CHAPTER TWENTY - EIGHT (ZAIRO'S WRATH)

829 45 30
                                    

JUNGKOOK'S POV

Parang may kung anong malamig na kamay ang humaplos sa puso ko habang nanunuod kay Alpha Drex at sa Moon's Goddess. Walang humpay sa pag agos ng mga luha mula sa kanilang mga mata pero kapwa may mga ngiti sa kanilang mga labi.

Habang wala sa aming dalawa ni Taehyung ang makuhang magsalita.

Mahahalatang naguguluhan pa rin si Taehyung habang nakatanaw sa kanyang mga hindi inaasahang mga magulang.

Sa kabila ng lahat ng kalituhan sa isip ko ay nangingibabaw ang katanungang.....

Paanong nakaya ni Ina ang lahat ng to?

Paano niya nakayang magmahal ng lalaking hindi naman siya mahal at umiibig sa babaeng matalik niyang kaibigan?

Umuusbong ang labis na paghanga sa puso ko para kay Ina. Unti unting bumabalik sa alaala ko ang lahat ng pagtitiis niya at pagtitimpi sa lahat ng mga pinapagawa sa kanya ni King Zairo.

Biglang nagtama ang mga mata ng Moon Goddess at ni Taehyung. Bumakas ang labis na tuwa sa kanyang mukha ng makita ang kanyang anak.

"Taetae..... my little Taetae...." -Moon Goddess

Agad itong humiwalay mula sa pagkakayakap kay Alpha Drex at mabilis na lumapit kay Taehyung.

Walang babalang hinila niya ito saka niyakap ng mahigpit.

"Sa wakas at nayakap din kita makalipas ang napakahabang panahon...... Anak ko....." Humahagulhol na saad ng Moon Goddess habang tila hindi pa rin ito makapaniwala sa mga nangyayari.

Lumuluhang lumapit sa kanila si Alpha Drex ngunit nananatiling may mga ngiti sa kanyang mga labi.

"H-Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang gulo gulo. Kung totoong kayo ang mga magulang ko, bakit hindi agad sinabi sa akin ni Alpha Drex? Bakit simula pa lang hindi na niya pinagtapat sa akin ang katotohanan?" - Taehyung

Nakakaintinding masuyong hinaplos ng Moon Goddess ang ulo ni Taehyung na tila isa itong batang paslit.

"Sirang sira ako sa lahat, anak. Kahit anong gawin kong paliwanag sa inyo alam kong hindi niyo ako paniniwalaan dahil iyon na ang itinanim ni Zairo sa mga utak niyo."- Alpha Drex

"Pero kahit na....."- Taehyung

"Anak, alam nating lahat kung ano ang tingin ninyo sa akin. Bakit pa ako mag aaksaya ng panahon kung kaya ko namang ipakita sa inyo kung ano ang katotohanan?" Puno ng pag unawa at may ngiti sa mga labi na tugon Alpha Drex sa anak.

Nahigit ko ang paghinga nang biglang lumingon si Moon Goddess sa kinatatayuan ko at nang magtama ang aming mga mata.

"A true-blood Alpha........" May ngiti sa labi na saad habang direktang nakatingin sa akin.

"Yeah, and a very strong one, my Moon flower."- Alpha Drex

Humakbang ito papalapit sa akin habang agad naman akong nanigas sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung ano ang binabalak na gawin ng Moon Goddess.

"I'm so happy to finally meet the one and only son of my dear friend Queen Lea." -Moon Goddess

Bahagya akong yumuko nang saktong nakatayo na siya sa harapan ko pero saktong pag angat ng ulo ko nang bigla niya akong hinila para yakapin.

"Maraming salamat sa palaging pagprotekta kay Taehyung at sa walang sawang pagmamahal sa kanya." Buong pusong wika nito habang nakatitig ng direkta sa mga mata ko.

Wala sa sariling napalingon ako kay Taehyung pero agad na iniwas nito sa akin ang kanyang mga mata.

Parang piniga ang puso ko sa ginawa niya pero agad na naagaw ang atensyon ko sa biglang sinabi ng Moon Goddess.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon