Chapter Thirthy Six: After 5months.

4.8K 83 0
                                    

TANNIA'S POV.

5 months ng nakalipas, simula mangyare lahat ng magagagandang pangyayare. Hahaha, Yung pag-uwi ng mga Magulang ko, yung pang-liligaw sakin ni Benj, yung pag hingi ni Micko ng sorry sa lahat.. Ang saya saya talaga.

Tapos eto pa... Last day na ngayon! masaya na hindi, kasi siyempre hindi na kami parati magkikita ni Benj. Charaught! Hahaha. siyempre mamimiss ko sila ng barkada, pero parati niya namang sinasabi sakin na kahit daw puntahan niya ko sa condo araw araw o kahit daw date araw araw, masyadong magastos ang isang yun! Rich kid be like.

ANDITO na kami ngayon ni Tine sa campus, hinihintay namin yung ibang barkada. Magpapa-pirma nadin kasi kami ng ibang clearance.

"Bhessy ayan na sila!" sigaw ni Tine kaya naman napa-lingon ako, Yes naman! kinikilig padin talaga ko pagnakikita ko siya, kasi parang nasa cloud 9 ako e, Heaven feels. Ang pogi pogi, Campus prince ba naman ang suitor ko e? *flips hair*

"Tannia." ay nasa harap ko na pala siya. Am I drooling?

"Uy. Tara na!" aya ko sakanila, Duh mamaya mag-yabang nanaman yan na nagwagwapuhan ako sakanya.

BENJ'S POV.

"Grabe no, nakaka-pagod magpa-pirma ng mga to. Buti talaga matalino at masipag tayo." sabi ni Ezekiel ng maka-upo na kami. Andito kami sa cafeteria, papahinga at kakain lang.. Napagod kami e.

"Guys, ako na oorder ng foods ha. Ano ba gusto niyo?" tanong ni Tine.

"Donut and Spag lang sakin. Sayo benj?" tanong ni Tannia.

"Salad and Sandwich sakin." sagot ko, Siyempre naman. Baka nag-ggym? para naman mas mapogian sakin tong katabi ko. Mwahahaha.

"Sus! Abs pa." asar niya sakin, Ayaw niya kasi na magpa-payat ako. Gusto niya daw patabain ako, Ayaw niya daw ng macho. Seriously? Ibang iba talaga siya sa iba.

KAMI nalang dalawa ni Tannia andito sa table, sumama nadin kasi sila Charles and Juliane sa pag-order. Hmm, Sabihin ko na kaya? Papayag kaya siya?

Matagal ko tong pinag-isipan, May Welcome back party kasi ang parents ko bukas.. Gusto ko i-invite si Tannia, Gusto ko na siya ipa-kilala sa mga magulang ko because I'm deadly serious about her. Gusto ko maramdaman niya pa lalo na special siya sakin, na mahal na mahal ko siya. Na seryoso talaga ko sakanya.

"Hmmm. Tannia?"

"Oh Bakit?"

"Ahm.. Ano kasi, aayain sana kita."

"Date nanaman? Oy ikaw ha, magtipid ka nga." natawa naman ako sa sinabi niya, Yung ibang girls gusto puro date, flowers, o chocolates pero siya basta magkasama lang kami kahit saan pa yan, masaya na siya. Hindi siya mapili. Mas lalo tuloy ako nahuhulog, baka hindi ko na to kayanin.

"Hindi, Hindi to date. pero pwede na din."

"Ha? Ang gulo, eh ano ba kasi?"

"May Welcome back party kasi sila Mama at Papa."

"Ha? Oh?" natatawa ako sa reaction niya. parang kinakabahan siya. Alam ko namang kakabahan talaga siya, pero hindi dapat niya maramdaman yun kasi andito naman ako sa tabi niya. Always.

"Gusto na kitang ipakilala sakanila."

"Ha? Agad-agad? Bakit naman? Eh hi--" hindi ko na siya pinatapos pa.

My Secret Admirer is a Campus Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon