Chapter 42

1K 32 12
                                    

JANE'S POV
Kinurot ko bigla si Kiel. Ano bang pinagsasabi nito?

Hindi pa naman din ako ready na malaman ni Bianca. Psh.

"Ano 'yon?" Tanong ni Bianca.

"A-ah wala 'yon, baka ang gusto niyang sabihin yung pagsleeptalk mo 'nun." Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam 'kung saan ko kinuha yung sleeptalk na 'yan e.

Bigla naman siya naningkit ang mga mata. "Sleeptalk ako? Kailan?"

"Dati pa yun 'no! Past is past." -Marie. Tumango kaming lahat.

"Talaga? Nagsleeptalk ka Bianca? HAHAHAHA. Anong sabi niya ba nun? Parang hindi ko matandaan, kailan ba?" -Vince. Napasapo ako sa noo dahil kay Vince. Siguro sana alam ni Vince yung totoo, kasi pahamak siya e.

Napalunok ako. Ano bang pwedeng idahilan?

"Dati pa nga yun kaya nakalimutan na namin." -mary.

"Wala akong matandaan." -Bianca. Sana gumana naman palusot ko. Pinaglalaruan ko lang mga daliri ni Jahn sa sobrang kaba.

"Bianca, diba sabi mo pupunta ka pang National BookStore? Punta na tayo, baka abutin pa tayo ng gabi e." Sabi ni Sean sabay hila kay Bianca.

"Sama akoo~" -Chriz sabay takbo sakanila.

Nang medyo nakalayo na sila, nakahinga kami ng maluwag.

"Kainis 'tong si Kiel! Parang baliw. Anong masabi ng di oras? Kutusan kita dyan e." inis na sabi ni Mary kay Kiel.

"Panira din 'tong si Vince e." -marie.

"Huh? Anong meron? Bakit? Ni hindi ko nga alam na nagsleeptalk? Paano ako magiging panira? Psh." -Vince. Nagpout pa, pero bigla nalang siya sinampal ng mahina ni Ann. Ang hard talaga netong si Ann e.

Hinawakan naman ako ni Jahn sa may bewang, pinalupot niya pala yon.

"Bastaaaa~" sabay-sabay naming sabi kay Vince.
--
BIANCA'S POV
teka? National Bookstore? Ako?

E hindi naman e. "Anong NBS? Di 'no! Wala naman akong bibilhin." Sabi ko. Hindi ko na tuloy malaman yung sinabi ko sa sleeptalk. Shems, is it really true? When?

Nandito kami sa mall. Papunta sa NBS. "Hayaan mo na, bibili rin naman ako e. Okay na 'to." Sabi ni Chrizel.

Um-'okay' nalang rin ako. E sa nandito na kami sa mall e. Anong magagawa ko? Tch.

"Sige na nga." Sabi ko. I frowned. Do I have a choice? Hmpf.

Nagulat nalang ako nang biglang pinitik ni Sean yung ilong ko. Pinalo ko agad siya sa braso at napahawak sa ilong. Sakit e.

"Wag ka ngang suminangot dyan. Hindi bagay sa'yo! -___-" kita mo 'tong si Sean. Masama na bang sumimangot? Psh.

Inirapan ko lang ito. "Tse! Masakit pa rin yung pagpitik mo." Sabi ko.

Bigla naman niya akong inakbayan at hinaplos ilong ko kaya biglang uminit mukha ko.

"Tigil-tigilan mo 'yan sean ha! Ang sabihin mo, miss mo lang ako!" Pang-aasar ko. Biro ko lang 'yon, syempre.

"Ang kapal ha. Ayos nga yun na hindi tayo magkasama e, less gastos." Sabi niya sabay smirk. Aba ang kapal.

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now