Chapter 60

1K 27 14
                                    

Naisipiang pumunta na sila Bianca and Earl kung saan gaganapin ang pagtitipon upang magkasiyahan.

Nang andon na sila nadatnan nila na parang sila nalang ata kulang sa kanila magkakaibigan kaya umayos na sila at doon na sinimula.

Sa kalagitnaan ng kainan at tawanan, nagulat sila ng biglang umubo si Bianca kaya ang lahat ay napatingin dito.

"Okay lang ako" sabi ni Bianca at nagpaalam na muna saglit para pumuntang cr, inalalayan naman sya ni Mae na pumunta don.

"Kung di mo na kaya sabihin mo lang sabihin baka mamaya mahimatay ka nalang bigla dyan" saad ni Mae. Tumango nalang si Bianca..

Okay naman talaga ako. nasa isip ni Bianca. Pero nang makarating sila sa banyo ay sabi nito na sya na muna bahala sa kaniyang sarili at di na sya gumamit ng wheel chair.

Nakakamiss rin maglakad. Sabi neto sa kanyang sarili, pumasok na sya sa loob..

Sa kabilang dako naman ay biglang nahulog ang babasaging baso kaya ito ay nabasag. "Hala! Sorry guys!" Sabi ni Jane..

"Di maganda to." Seryosong sabi ni Vince habang nakatingin ito sa nabasag.

"Nababaliw ka nanaman Vince." Sabi ni Ann at binatukan nya ito pero mukhang seryoso ito.

"Nagpapaniwala ka nanaman sa ganyan, baboy" sabi ni Kiel habang ngumunguya.

Nakita nila na tumakbo papalapit sa kanila sa Mae mukhang natataranta ito kaya agad sila natahimik at tumingin dito.

"si Bianca...." naiiyak na sabi nito at hinila nalang basta si Earl.

"Anong nangyari kay Bianca?" Tanong nila at pumunta sa cr..

"Si Bianca...." di makasalita si Mae kaya itinuro nalang nya ito na nakahiga sa sahig at walang malay.

Makikita mo sa mga kamay nito na may dugo ito galing siguro sa ubo kaya mabilis na rumesponde sila Earl at isinakay ito sa sasakyan.

"Wala sana mangyari sakanyang masama" naiiyak na sabi ni Marie.

"WALA OKAY!?" Inis na sigaw ni Earl dito.

Nagsimula ng umiyak si Marie dahil buhay na to ni Bianca, maaring may masama mangyari sakanya at ayaw nya mangyari yon..

Bakit kasi sa ganitong araw pa? sabi ni Chrizel sa kanyang isipan.

Nang nasa hospital sila ay mabilis sya isinugod sa Emergency Room.

"Sht! Bianca mangiiwan ka na talaga?" naiiyak na sabi ni Vince.

"Di pwede yon. Please bianca.." sabi ni Earl at naiiyak na ito.

Habang si Sean ay nasa chapel at umiiyak na rin ito. Bihira mo lang makita itong umiiyak at kadalasan ay si Bianca talaga ang dahilan. Makikita mo kung gaano ito kaimportante sakanya na ibinagay nya ang gusto ni Bianca na alam nya magpapasaya dito.

Lumuhod sya sa harapan nito at nagdasal.

"Please... give her a second chance" tanging nasabi ni Sean.

~~
After 2 years..

"kuya, di ka bibili ng bulaklak? Death Anniversary nya." Sabi ni Leila habang nakatingin sa kanyang kuya na busy sa pagdadrive.

"Haha. Kilala mo naman sya di sya mahilig don" sabi ng kanyang kuya at ipinarada na ang kotse at sabay silang bumaba..

Nakita naman nya si Earl na nakaupo dito..

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon