Chapter 01

6K 86 5
                                    

-BREAKTIME-

Bumaba na sila Bianca, Chrizel, Ann, Mary, Marie, Mae at Jane dahil sila ay bibili sa canteen dahil na rin sa breaktime na pero habang sila bumaba, may nakita silang isang lalaking nakaupo sa hagdanan.


"hala! Boyfriend mo, chrizel. Haha!" asar ni Ann kay Chrizel. Si Ann ay isang payat at maliit na babae na may mahabang buhok.

Si Chrizel naman ay medyo chubby na maputi at brown na buhok.

"hahahaha! Mandiri ka nga chrizel. Mamili ka naman!" sabi ni Mary. Si Mary isang medyo sexy na chubby, maputi at kulot na buhok.

"love is blind." Saad ni Jane, si jane ay may maikling buhok, matangkad na babae.

"hahaha." Tawa ni Marie, siya ang pinakamatino, matalino, na may bangs! Na payat, na kapag humangin ay matatakot ka baka matangay siya.

"uy wait lang ha, may kukunin lang kami sa dispensary." Sabi ni mae sabay hawak kay jane. Si Mae naman ay isang matangkad, na may medyo kulot na buhok at mahabang buhok at sexy.

Tumango naman sila at pumila na.


"grabe ka pala Chriz, nainlove ka sa kuya 'ko?! Myghad!" biro ni Bianca.



"nakakaumay kayong dalawa!" sigaw ni Mary sa'kanila.


"hahaha! Susumbong ko talaga kayo sa kuya 'kong si Earl!" biro ni Bianca at nagsad-face pa talaga sya.

Pero ang hindi nila alam, merong isang nakarinig sa'kanila. "hala, may kapatid pala si Earl eh." Sabi nung babae sa mga kaibigan ne'to.

"oh? Sino? sabi ng kasama ne'to.

==

Nang nakauwi si Bianca, may nakita siyang lalaking nakatayo malapit sa bahay nila at nag-yoyosi. Pero ni walang bahala niya lang iyon bagkus naglakad siya sa bahay nila.

Hala! Kuya 'ko! Haha!Nasa isip ni bianca nung mga oras na 'yun. Pero biglang hinigit ang kanyang kamay kaya napatingin siya 'don.

"miss, yung panyo mo oh." Sabi nung lalaki. Tumingin naman si Bianca sa baba at pinulot ang panyo niya.


Pero hindi nila alam ng meron palang nakakita nun na taga-school nila, pasikretong kinuhanan ng litrato at umalis na.



"psh. Humanda ka sa'kin Bianca. It's payback time." Sabi nung babae habang tinitingnan ang litrato nilang dalawa.


==

-THE NEXT DAY-

BIANCA'S POV

Papasok na naman? Jusko! Nakakatamad! Aish! Wala pa man din akong assignment. Hayaan na, kokopya nalang ako mamaya.

Naglalakad na ako dito sa may hallway at sa may bulletinboard maraming students 'don nagsisikan. Anong meron? >.>



Hala! Andyan na pala siya.

Bakit hindi niya kasama kapatid niya?

Masikreto 'to ha!

Bulong-bulungan ng iba, ha? Anong meron? Bakit sa'akin sila nakatingin?


Nakakahiya naman!! Kaya yumuko nalang ako at dumiretso sa room. Ayoko kasi 'yung titingnan ako? Mukha akong prisoner. =_____=

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now