CHAPTER ELEVEN (LOCKED AWAY)

706 77 26
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Tae, stop crying please. Hindi makakatulong sayo ang pag iyak." Narinig kong saad ni Hoseok hyung sa tabi ko pero mas lalo lang akong napahikbi.

Hindi ako mapanatag lalo na't alam kong pinaparusahan ngayun si Jungkook.

At ang pinaparusahan siya nang dahil sa akin.

"This is all your fault. Kung hindi mo sana pinilit ang gusto mo hindi sana mangyayari ang lahat ng to." Mataray na sabad naman ni Irene.

Alam ko.

Alam na alam ko.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit sinalo niya lahat ang kasalanan at nailigtas kaming lahat ng involve.

"Wag na tayong magsisihan dito, Irene. Tama lang ang ginawa ng Omega. Hindi naman pwedeng hayaan nalang natin sa labas ang bata lalo na at ang mga Dark Rogues pala ang may kagagawan nun sa kanila."-Suga hyung

"Sige, kampihan niyo pa yan para mas lalong mamihasa. Dahil sa katigasan ng ulo niya, asan ngayun si Jungkook?! Asan?!"-Irene

"Enough, Irene. Hindi nakakatulong yan."-Jackson

"At anong nakakatulong? Ang itolerate niyo ang brat na yan?! Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Jungkook yun! First time niyang suwayin ang utos ng Head Chief. Simula pagkabata ay napaka masunurin niya! Pero bakit nang dahil lang sa isang to ay nagawa na niyang....."-Irene

"Dahil may gusto siya kay Taehyung." Putol dito ni Eun Woo.

Nakataas ang isang kilay na napamaang si Irene sa sinabi.

"What the hell are you saying?!"-Irene

"What? Sinasagot ko lang tanong mo. Bakit nagawa ni Jungkook ang lahat ng yun? Dahil gusto niya si Taehyung. Ngayun, nasagot ko na ang tanong mo pwedeng manahimik kana muna? Hindi ka kasi nakakatulong."-Eun Woo

"Aaagghhh!"-Irene

Padabog na tinalikuran niya kami saka nag martsa paalis.

Nandito kami ngayun sa labas ng wolf's cabin ni Suga hyung pagkatapos ng nangyari kanina sa pagdating namin.

Wala akong nagawa nang tuluyan nga nilang kunin si Jungkook at kahit na anong pagprotestang gawin ko ay hindi nila ako pinakinggan.

Dinala nga nila si Jungkook sa wolf's dungeon at ilang oras na ang nakalilipas mula nang nangyari yun.

Maghahating gabi na.

Hindi pa siya kumakain o kahit tubig man lang.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang matulungan siya o para maaalis siya dun.

Minungkahi ko na ring kausapin yung tatay kong gwapo pero agad nila itong tinutulan.

Hindi pa rin daw ito makatutulong dahil tiyak na kakampihan lang nito ang naging desisyon ng tatay ni Jungkook.

Hindi kasi nito pinapakailaman ang mga desisyon ng Head Chief lalo na't ginagawa lang nito ang trabaho nito na pagpapanatiling ligtas ang buong teritoryo.

So, anong gagawin ko?

"Tae, kanina kapa umiiyak.  Tama na kasi yan."-Mark

"I just can't help it. I want to see him. Baka pinapahirapan na siya dun."-Taehyung

"Pinapahirapan? Hindi naman. Pero siguradong nakakulong yun without food and water."-Suga hyung

"Hanggang kelan siya dun?" Humihikbi kong tanong pa sa kanila.

"Depende. Kung kelan mahihimasmasan ang Head Chief sa ginawa niya. Sa tingin ko, aabot din ito ng ilang araw lalo na't ito ang unang pagkakataon na sinuway siya ng sarili niyang anak."-Jackson

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon