CHAPTER SEVENTEEN (THE WARNING)

649 72 23
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Taehyung!"

Nakangiting nilingon ko si Jungkook nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko.

Patakbong itong lumapit sa akin habang nakakunot pa ang noo.

"Yes, love?" May landi at maarteng tanong ko pa habang nakatitig sa mga mata niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Bakit mo naman ginawa yun kay Irene?"-Jungkook

Agad na nasira ang mood ko nang marinig ko na naman ang pangalan na yun.

"Why? Concern ka sa kanya?"-Taehyung

"No, I'm not pero kasi pinahiya mo siya sa...."-Jungkook

"Edi pagsabihan mo yung babaitang yun na wag akong utusan lalo na at hindi naman niya ako binabayaran."
-Taehyung

"Tae...."-Jungkook

Sininghalan ko siya saka masungit na inirapan.

"Wag mo kong kausapin lalo na kung tungkol diyan sa babaeng yan. Hindi porke't mate mo siya ay hahayaan ko nalang siyang uutos utusan ako. Leche, magulang ko nga di ako mautusan siya pa kaya? Ano siya naka jackpot?"-Taehyung

Naiiling na napapangiti nalang ito marahil sa kasungitang pinapakita ko.

"Ayokong umalis ka sa wolf's cabin ko." May lambing at malumanay na wika nito makalipas ang ilang sandali.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko saka ito magaang dinampian ng halik.

"Ako rin pero ayokong mag royal ramble kami dun ng chakang yun. Ayokong madikit sa kanya ang makinis kong balat. I hate germs, you know at isang malaking kagaw ang babaeng yun."-Taehyung

"I'll get you back, my Luna. I promise I'll get you back." Determinadong bulong ni Jungkook sa akin dahilan para mawala ang kaninang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Nice...

"No, Alpha. Ako ang kukuha sayo mula sa babaeng yun at katulad ng sinabi ko kanina ibabalik ko siya sa dapat niyang kalalagyan." Malambing kong tugon naman sa kanya.

Nakangiting tumango ito bago masuyong hinimas ang kaliwang pisngi ko.

"I want to kiss you but I can't ."-Jungkook

"Soon. Ikalma mo muna yang libog mo."-Taehyung

"Kim Taehyung....."-Jungkook

"Siyempre, joke lang yun. Tinatawag ka na ng masungit mong Tatay. Umalis kana habang nakakapag pigil pa ako." Pagtataboy ko na sa kanya nang makita ko mula sa di-kalayuan si Head Chief.

"Nakakapag pigil na?"-Jungkook

"Tara sa kwarto pakita ko nalang sayo...."-Taehyung

Natatawang umatras ito saka umiiling na naglakad papalayo bago niya ikinaway ang kamay bilang pamamaalam.

Psh.

Duwag talaga ang unggoy.

A FEW DAYS LATER

STILL TAEHYUNG'S POV

Pabalikwas akong bumangon nang sunud sunod akong makarinig ng mga pagsabog.

Naalimpungatang pinakiramdaman ko ang paligid bago ako tuluyang bumangon sa kama.

Anong nangyayari?

Nawala ang kaninang labis na antok na nararamdaman nang mapalitan ito ng labis na takot at pangangamba.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon