Chapter 25

1.3K 30 12
                                    

Chapter 25

MARY'S POV

Nakita ko si Bianca na may binabasa at may hawak na envelope na kulay violet kaya naisipang ko gulatin siya.

Pumwesto ako sa likuran niya pero agad siyang humarap siya sakin at mukhang nagulat.

"Uy hi!" bati ko sakanya.

Imbes na replyan niya ako ay lumabas siya sa classroom. Problema nun? Mukha siyang ewan. Promise! Bahala na nga siya, minsan hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nung babaeng 'yun eh.

--

THIRD PERSON'S POV

Papasok na sana si Bianca sa room ni Sir Andy kaya lang meron siyang nakita na di kaaya-aya kaya napatigil siya don, at napatingin nalang sakanila.

Medyo magkatabi lang ang room nila Bianca sa room ni Sir Andy. Nakita niya lang si Kristine at si Earl na magkasama. Nakakapit ang kamay ni Kristine sa braso ni Earl at tuwang-tuwa ang bruha—este si Kristine.

"oh." Mukhang nagulat si Kristine na nakita niya si Bianca na nakatayo don, pero mukhang sinasadya niya talaga. Bigla tuloy uminit ang dugo ni Bianca.

"Bianca, I just want to say sor—" di natuloy ni Kristine ang sasabihin niya nang biglang itinaas ni Bianca ang kamay niya at tinapat sa harap ng mukha ni Kristine nang ibig sabihin niyon ay hindi na niya kailangan magpaliwanag.

"you don't have to say sorry." Kung hindi ka sincere. Itutuloy na sana ni Bianca 'yung "Kung hindi ka sincere" kaya lang baka magalit pa lalo si Earl sakanya.

"how 'bout you, Bianca? Di ka man lang magsosorry?" tanong ni Earl sa'kanya. Napabuntong-hininga si Bianca.

"Hindi kaya ng Sistema ko kung makikipagplastikan ako sa bruhildang 'yan." Sabi ni Bianca na ikinagulat ni Earl sa inasta nito. Para walang emosyon ang mga mata ni Bianca na tignan silang dalawa.

Nagkukunyari syang hindi nasasaktan at hindi nagseselos pero sa totoo lang, gustong-gusto nyang sabunutan ang dalawang 'yun.

Biglang dating naman nila Chrizel at nasaksihan lamang nila ang paghaharap nila kaya naisipan nyang lapitan si Bianca after nang tumalikod si Bianca sa'kanila.

"Oh anong nangyari?" tanong ni Jane sakanya. Umiling lang ito at dumukdok. Biglang bumukas ang pinto at bumungad don ay si Kristine na masayang-masaya, nakangiti pa eh.

**

-uwian-

"Pero siguro, tama nga na magsorry kana rin dun." Suggest ni Chrizel. Tumingin naman si Bianca kay Chrizel at binaling ang tingin sa ballpen na hawak nito.

"So kailangan ko rin magsorry dun? Nakakabwisit talaga 'yung dalawang yun. Sarap ipakagat kay Kyle, bwisit!!!" inis na sigaw ni Bianca. Naglalakad sila ngayon sa corridor. At ayun nga, naglalabas ng galit si Bianca habang mga kaibigan niya ay nakikinig lang. kahit gustong-gusto nilang lagyan ng ducktape ang bibig ni Bianca.

Pinagchichismisan na nga siya eh, banaman, uwian na kaya madami ng estudyante ang nakatambay sa corridor pero mukhang walang paKielam si Bianca kung may makarinig man sakanya.

Bumaba na sila sa hagdan pero si Bianca patuloy pa rin sa pagsasalita. "nakakainis talaga, nagmumukha akong masama nito eh!"

Tumigil muna ang mga kaibigan neto at tinitigan lang si Bianca sa paglalakad, mukha ngang hindi napansin ni Bianca na hindi na pala niya kasunod ang mga kaibigan niya. "guys, let's just understand her. Naiinis yan kasi nagseselos lang siya." Sabi ni Mary. Tumango naman sila ng sabay-sabay. Sinabayan na ulit nila si Bianca sa paglalakad.

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now