Chapter Sixteen : Be strong.

5.2K 92 0
                                    

HAPPY 1.1K READS!! Malapit lapit nadin matapos, mga 6 chapters pa. LOL 

TANNIA'S POV.

Andito si Micko. Oo, pinapasok ko siya. Gusto ko kasing linawin niya lahat.

"My princess." pang-basag niya sa katahimikan, dati pagnaririnig ko yun, nagtatatalon yung puso ko sa saya, pero ngayon parang tinutusok ng karayom eh. Ang sakit :| "Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Sorry na, sorry kung nasigawan kita." dagdag niya, sabay hawak ng kamay ko. Bakit ngayon, pag didikit siya sakin, parang nasasaktan ako.. pero dati gustong gusto ko pa! 

Binawi ko yung kamay ko sakanya, na siyang ikina-gulat niya. "Wag mo kong matawag tawag na princess." diretso kong sabi, nabigla ako sa sinabe ko! hindi ko alam kung san ako humugot ng lakas ng loob. Siguro eto na, panahon na para malaman niyang alam ko na ang lahat, Lahat lahat!

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sakin. Naiinis ako! Nagagalit! Akala ko dati, hindi ko magagawang mag-tanim ng sama ng loob sakanya, pero sabi ko lang pala yon! dahil eto ako ngayon, galit na galit. inis na inis. gusto ko siyang sampalin!

"Micko... " sabay buhos ng luha ko, yumuko ako! ayokong makita niya akong weak, ayoko! I need to Be strong. "Alam ko na lahat, tama na." dagdag ko, buti naman at hindi ako na-utal. ayoko padin siyang tignan.

"Well, mabuti naman. Im done with this." sabi niya, sabay tayo. what? parang nabingi ata ako sa sinabi niya.

"A-anong sabi mo?" this time nautal na ko, tama ba ang narinig ko? 

"Bingi ka ba? Sabi ko, alam mo na pala lahat eh. Odi, The end! Tapos na ang palabas." sabi niya, sabay papunta sa pintuan para lumabas.

"Wala kang puso micko. Walang hiya ka!" sigaw ko sakanya, pero parang wala siyang narinig. umalis na siya, pagka-sara na pagkasara ng pinto. Nanghina ang mga tuhod ko, napa-upo ako sa sahig.

ANO 'TO? Naloko nanaman ako! Lahat ba ng lalake pare-parehas? Ang salitang I love you ba eh parang Hello lang sakanila! Ba't ganon? Ako nalang parati, UNA kay Charles, NGAYON kay Micko. ba't ganon? Napaka-malas ko namang nilalang. Parating sawi sa pag-ibig, buti nalang at hindi ko pa sinasagot si Micko, buti nalang. Sobrang sakit, mas masakit pa sa ginawang pag-iwan sakin ni Charles.

AKALA ko kasi, si Micko nalang yung kulang sa buhay ko, AKALA ko siya na, pero wala eh. Madaming namamatay sa AKALA. Pare-parehas lang naman lahat ng lalake, wala silang pinag-kaiba lahat! lahat sila manloloko, napa-tunayan ko na yon. LAHAT SILA!!!!!!!! 

*

"Uy Tannia, Ba't dito ka natulog?" narinig kong gising sakin ni Tine, napa-mulat naman ako. kaso ang labo ng paningin ko, feeling ko namamaga ang mata ko. "Hindi ka ba muna papasok? Friday nanaman ngayon." tanong sakin ni Tine, habang abala sa pag-luto ng breakfast namin.

"Pare-parehas lang pala talaga sila, ano?" pag-iba ko ng usapan, pesteng luha! pumapatak nanaman. 

Napatigil naman siya sa ginagawa niya, at napa-tingin sakin, yung naawang tingin. "Tannia, can you please tell me first what happened? anong sinabi sayo nung girl na mineet mo?" sabi niya, sabay upo sa tabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago magkwento.

KINUWENTO KO SAKANYA LAHAT, PATI YUNG USAPAN NAMIN NI MICKO. AS IN LAHAT. 

"Gago siya! Tang*na ng mickong yan!!" sigaw niya, habang nagpipigil ng galit. 

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon