Chapter 59

955 28 9
                                    

Marie's Pov

"Gagraduate na ta'yo guys" sabi ni Chrizel na sobrang saya pa. Worth it lahat ng gastos namin at gagraduate na rin kami sa wakas.

Pero di makakaila na malungkot ako dahil sabay nga namin si Bianca magcollege, mahuhuli naman sya gagraduate.

Bianca is my bestfriend kaya gusto ko kasama rin sya sa saya ko pero bakit ganon? Di ako gaanong masaya. Iniisip ko pa lang kasi na may sakit kaibigan ko, naiiyak na ko.

"Marie  bakit ang lungkot lungkot mo? Di ka ba masaya na suma cum laude ka? Ako nga walang cum laude pero wagas na saya ko e." Sabi ni Chriz.

Nandito na kami ngayon sa university namin, konting push nalang gagraduate na talaga kami and Im not excited.

Maya-maya pa raw ang dating nila Bianca. And di ko man lang sya nakausap kahapon,natulog daw kagad tapos kanina naman ayaw pa daw nya wala sya sa mood. Ano kayang nangyari don?

"Wala, iniisip ko lang if walang sakit si Bianca siguro sobrang saya nya ngayon" sabi ko. Mababaw rin ang babaeng yun e.

Saka kung sabay-sabay kami baka di pa nagsisimula yung graduation, umakyat na kami sa stage sa sobrang excited.

"Alam mo Marie naisip ko. Sobrang dami rin pala natin napagdaanan especially Bianca and Earl....Ano sa tingin mo? Malas talaga sila no? O di kaya baka isa sakanila malas..." binatukan ko si Chrizel dahil sa pinagsasabi nya. Anong malas pinagsasabi neto?

"Sira! Baka ganon talaga lovestory nila, madaming conflict para naman maging strong pa relasyon nila" sagot ko. Pero sana sa bawat conflict marunong dapat silang lumaban para sa pagmamahal nila.

Naks. Ang corny ko! Leche.

Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin kaya tumingin ako don at nakita ko si Sean. Napalunok ako bigla.

"Gagraduate na kayo, konti nalang may mga boyfriend na kayo" natatawang sabi nya.

"si Chrizel nga di pa graduate, engage na e." Sabi ko. Totoo naman e, bilis nga e.

Naalala ko pa dati todo iyak yan dahil broken hearted sya pero tingnan mo ngayon? Naunahan pa sila Mary sa kasal na yan.

"E ikaw Marie? Sino nga pala yung kinukwento mong gusto mo dati?" Napahinto ako sa sinabi ni Sean.

Oo kinukwento ko sakanila pero di nila alam about don, si La at ang kapatid ko lang siguro. Hindi pa ako handa.

E single na nga sya e. Kyaaa. Kahit single si Sean, aminin mahal nya si Bianca. Wala pa ring akong laban.

"Siguro kung mas nauna ka kay Bianca. Baka ikaw na ang minahal ko..." sabi ni Sean. Ramdam ko namang namula pisngi ko sa sinabi nya.

Enebe! Wag mo kong pakiligin,baka landiin kita dyan e.

Ay ano ba tong iniisip ko? Puro kalanturan susme..

"Tigilan mo nga ko sean" sabi ko na kunyari nagsusungit para di halata na gusto ko sya.

"Wushu! Sungit talaga neto. Hahaha" tiningnan ko sya habang tumatawa. Di ko makakaila na he's handsome.

Ang hot nya super, super manly nya. Jusko. Baka di ko matiis na halikan ko sya ngayoo--wait. Sinasapian ako ng kalandian ngayon! Jusko!

Bianca's Pov

Nakaupo ako sa wheelchair ngayon, kahit ayoko pero kailangan. Pinaupo ako sa harapan talaga dahil VIP talaga.

Nagtataka ako bakit dito talaga? Siguro request talaga nila Vince.

This time speech na ng Suma Cum Laude. Im so very proud of her--Marie. I didn't expect na magiging suma sya.

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon