Chapter 29

1.4K 32 4
                                    

Chapter 29

LA's POV

"wait lang pupunta lang akong library." Sabi 'ko at tumakbo papuntang library. Sakto namang nakita 'ko si Charice kaya nilapitan ko agad siya.

Kinurot 'ko muna pisngi niya. "bakit wala kang kasama?" tanong 'ko.

"Nandon silang lahat e. Sige, una na ako kuya ha.. babye." Sabi niya at umalis na sa harap 'ko. Ang cute cute talaga nun, no doubt kaya ako nagkagusto 'dun e. kaso na-'kuya'zoned ako </3

**

Library..

Dahan-dahan akong pumasok sa library. Pero wala akong taong nadatnan dun, baka naman naglunch pa si sir? Baka nga. Aantayin ko nga muna siya dito.

May nakuha ng atensyon. Ang isang machine. May liwanag dito kaya naisip 'kong lumapit doon.

Napalayo ako nang may biglang pumutok ang isang wire dito. Akala 'ko 'yun lang 'yung puputok pero nagkakamali ako. Sunod sunod na sila kaya naisipan kong lumabas na sa library. Pagkalabas 'ko biglang 'tong sumabog kaya natumba ako.

Sakto namang dumating si Sir Oh. "La, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni sir sa'kin. Tumayo na ako. Kaso nabasag ang eyeglass 'ko. "pulubi ka ba?" asar 'tong si Sir. Nang-asar pa.

Muntik na nga akong mamatay dun e. "sir, may sumabog po sa loob ng library." Sabi 'ko.

Natawa siya sa sinabi 'ko. Inayos 'ko ang buhok 'ko at pinunas ang madumi kong damit. "nagjojoke ka ba la? Tara zumba nalang tayo." Sumayaw naman siya ng zumba ni Darla. Sa tingin niya ba nagjojoke ako sa lagay na'to? -___-

"Hindi wag na sir. Magzumba nalang po kayo mag-isa." Sabi 'ko. Iniwan 'ko na siya dun, nagzuzumba kasi siya kaya hindi niya namalayan na umalis na ako dun.

Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala 'ko. Oo nga pala, 'yung pinapasabi kay Sir Oh.

Bumalik ako dun kaso wala ulit si Sir Oh kaya pumasok ako sa library at laking gulat 'ko na sunog sunog dito sa library. Buti nalang at hindi 'to masyadong nasunog kundi baka madamay pa ang buong campus.

Hinanap 'ko sa paligid kung nandito ba si sir oh kaso wala. Pero napahinto ako nang may makita ako. Dalawang babae nakahiga sila.

Umupo ako sa sahig at hinawi ang buhok ng isa.. laking gulat 'ko na si Kristine. Kung mukhang pulubi ako, ganun din siya. Sunod 'kong tiningnan ang babae sa kabilang side at nandoon si Marissa. Anong nangyari dito?

Sinampal 'ko nang mahina si Marissa baka sakaling magising. "hmm." Napaatras ako nang biglang gumalaw si Marissa.

"s-sino ka?" tanong niya sa'kin at bumangon. "anong nangyari?" sunod niyang tanong at tumingin sa paligid.

"L-la?" tumango ako at lumapit sa'kanya para tulungan siya. Tumingin naman siya sa kabilang side.

"a-ako yan h-ha." Mahinang sabi niya pero sapat na 'yun para marinig 'ko. Nabigla ako sa sinabi niya. S-siya? E-eh si Kristine 'yan e.

"n-no.. p-panaginip lang 'to diba??"

"huh?" may halong pagtataka sa mukha 'ko. Baliw na ba 'to? E hindi naman 'to panaginip e.

"s-scheduler? I-ikaw ba 'yan??" tanong niya sa'kin. Scheduler? Who the hell is scheduler? (-_-)7

Hindi na ako sumagot. Gulo kasi ng babaeng 'to e. May naririnig kaming tawanan ng mga babae kaya agad nagtago sa likod 'ko si Marissa.

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon