Chapter 10

2K 48 18
                                    

Chapter 10

-SCHOOL-

BIANCA’S POV

Break na namin pero wala akong gana. Wala ako sa mood simula kagabi.. Ewan ‘ko ba ‘kung bakit ganun ang epekto ng mga salitang ‘yun sakin! Parang... nainis ako na ewan..

“uy bianca, pansin ‘ko lang bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?” tanong sa’kin ni Chrizel. Umiling lang ako at uminom ng tubig.

“weh? Hindi nga? Mukhang may problema ka eh! Galit ka ba?” tanong ni Jane.. Umiling lang din ako.. tch. Di pa nga kasi nila alam ‘yun eh..

“hindi.” Tipid ‘kong sagot.

“anong kadramahan ‘yan?” tanong ni Mary, tumingin ako sa ‘kanya pero umiwas  lang ako ng tingin sakanila...

“may problema ‘to kaya ganyan!” –mae.

“oo nga, ayaw lang sabihin nyan! Naku, nagtatago ka na ng sikreto ha!” –Ann.

Tumingin ako sa’kanila at lahat sila nakatingin sa’kin.. Siguro, kailangan ‘ko na ‘to ikwento! Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa’kanila.

“wala naman akong problema eh! Wala lang ako sa mood dahil sa’kanya.” Sabi ‘ko at nilalaro ang ballpen na hawak ‘ko..

“....nakakainis lang kasi kahapon.. concern na nga ako tapos sasabihin pa saking “wala kang pakielam!” nainis lang ako dun.” Naalala ‘ko nanaman tuloy ‘yung paano niya sinabi sa’kin. Pero syempre, fresh pa ‘yun sa utak ‘ko noh!

“sino ba ‘yan?” –Marie. Huminga ulit ako ng malalim at binagsak ang ballpen na hawak ‘ko kanina.

“hoy! Akin ‘yang ballpen na ‘yan, mahal pa man din ‘yan!” rinig ‘kong epal—i mean sigaw ni Bodak. Inirapan lang namin siya, masyado kasing epal! Kainis!

“...si Earl lang naman.” Yumuko ako.. Nanggigilid ang luha ‘ko ‘dun..

“ha? Bakit?” –jane..

Ikwinento ‘ko sa’kanila ang lahat ng ‘yon.. lahat ng nangyari sa scenaryong ‘yon. Nagulat sila at napatawa kahit wala naman talaga nakakatawa! Mga baliw talaga sila!

“naks! Nagkakagusto ka na ‘dun, bianca!” napatigil ako sa sinabi ni ann. Nabuhay ang buong cells ‘sa katawan ‘ko..

May gusto?? What the efffff?

“hayp! Anong gusto, baliw ka ba? Never akong magkakagusto dun!” bulyaw ‘ko.

“bakit ka concerned ha? Concerned ka kasi mahalaga siya sayo!” –chrizel. Binigyan ‘ko siya ng “what-the-eff-looks”.. at nilaro ‘ko ulit ‘yung ballpen.

“ofcourse, as a young sis, kailangan ‘ko maging concern para sa’kanya, duh!” totoo naman eh! Porket ba concerned ako sa’kanya eh, may gusto agad? Psh!

“as a young sis ka pa ‘dyan!! Ililinaw ‘ko lang Ms.Bianca Delos Reyes!! Hindi kayo magkadugo, magkapatid lang kayo sa papel.. Kaya sinasabi ‘ko sayo, kaya ka concern kasi mahalaga siya sayo or may gusto ka sa’kanya.”Baliw ba ‘tong si Chrizel? Ako magkakagusto sa unggoy na ‘yun? Never in forever..

“gaga! Ako? Magkakagusto sa UNGGOY na ‘yon? Wag na! Never!” inis ‘kong sabi sa’kanila.

Natawa naman silang lahat. Psh., anong nakakatawa sa sinabi ‘ko? Baliw talaga! =_____= “eto bianca... kapag umulan mamayang gabi, it means posibleng magkagusto ka dun.” Sabi ni Ann sa’kin..

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now