CHAPTER SIX (UNTAMED)

743 79 19
                                    

JUNGKOOK'S POV

"KIM TAEHYUNG!!!!"

Napasabunot nalang ako sa ulo ko sa sobrang inis habang patuloy naman sa pagwawala ang inner wolf ko.

Kung paano akong nagmadaling habulin siya, ganun rin ang pagmamdaling ginawa niya para makalayo lang sa akin.

Inuubos talaga ng lalaking to ang pasensya ko.

"Taehyung!" Muli ko pang pagtawag sa kanya.

"Tangina mo!" Pasigaw na sagot naman nito.

*'Focus, you idiot! Stop looking at his ass!'*

Agad kong ipinilig ang ulo nang marinig ko ang galit na boses na yun ng inner wolf ko.

Eh, sa anong magagawa ko at nadidistract ako sa nakikita ko?

* 'Kung di mo sana siya ginalit, hindi sana mangyayari ang lahat ng to! Go and get him! I don't want anybody else to see him!' *

Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Bakit galit na galit naman yata masyado?

"Taehyung, please. Umuwi na tayo." Malakas na pakiusap ko pa sa kanya.

Medyu malayo layo na rin ang nalalakad niya at hindi ko maiwasang kabahan nang makitang ang daan papunta sa bonfire's haven ang tinatahak niya.

Kung hindi ako nagkakamali, maaaring may mga nag iinuman at nagkekwentuhan pa roon.

Doon kalimitang pumupunta ang iba kung sakaling hindi sila makatulog at gusto nilang makipag usap sa iba.

"Tae, please!"-Jungkook

"Umuwi kang mag isa, Jungkook."-Taehyung

"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama."-Jungkook

"Tsss. Wag mo kong pag aksayahan ng oras! Manigas ka dun sa wolf's cabin mo sa paghihintay sa punyetang mate na yan! Animal!"-Taehyung

"Umuwi na tayo at mag usap ulit tayo ng maayos!"-Jungkook

"Paano tayo mag uusap ng maayos kung magulo kang kausap na ugok ka! Pabayaan mo ko!"-Taehyung

Gustung gusto ko na siyang lundagin nang malapit na kami sa bonfire haven ay hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad.

"Taehyung, ano ba?!"-Jungkook

"Ano ka ba mo mukha mo! Sipain kita diyan, eh!"-Taehyung

"Makinig ka kasi! Hindi sa lahat ng oras gusto mo lang ang masusunod! Stop being a fucking brat!"-Jungkook

Napaigtad ako nang galit itong lumingon sa akin. Bakas ang labis na galit sa nanlilisik niyang mga mata.

"I'm the Prince here, Jungkook and I can do whatever I want!"-Taehyung

Mabilis nitong iniwas sa akin ang paningin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mumunting luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Mas lalo kong binilisan ang paghabol sa kanya nang tuluyan na itong makarating sa bonfire's haven.

Sa buong gilalas ko ay napakarami ng naroroon ngayun at karamihan sa kanila ay mga kalalakihan na miyembro ng pack.

Naikuyom ko lalo ang mga kamao nang makitang naroroon rin sina Hoseok hyung at Suga hyung na kasama si Irene.

Biglang tumigil sa paglalakad si Taehyung nang makitang marami ang mga taong naroroon.

Tumahimik ang lahat habang humahangang napatitig sa kabuuan niya.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon