Kiel's Special Day

1K 26 7
                                    

Author's Note: THIS IS A SPECIAL CHAPTER! Capslock para dama nyo. Kung di kayo interesado kay Kiel? Then fine. Wag nyo basahin.

First of all, bakit ko ginawa 'tong chapter? He's my favorite character here. So, skip nyo nalang kapag ayaw nyo sakanya.

Kk~ #HappyKielsDay

~~
Third Person's Pov
"Ano bang meron? Gusto ko pang matulog sa bahay" pagmamaktol ni Earl habang kinakamot ang batok.

"Edi matulog ka, pinipilit ka ba namin?" Pagsusungit sakanya ng kanyang katabi na si Bianca.

"Baka kasi mapahamak ka'yo e." Sagot ni Earl kay Bianca. Inirapan lang sya ni Bianca at tinuon ang  sarili sa bintana.

"Kami talaga? Baka concern ka lang kay Bianca?" Pang-aasar ni Vince kay Earl. Binatukan lang sya ni Bianca pero kitang-kita mo rito na ito ay nagbablush.

"Ayieeeee~" asar nilang lahat.

Nasa loob sila sa Van at may kailangan silang puntahan para dahil sa isang supresa....

~~

Sa kabilang 'dako naman ay inip na inip na si Kiel sa kakaantay sa mga kanyang kaibigan.

"Put*! Tagal naman!" He murmured. Nag-aantay kasi sya sa labas ng grocery store. Mahigit dalawang oras na syang nag-aantay kaso wala pa rin syang nakikita ni-anino ng kanyang magaganda't-gwapo na kaibigan.

Habang nakatayo sya, hindi nya napansin ang pink na van na huminto sa kanyang harapan at mabilis sya hinablot.

Sa kasamaang palad ay napatumba si Kiel dahil na-out-of-balance silang dalawa. "Brad! Laki neto, di ko kaya to. Tangna" sabi ng isang lalaking nakamaskara.

Sinuntok sya ni Kiel kaso napailag ang lalaking iyon kaya binigyan nya ng malakas na suntok. Kaya natamaan ito sa ibabang labi. Mabilis na rumesponde ang kasamahang lalaki nito.

"Put*! Saan nyo ba ko dadalhin?" Sabi ni Kiel at pilit syang ipinapasok sa van.

Nagpupumiglas si Kiel kaya mas lalong nahirapan ang dalawang lalaki. "Suprise party!" Sabi ng lalaki at buong lakas itinulak si Kiel.

Hanggang sa tinakpan na ang kanyang mukha at nawala na ng malay.

--

Ilang oras rin ay nakapunta sila sa kanya-kanyang nilang pupuntahan..

Habang si Kiel ay ibinuhat ng tatlong lalaki at inilapag sa may damuhan. Mahimbing na natutulog si Kiel.

Napakamot ng ulo ang isang lalaki. "Tama ba to pre? Parang iba." Sabi ng lalaki.

"Eto yun e, sabi sa GPS." sagot naman ng lalaki. Nagkatinginan silang tatlo.

"Hayaan nyo na, bahay naman to e kaso luma nga lang. Tara na. Gutom na ko. Hayaan nyo na yang lalaking 'yan!" Sabi nung matabang lalaki. Sumakay ang dalawang lalaki sa van habang ang isa naman ay tumingin muna kay Kiel.

Tama ba 'to? Sabi ng lalaki sa kanyang sarili at parang kinukutuban sya. Kaso umiling nalang sya at sumakay na sa pink na van.

Pagkaalis nila ay sabay na pagbukas ng dahan-dahan ang mga mata ni Kiel... nang magbukas na ito, tumingin ito sa paligid.

"Teka nasaan ako? Anong nangyari?" Sabi nya at pinagmamasdan ang paligid.

Paligid na di mo gugustuhing makita. Paligid na gustuhin mong makasama ang kaaway mo kesa makapunta rito. At lugar kung saan mas gugustuhin mong masaktan kay Crush kesa sa magdate kayo dito.

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon