CHAPTER FOURTEEN (SILENT PAIN)

672 65 24
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Hindi ka ba nag iisip?! Paano kung hindi nakarating agad si Jungkook para iligtas ka?! Paano kung nakuha ka ni Alpha Drex?! Taehyung, naman! Hindi sa lahat ng oras ay gusto mo lang ang palaging masusunod!" Galit ngunit may halong pangaral na saad ni King Zairo sa anak.

Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

Napaka tigas naman kasi ng ulo.

"Bakit hindi ka nalang nagsabi sa akin na gusto mong iligtas tong kaibigan mo para nakapag padala nalang ako ng no no moomga tauhan ko?! Bakit kinakailangang ikaw mismo ang pumunta at ipahamak mo ang sarili mo?!" Patuloy pa nito.

Hindi ko rin masisisi si King Zairo dahil labis talaga itong nag alala para sa kaligtasan ng anak.

Hindi ito makapaniwala nang ikwento ko ang mga nangyari sa kanya at maging ang naging pagtutuos namin ni Alpha Drex.

Kasama naming bumalik ang kaibigan ni Taehyung na nagngangalang Park Jimin na siya ring mate ni Suga hyung.

Nananatiling tahimik si Taehyung habang patuloy naman sa panenermon si King Zairo.

"Ano? Bakit hindi ka man lang nagsasalita?! Asan na ang pagiging madaldal mo?!"-King Zairo

Napapailing na lumapit naman agad ito sa Ama saka ito masuyong niyakap sa beywang.

"Paano ako magsasalita kung tinalo mo pa si Eminem sa pagrarap diyan?"-Taehyung

Siraulo talaga.

Psh.

"Ako ba ay pinagloloko mo pa rin sa kabila ng galit at pag aalala ko?!"-King Zairo

"Dad......."

Sabay kaming napaigtad na lahat nang marinig ang sinabi ni Taehyung.

Unang beses na tinawag niya ng ganito si King Zairo. Mababakas din ngayun sa mukha ni King Zairo na kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang narinig.

"I'm sorry, okay? I know mali ang ginawa ko at pabigla bigla na naman ako pero kasi nataranta lang din ako. Akala ko ay hindi kayo papayag at wala kayong gagawin. Jimin is very important for me. He's my bestfriend and soulmate.  Ayokong malagay sa panganib ang buhay niya at wala akong gagawin para sa kanya." Malumanay na paliwanag pa nito.

"Awwwww. Em so tats naman. Importante pala ako sayo pero puro bakit puro kunsumisyon lang din yung binibigay mo sa akin noon?"-Jimin

"Manahimik ka pandak hindi ikaw ang kausap ko."-Taehyung

"Tsssss."-Jimin

Naiiling na hinaplos ni King Zairo ang pisngi ni Taehyung saka ito pinakatitigan sa mukha.

"Ayaw ko lang na may masamang mangyari sayo. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa mga padalus dalos na desisyon mo.  Nandito ako, magsabi ka lang sa akin at gagawan ko ng paraan ang lahat para sayo." Malambing na wika pa nito sa anak.

"Wala namang masamang nangyari sa akin, Dad. Look, hindi naman ako pababayaan ni Jungkook. Ililigtas at ililigtas naman niya ako kahit na ano ang mangyari."-Taehyung

Which is true.

Handa akong gawin ang lahat masigurado lang ang kaligtasan niya pero.....

"Pero hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo siya, anak. Sa makalawa ay malalaman na niya kung sino ang magiging mate niya at gustuhin man nya ay hindi may mga pagkakataon na hindi ka niya mauuna. His mate is his priority no matter what."-King Zairo

Parang may kung anong kirot akong naramdaman nang agad na bumakas sa mukha ni Taehyung ang sakit at pagkadismaya sa sinabi ni King Zairo.

Isa itong katotohanan na pilit naming tinatakasang dalawa pero nalalapit na rin ang araw na kailangan na naming gumising mula sa kahibangan namin parehu.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon