CHAPTER TWENTY-NINE (THE WARNING)

275 15 10
                                    


TAEHYUNG'S POV

Panatag na nilibot ko ang paningin sa paligid ng lugar na pinagdalhan sa amin ni Jungkook. Nakatayo ako sa harap ng nakasaradong bintana at tanaw na tanaw ang magandang paligid sa harap ko."

Natatabunan ito ng matatayog na mga puno at matataas din ang mga damo sa paligid. Sa gitna nito ay may dalawang palapag na bahay.

Kumpleto ito sa gamit at malinis. May mga nakaimbak na rin na mga pagkain para sa aming apat.

Hindi ko alam na meron palang ganitong lugar na tinatago si Jungkook.

Hmmmmmm....

"Hoy, Jeon Jungkook!" Bigla kong tawag sa kanya mula sa di kalayuan.

Magkatulong silang nagluluto ni Alpha Drex ng pagkain para sa amin. Pare-parehu kasi kaming mga wala pang laman ang mga tiyan at kanina pa ako nagugutom..

Habang pinagpahinga muna nila si Moon Goddess sa silid na gagamitin nila ni Alpha Drex.

Sinasabihan na rin nila ako na matulog muna habang nagluluto pa sila pero ewan ko ba at sobrang hyper pa ng pakiramdam ko.

"Jungkook!" Tawag ko ulit sa kanya nang wala akong sagot na nakuha mula sa kanya.

Sunod kong narinig ang pagkalabog ng nahulog na kawali at sandok sa sahig. Kasunod nun ang mabibilis na yabag papunta sa akin.

"Y-Yes, love?" Hinihingal na wika ni Jungkook na may hawak hawak pang sandok.

Pilit kong pinigilan ang sariling matawa nang makita ang hitsura niya. Habol pa nito ang pag hinga at muntik pa itong madapa sa sobrang pagmamadaling makalapit agad sa akin.

Ang laki laking tao pero under de saya talaga.

True-blood Alpha pero tumitiklop sa akin ng isang hamak na Omega. 

 Tsk.

"Kaninong bahay to?" Tanong ko sa kanya.

"Sa akin. Bakit?" Nagtatakang sagot naman nito.

"Kung sayo tong bahay, bakit hindi ko ito alam?" -Taehyung

"Sa amin to ni Ama. Dito kami nagpapahinga at kaming dalawa lang din talaga ang nakakaalam ng lugar na ito. Dito niya rin ako sinasanay sa pakikipaglaban. Bakit love ano ba ang problema?" - Jungkook

"Bakit kumpleto sa supplies? Bakit malinis ang paligid? Sigurado ka bang si Head Chief ang kasama mong pumupunta dito at hindi ang isa sa mga babae mo? Naku, naku malaman laman ko lang na si Irene pala ang kasama mong pumupunta dito, sinasabi ko sayo tatapusin ko talaga ang lahi mo." Hindi ko napigilang litanya sa kanya.

Naikamot nalang nito sa ulo ang hawak na sandok saka napabuntong hininga.

"Love naman eh. Kilala mo naman si Ama. Alam mong maaayos talaga iyon pagdating sa mga gamit at sinisigurado naming bago at may mga supplies na nakaimbak talaga dito sa bahay. Ayaw na ayaw niya ang naaabala pa dahil palaging pagpapahinga ang ginagawa namin dito pagkatapos ng mga nakakapagod na pag-eensayo." Mahabang paliwanag naman nito.

"Still, I need to make sure na hindi ka nagsisinungaling sa akin. Tatanungin ko si Head Chief kapag nagkita kami." - Taehyung

Napapailing na lumapit ito sa akin saka binaba ang hawak hawak na sandok. 

He sneaked his arms around my waist saka niya ako direktang tinitigan sa mga mata.

"Hinding hindi kita pipigilang gawin yan pero alam mo namang walang iba sa buhay at puso kundi ikaw lang diba? Gustuhin ko man hindi ko magawang tumingin sa iba kaya hinding hindi ko magagawa yang iniisip mo." - Jungkook

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's my LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon