CHAPTER TWENTY-SIX (THE LOST LOVE)

469 35 15
                                    

JUNGKOOK'S POV

Mariin kong ipinikit ang mga mata at ikinuyom ang mga kamao nang malakas na tumama sa pisngi ko ang kamay ni King Zairo.

"Anong ginagawa mo?! Bakit mo hinayaang mawala sa paningin mo ang Omega?!" Gigil at galit na tanong nito sa akin.

Hindi ko nagawang sumagot at walang din akong balak na sagutin siya. Isang malaking pagsasayang ng oras ang makipag talo sa kanya lalo na alam kong hindi rin naman niya pakikinggan ang magiging paliwanag ko.

"Hindi ka kasi nakikinig! Ilang beses kong sinabi sa iyong layuan mo siya at itigil mo ang pakikipag mabutihan sa kanya pero hindi ka nakikinig! Ipinilit niyo ang......"-King Zairo

"Pinilit ang ano? Ang pagmamahalan namin?" Putol ko pa sa sasabihin niya.

Pag dumadating na sa ganitong punto ang usapan ay hindi ko na napipigilan ang umalma sa kanya. Palagi nalang kasing ganito.

"Jungkook......" Narinig kong pag saway sa akin ni Ama.

"Wala kaming pinilit dahil sa simula pa lang ay para na kami sa isa't - isa. Kung meron man sa atin dito ang mahilig mamilit paniguradong hindi ako iyon." Pagpapatuloy ko pa.

"Anong sinabi mo?!"-King Zairo

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi ka marunong magmahal. Kahit kailan ay hindi mo minahal si Ina. Walang ibang importante sa iyo kundi ang protektahan si Taehyung dahil ano? Anak siya ng babaeng totoong iniibig mo? Paano mo naatim na magmahal ng iba sa kabila ng katotohanang walang ibang ginawa si Ina kundi ialay nag wagas na pagmamahal niya para sa iyo?! May puso ka ba?!"-Jungkook

"Tumahimik ka!"-King Zairo

"Pinasama mo sa lahat ang imahe ni Ina pero wala kang kahit na anong narinig mula sa kanya. Bulag ka ba para hindi mo makita ang lahat ng ginagawa niya para sayo?!"-Jungkook

Masama man ang loob ko pero hinayaan ko ang lalaking ito na sirain ang imahe ng aking Ina sa lahat at gumawa ng mga kwento para ipakalat ito. 

Gustuhin ko man ang tumutol ay hindi ko magawa dahil na rin sa kahilingan ni Ina.

Ganito niya ka mahal ang walang kwentang hari na to.

"Hindi mo alam yang pinagsasabi mo, Jungkook. Wag mong ibahin ang usapan at ibalik ang nakaraan. Si Taehyung ang pinag uusapan natin dito. Ano ang magagawa ng pagmamahalan niyong dalawa kung ngayun ay nanganganib na ang buhay niya?!"-King Zairo

"Yan ang hinding hindi ko hahayaang mangyari."-Jungkook

"Wala akong pakialam sa kung ano ang iniisip mo pero siguraduhin mo lang, Jungkook na maibabalik mo dito ang Omega ng ligtas dahil oras na may mangyari sa kanyang masama ay kalimutan mo na rin na meron kang Ama."-King Zairo

Pagak akong natawa sa sinabi niya. Kunot noong nilingon ako nito nang marinig ang tila nanunyang pagtawa ko.

Minsan talaga wala din sa hulog magpatawa tong lalaking to. Nakakabwisit tuloy siya lalo.

"Ama? Nagpapatawa ka ba? Kelan ka ba naging Ama sa akin ha King Zairo? Kamahalan?"-Jungkook

"Jungkook!"-Ama

"Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na sagut sagutin ako ng ganyan?!" Galit na saad ni King Zairo.

Hindi kami nakahuma ng malakas na tumama sa panga ko ang kamao niya. Bahagya akong napaatras sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya at agad kong naramdaman ang pamamanhid ng mukha ko. Nalasahan ko rin ang sariling dugo sa mga labi ko.

Pabalang na pinahid ko ito saka muli siyang hinarap.

"Kung ayaw mong sagot sagutin kita ng ganyan wag na wag mong mababanggit ang tungkol sa pagiging Ama dahil kahit kailan ang hindi ka naging ganun sa buhay ko. Iisa lang ang kinikilala kong Ama at iyon ay si Head Chief Bang Si-hyuk."-Jungkook

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon