CHAPTER TWENTY (BETRAYED)

734 71 22
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Hindi kapa ba pagod? Baka gusto mong umuwi nalang muna tayo para makapag pahinga ka?" Tanong ko kay Taehyung nang makitang maghahating gabi na at medyu namumula mula na ang ilong niya.

Siguro dahil sa lamig at hamog na rin.

"No, gusto ko pang mamasyal. Ngayun lang ako nakapunta sa mga ganitong klaseng lugar. Noon puro office, malls at fashion shows lang ako. This place is a whole lot different from the places I've been before." Nakangiting sagot pa nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang mapatango nalang.

"Fine. If that's what you want my Luna."-Jungkook

Pairap na iniwas lang nito sa akin ang paningin pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi niya.

"Namumula na yata yang pisngi mo sa lamig at hamog. Umuwi nalang kaya tayo at nang makapag pahinga kana?"-Jungkook

Hindi makapaniwalang nilingon ako nito saka mahinang pinitik ako sa noo.

"Alam mo ang gwapo gwapo mo pero napaka engot mo. Wala na talagang tatalo sayo." Mataray na saad na naman nito.

Nanlaki pa ang mga butas ng ilong niya pero tila mas lalong namula ang kanyang mga pisngi.

Teka, kinikilig siya?

Tutuksuhin ko na sana siya nang bigla kong maramdaman ang marahan niyang paghila sa kamay ko.

"Waaaah! Punta tayo dun!"-Taehyung

Wala akong ginawa kundi ang magpahila sa kanya at hindi na rin ako umalma pa.

Hindi ako pwedeng umalma dahil tiyak na isisisi na naman niya sa akin ang ginawa kong pang tataboy kay Bogum kanina.

Hindi naman na kasi kailangan ang presensiya niya ngayun dito. Gusto kong masolo si Taehyung at umiinit lang ang ulo ko kapag umaaligid siya sa taong mahal ko.

Lumapit kami sa isang kiosk kung saan may isang nakaupong babae na halatang isang manghuhula.

"Magandang gabi. Anong maipaglilingkod ko sa inyo kaakit akit na Prinsipe?" Nakangiting bati pa nito sa amin pero ang kanyang mga mata ay nananatiling na kay Taehyung.

"Manghuhula po kayo?" Excited namang tanong pa dito ni Taehyung.

Nakangitng tumango ang babae sa kanya saka pinaglaruan ang hawak na baraha sa kanyang mga kamay.

Hindi na rin ako nakaalma nang biglang hilahin ni Taehyung ang kamay ko para maupo kaming dalawa sa upuan sa harap ng nasabing babae.

"Sino ba ang magpapahula sa inyong dalawa? Ikaw o ang magandang lalaking kasama mo?"

Pilit kong pinigilan ang matawa nang makita ko ang awtomatikong pagtaas ng isang ni kilay ni Taehyung at pag iiba ng timpla ng mukha nito..

Agad naman itong napansin din ng manghuhula kaya tinawanan nito ang naging reaksyon ni Taehyung..

"Wag kang mag alala at kailanman ay hindi ko naisipan na angkinin ang kahit na anong hindi ko pagmamay-ari." Wika pa nito.

"Mabuti naman kung ganun. Papaseminar ko nalang din sayo yung mahaderang Irene na yun at nang may matutunan din siyang magandang asal. Ano sa palagay mo?" Baling pa nito sa akin.

Napailing nalang ako bilang sagot sa kanya. Kahit kailan at kahit saan talaga tong lalaking to.

"Anyways, ako yung gustong magpahula. Anong kailangan mo?"-Taehyung

"Ilahad mo ang kamay mo sa akin, Prinsipe." Nang eenganyong saad pa ulit nito.

Nagtatakang nilingon pa ako ni Taehyung na tila nag aalangan na nga itong iabot ang kanyang kamay sa nasabing manghuhula.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon