CHAPTER SEVEN (PROTECTIVE ALPHA)

698 68 14
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Wag na wag kang aalis ng pack house. Wag na wag kang lumabas ng malaking gate na yan." Seryoso at may babalang ulit na naman ni Jungkook ng bilin niya sa akin.

Tinatamad at bored na tumango ulit ako sa kanya bilang sagot..

Kanina pa siya paulit ulit. Halos nakabisado ko na lahat ng bilin niya.

Kailangan niyang umalis at mukhang may inatakeng parte na naman ng teritoryong nasasakupan ng gwapo kong Tatay.

Kinakailangan daw nilang ma check ang mga naroroon at kung gaano kalaki ang pinsalang ginawa ng mga umatake.

Kaya pagka gising na pagka gising ko ay bumungad na sa akin ang sandamakmak na bilin mula sa kanya.

Magtatatlong araw na rin ako dito at halos lahat ng pwedeng mapuntahan sa pack house nila ay napuntahan ko na.

Nalibot ko na rin ang mga lugar na pwedeng mapuntahan at pasyalan.

At sa mga pagkakataong yun ay siya ang kasa kasama ko.

Minsan sinusubukang umepal ni Irene pero dahil nasusupalpal ko ang bunganga niya ay ito na rin ang nagkukusang umalis.

Pikon din kasi ang pangit na yun.

Kadalasan ay sinasaway ako ni Jungkook sa masamang ugaling pinapakita ko kay Irene.

Psh, akala mo naman kung sinong sobrang mabait. Nuknukan naman ng plastik.

I hate fake people like her.

Ang hilig kasing mang istorbo ng moment, pangit naman.

"Ayokong maabutan kang...."-Jungkook

"Ayaw mong maabutan akong nakikipag usap sa kahit na sinong lalaki sa labas ng wolf's cabin mo at hindi rin ako pwedeng magsuot nang kahit na anong damit na babakat ang katawan ko."-Taehyung

Kunot noong tinitigan ako nito na tila tinatantiya niya kung nangtitrip na naman ba ako.

I just rolled my eyes at him.

Tatay ko yata ang isang to?

"Wag mo kong tingnan ng ganyan at kanina kapa paulit ulit diyan."-Taehyung

Bumuntong hininga ito saka nahilot na naman ang sentido.

Wala pa naman akong ginagawa ah?

Bakit tila nangungunsumi na agad ang mokong na to?

"Ano bang problema mo? Hindi ka pa nga nakakaalis stress na stress kana. Nakaupo lang ako dito wala pa akong ginagawa." Napipikong sita ko pa sa kanya.

"Yun na nga. Wala ka pang ginagawa ang dami nang possibilities na naiisip kong gagawin mo. Tangina."-Jungkook

"Kung ganyan ka lang din naman baka gusto mong isama nalang ako tapos itali mo nalang din ako sa beywang mo para sigurado?"-Taehyung

Tinitigan lang ako nito na tila kinokonsidera niya ang sinabi ko.

Sabi ko na talaga, kaya nagustuhan ko ang ugok na to dahil may sapak talaga to sa ulo.

Ang may saltik na kagaya niya ay bagay sa matinong tulad ko.

Naiiling na tumayo ako saka siya mahinang pinitik sa noo.

"Stop staring. Alam kong kaakit akit ang ganda ko pero naiilang nako."-Taehyung

Kunot noong hinimas nito ang noo at nagpakawala na naman ng isang buntong hininga.

"Please, be a good boy while I'm away."-Jungkook

Tangina.

Mababatukan ko na talaga isang to.

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon