Chapter Seven : Welcome Back Charles!!

7K 110 1
                                    

TANNIA'S POV.

Andito na kami sa Locker.

"Antaray, meron padin." sabi ni Tine.

"Hindi ba siya napapagod? Pwede naman kasi talagang magpakilala sakin." sagot ko sakanya.

"Siguro, torpe? o natatakot mareject? Grabe ha. Dakilang Secret Admirer! Im Proud of him." sabi ni Tine, Habang kinikilig kilig pa.

"Tss. Hindi ba siya naaawa sa sarili niya?" sabi ko, kasi sa ginagawa niya, nagsasayang lang siya ng panahon eh? nakakaawa no. kasi gusto ko siya makilala swear, kasi parang sobra sobra ung pagmamahal niya sakin?

"Kung masaya siya sa ginagawa niya diba? Ano magagawa mo?" sagot naman ni Tine

"Psh, osya magbihis kana! hintayin kita dito." sabi ko, tapos pumasok na siya sa pinaka malapit na cr. kinuha ko na ung mga libro para sa 2 subjects na natitira. After 5 minutes lang lumabas na si Tine.

 "Tara na." aya ko sakanya, ng makarating na kami sa room palaisipan padin saming lahat kung sino yung nakakaamaze na transfer at kung kailan matatapos na yung 1st sem tsaka pa siya nagenroll. 

"Goodmorning class." bati ni Mam.Indigo, nag-goodmorning din naman kaming lahat. "Soo, alam ko naman na alam niyo na, na ngayon niyo makikilala yung Transfer student diba?" tanong niya. nagsimula na magbulungan yung mga classmates namin. "Okey Quite, andito na siya." paganunsyo ni mam, lahat nama kami nagtinginan sa bintana, kaso naka-hoodie yung transfer. :O

"Hi. Im Charles Manansala, I Transfered because of my girlfriend." walang anu-anung pagpapakilala niya. nakayuko siya, kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. at hindi ko din narinig masyado ang sinabi niya, narinig ko lang nagtransferred siya dahil sa girlfriend niya, ang swerte naman nung girl. nagsimula namang manghinayang yung mga blockmates ko. 

"Awtsu. may girlfriend na pala."

"Aw. sayang naman."

"It means.. may bagong chix dito pare?" 

at kung ano ano pa. kami naman ni Tine, tahimik lang.

"You may now take your sit Mr.Manansala " sabi ni Mam.Indigo, napatingin naman ako ng.. makita ko yung mukha niya O_O HE'S BACK. at hindi niya ata ako napansin, naupo siya sa harap ko. Naglesson na si Mam, hindi ko siya kinikibo kahit napaka-daming tanong sa utak ko na gusto kong itanong. hindi ko din naiintindihan yung chikka ni Tine, dahil spaced out talaga ako.

*krriiiiiing* nabuhay nalang ako ule, nung nagring na yung bell. hay salamat! makakalabas nadin.

"Hoy tara na." sabi ni Tine, kaya napaangat ako ng ulo ko. wala na si Charles, nauna na ata. hindi niya ba kami nakita ni Tine? pero impossible.

"Bhessy. Si Cha.. Charles." sabi ko kay tine, kasunod nun ang paghagulgol ko ng iyak.

"Bhessy, tama na. I-let go mo na ang past. Peste naman kasi yan si Charles! bat pa naisipang bumalik." sabi ni Tine, habang hinihimas yung likod ko para patahanin ako.

"Si-sino yung tinutukoy niyang girlfriend?" tanong ko, dahil ayun pa yung gustong gusto ko ng itanong, lalo na kay charles. :( 

"Hindi ko din alam bhessy eh, malalaman palang." sabi niya.

"Napagpalit niya na ba agad ako? Ganun nalang ba kadali yun?" tanong ko, na naging dahilan ng pagiyak ko lalo. ayos lang, dahil kami nalang naman dalawa dito sa room.

"Siguro nga bhessy. Mahal mo pa ba? Tama na. Nasaktan kana ng sobra eh." sabi niya.

"Oo, mahal na mahal. Gusto ko siyang makausap Bhessy, please lang." pagmamakaawa ko sakanya.

"Para san pa Tannia? eh alam ko namang iiyak ka lang sa mga sasabihin niya." pasigaw niyang sagot, alam ko namang galit na galit si Tine kay Charles, pero gusto ko malaman yung dahilan ng pagiwan niya sakin, malay ko kung meron naman siyang magandang dahilan, kaya ko namang intindihin yun eh. kakayanin ko naman eh.

"Gusto ko lang naman marinig yung mga dahilan niya bhessy." sagot ko.

"Bakit? May dahilan ba siyang maganda? Hay nako! Bahala na. Tara na kumain na tayo, nakakainis lang siyang pagusapan. Tumahan kana diyan. " sabi niya, pinilit ko namang tumahan, dahil alam kong napapayag ko na siya kahit papano.

*

Andito na kami sa Canteen. gusto ko sanang mapag-isa, pero ayaw ako iwan ni Tine, baka daw kasi habulin ko lang si Charles. 

"Tara na bhessy. Balik na tayo sa Classroom." aya sakin ni Tine. tumango nalang ako, at nagsimula na kaming maglakad.

"Cha.. charles?" mahinang sabi ko, pero sapat na para marinig ng taong nasa harap ko.

"Tannia. Long time no see, kamusta kana?" bati niya sakin ng nakangiti.

"Charles, okey lang siya. Sige mauuna na kami." pagputol ni Tine sa katahimikan, dahil hindi ko magawang sumagot, bat ang saya niya? ganun ba talaga kadali? para sakanya. ang sakit sobra :(

"Wala daw prof, classmates naman tayo in all subject eh. Destinied ata talaga tayong tatlo." anunsyo niya, na ang sigla sigla... ng biglang may dumating na magandang babae, transfer? lumapit sakanya at...

"Hi Babe, I've been looking for you." sabi ng babae, sabay halik sa pisngi ni Charles, BABE? HALIK SA PISNGE? ano yon? siya ba? :(

"Charles, mauuna na talaga kami." sabi ni tine, dahil siguro nararamdaman niyang maluluha na ko dito, kahit anong oras.

"Ay teka.. ipapakilala ko lang sana kayo sa uhm..  girlfriend ko." sabi ni Charles, nakatalikod na kami nun pero bigla kaming napaharap ni Tine, tama ba yung pagkakarinig ko? GIRLFRIEND? nang-hina bigla yung mga tuhod ko, at parang nabarag yung puso ko.

"Oh Hello there." masayang bati ng babaeng to. tsk

"Her name is Juliane Fajardo. Babe, Tannia and Tine, my bestfriends since when I was 4yrs old.sabi ni Charles, nilapat naman nung Juliane ang kamay ni para makipag-shake handa. pero.. hindi ko na kinaya, kaya nagwalk-out na ko. ang sakit eh. sobra.

"Oh my God. is she okey?" pagaalala nung juliane. okey ako? walangya pala siya eh. Hindi niya ba ko kilala? Siguro nga. SINO BA KASI AKO PARA MAKILALA NIYA PA DIBA? BESTFRIENDS lang naman kami ng Boyfriend niya. Great! at narinig ko pang tinawag ako ni Tine, alam kong magaalala siya... pero huli na dahil nakalayo na ko... ang sakit talaga eh, hindi ko kayang mag panggap na okey lang, na MASAYA AKO, na MOVED ON na ko, dahil hindi. HINDI. 

Narating ko ang play ground ng school. walang tao, dahil may pasok pa ang mga elementary. kaya peaceful, siguro pwede ko na ibuhos lahat ng luha ko dito? dahil walang tao. 

"Walang hiya! asan na yung forever mo?! Gago!" sigaw ko, sabay hagis ng bato sa pader. Gusto ko magwala! kaya eto.. para naman kahit papano mawala yung bigat ng nararamdaman ko. "Mag sama kayong dalawa ng syota mo! Tang*na niyong dalawa!" sabay hagis ko ule ng bato... at kasunod nun ang paghagulgol ko, nanghihina ang mga tuhod ko. ang sakit sobra. :/ 

A/N : hello guith. sorry ngayon lang nag-UD, dahil ngayon lang naayos yung computer eh. LONG UPDATE PARA MAKABAWI. harthart♥

-desTINEny 


My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon