CHAPTER TWENTY-ONE (WHY?)

549 48 23
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Nilibot ko na ang buong kaharian pero wala talaga si Jungkook, Taehyung. Hindi rin alam ni Irene o ng Head Chief kung nasaan siya at akala nga daw niya ay nandito siya kasama mo."

Napatango nalang ako sa sinabing iyon ni Bogum. Hindi na ako nadismaya dahil inaasahan ko na rin iyon.

Bumalik kami galing sa Moon's Festival nang nagpapanggap akong parang walang kahit na anong nangyari.

Wala akong pinagsabihan tungkol sa naging pag-uusap namin ni Alpha Drex. Alam kong nakakahalata si Jungkook na meron akong tinatago sa kanya pero wala akong pakialam.

Medyu ilag at dinidistansiya ko sa kanya ang sarili ko. Wala pa man akong nalalaman pero nasasaktan na ako.

Nasasaktan ako sa kadahilanang alam kong may itinatago sila sa akin at isa siya sa mga nagsisinungaling sa akin.

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang ganito. Ang niloloko at pinapaniwala ako sa isang kasinungalingan ng mga taong mahal ko.

"Omega, meron pala akong nais sabihin sa inyo."-Bogum

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango.

"Sure, Bogum. Ano yun?"-Taehyung

"Tapos na ang trabahong pinagawa sa akin nila Namjoon hyung dito. Ang totoo ayaw ko man ay kinakailangan ko nang umuwi para siguraduhing ligtas sila."-Bogum

"Ganun ba? Kelan mo balak umalis?"-Taehyung

"Mamayang hapon na rin sana."-Bogum

Hindi makakailang agad akong nakaramdam ng labis na pagkadismaya at lungkot sa sinabi niya.

Sobrang na appreciate ko ang presence ni Bogum ngayun.

Pakiramdam ko kasi ay maliban kay Jimin ay pinagkakaisahan ako ng lahat ng nandito.

Tila pinapaniwala ako nila sa isang kasinungalingan para pagtakpan ang isang tao.

Pero ang malaking katanungan ko ay bakit kinakailangan nilang gawin iyon?

Ano ang meron?

Buong gabing nagkulong ako sa kwarto ko at hindi man lang ako nag abalang lumabas at bumaba para kumain kahit ilang beses na akong pinatawag ni Daddy kay Tzuyu.

Gulung gulo ang isip ko.

Gustung gusto kong malaman kung ano ang totoo pero hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulan ito.

Gusto ko silang kumprontahin pero alam kong paninindigan lang din nila ang kasinungaling sinimulan na nila.

Gising na gising ang diwa ko at hindi ko man lang nahalata na maghahating gabi na.

Matamlay na bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang isang puting roba.

Agad ko itong isinuot at lumabas na ako sa kwarto ko para pumunta sa garden.

Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin sa labas. I do have my own terrace in my room pero gusto ko ring maglakad lakad.

Masyado akong naburo sa loob ng kwarto ko simula kaninang hapon nang umalis si Bogum.

Hinapit ko ang suot kong roba sa katawan ko nang umihip ang malamig na ihip ng hangin.

Nilinga ko ang ulo sa paligid at napailing nalang ako nang makitang wala kahit na sino ang naroroon ngayun.

Buti pa sila at mahimbing na natutulog na ngayun. Samantalang ako buhay na buhay pa ang isip at hindi ako makatulog kahit na anong pilit ko.

Tumayo ako sa gitna ng garden habang tahimik na pinagmamasdan ang magagandang bulaklak na nakatanim doon.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon