ng pinto.. tapos na una na kong umupo sa kama, tumabi naman siya sakin.

"Bhessy.." pagsisimula niya, tapos tumingin sakin. tinignan ko lang din siya. walang emosyon. hindi ko lang matanggap na nag-kakaganito kami dahil lang kay Micko. He's not worth it. "Ang sinasabi ko kanina, mali ka ng pagkakaintindi. Hindi ko sinasabi na ganun ha, na malandi ka, dahil alam kong Hindi! hinding hindi. Wag mo naman akong itulad sakanila bhessy, besfriend kita, hindi kita pag-iisipan ng ganon." tuloy tuloy niyang sabi.. hindi ako makapag-salita, wala kong masabi. naging makitid masyado ang utak ko nung mga oras na nagalit ako, alam ko namang hindi niya ako pag-iisipan ng ganon eh. Sa dami lang talaga ng ini-iisip ko nung mga araw na yon, kaya iba yung rating sakin nung sinabi niya. nababaliw na nga ata ako eh.

"So-sorry bhessy." sabi ko, tapos niyakap ko siya. tsaka ako umiyak, narinig ko din na umiiyak na siya. "Forever bestfriends tayo. walang makaka-sira." sabi ko, habang nakayakap padin kami sa isa't isa. At lalong hinding hindi kami masisira ng walang kwentang tao lang.

"Oo naman bhessy. forever." sabi niya, tapos umalis siya sa pagkaka-yakap. Tsaka nag-offer ng pinky promise, pambata ba tignan? eh ganun kami eh. Inaceept ko naman.

"Forever!" sigaw naming dalawa.

PAGKATAPOS nun, kumain na kami ng dinner tapos napag-pasyahan naming mag-tabi matulog, kaya sa kwarto ko kami natulog.

*

KINABUKASAN.

"Uy Tannia, tignan mo nga kung sino yung kumakatok." sigaw ni Tine sakin, andito kasi ako sa sala nanunuod ng tv, ready to go na ko para pumasok, habang siya nag-aayos pa ng gamit niya sa may dinning table.

"Eto naaaaaaa." sigaw ko pabalik, sino ba naman kasi 'tong kakatok? Wala naman kaming in-eexpect na bisita ngayon ha. storbo sa panunuod ko.

Pagbukas ko ng pinto. "Oh benj?" nagtatakang tanong ko. Pano niya nalaman na dito kami nakatira?

"Ahh.. ano kasi, kasama ko si Ezekiel, may nakalimutan lang daw sa kotse niya." sabi niya, pero hindi siya nakatingin sakin. problema nito?

"Ahhh. ganun ba. pasok ka muna." alok ko sakanya, tsaka ko nilakihan yung uwang nung pinto. tumango naman siya at pumasok na.

"Oh Benj!" gulat na sabi ni tine. tumingin naman siya sakin. nilakihan ko nalang siya ng mata.

"Hi Tine." bating pabalik naman ni Benj.

"Ahh. upo ka muna benj." alok ni Bhessy, umupo naman si Benj. magkatabi na tuloy kami.

"Nga pala, kasama ko si Ezekiel, may nakalimutan lang daw siya sa kotse niya eh." sabi ni Benj kay bhessy. nahalata niya siguro na nagtataka si bhessy kung ba't siya andito.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon