Chapter 28

1.3K 26 7
                                    

Chapter 28

*Fastforward*

Kakatapos lang ng date namin, akala ko pa man din nakaka-enjoy 'yun pala pinabantay lang sakin 'yung pamangkin daw niya tapos iniwan ako. Inaaway pa ako ng pamangkin niya. Pero ayos lang, mahal ko pa rin naman si ann e.

Nandito naman ako sa park na sinasabi ni Kiel. Mga 6 na pero wala pa rin siya. Akala mo boss 'ko kung umasta e. Kung may abs siguro ako baka kanina 'ko pa nasapak 'yun! Kaso wala e, kaya tiis-tiis muna ako.

Nakita 'ko nalang lumapit siya sa'kin. "oh handa ka na ba?" tanong niya sakin na mala-korina sanchez ang dating.

"may magagawa pa ba ako? Tara na." sabi 'ko.

Sumakay kami sa motor ni Kiel at habang pinapaandar niya 'to. Hindi ko maiwasan itaas ang kamay 'ko at ineenjoy ang hangin! Wooh! Sarap sa feeling, ang hangiiin! Ang lamig tuloy! :'')

"Banaman Vince. Kapag ikaw nahulog dyan, ihuhulog talaga kita." Naknaman! Concern ba 'to sakin? Kilig tuloy ako. Joke lang. ramdam ko nga pagmamahal sakin ni Kiel e.

"umamin ka nga kiel, gusto mo ako noh?"

Pagkatapos kong sabihin nyun e, ay bigla kaming huminto na muntikan na akong mamatay 'don! O_O

"Loko ka! Kapag ako namatay, isasama kita!" inis 'kong sigaw sa'kanya pero nagsmirk 'to. Eto na nga ang bahay nila. Bumaba na ako sa motor at pinag-aralan mabuti ang buong paligid.

"hoy, walang tatanga-tanga dito. Eto nalang pag-asa natin. Sige, gawin mo na nang makauwi na ako!" sabi ni Kiel. Kakasuhan ko 'tong lalaking 'to. Masyado niyang pinapahirapan ang gwapong nilalang na katulad 'ko.

"kung mang-utos ka ha. Alam kong gwapo ako, wag kang mainggit." Asar 'ko. Gwapo naman talaga ako since birth. Siya kasi, hindi. Inggit lang siya sakin e.

"sige sige na. doon ka papasok tapos..."

"oo na, alam ko na! manahimik kang macho dancer!"

"taba mo kasi!" -_______-pigilan niyo 'ko. Pigilan niyo 'ko baka masapak 'ko 'to nang di oras e..

**

Nandito na ako sa harap ng balcony nila Bianca. Pero siya nakatingala ako. Ang taas pala tapos aakyatin ko 'to? Seryoso? -___- Wala naman akong lahing spiderman, batman o di kaya superman. But I'm the MAN of Ann. Yeaaah meeen. Rhyme 'yun ha. <(,^^>)

Tiningnan ko muna ang balcony nila, buti nalang at wala. Nagsuot ako ng mahabang itim na jacket tapos naghood ako. Para tuloy akong rockstar neto. Nagsuot na din ako ng sunglasses na itim.

Nakasunod lang saakin si Kiel. "Pagbaba mo dito dapat naibigay mo na ha." sabi ni Kiel saakin. Nagthumbs-up na ako at nagsimula ng umakyat.

Wala naman akong lahing magnanakaw para makaakayat agad! ~___~

Bakit kasi ako pa?!?! Sana pala nagdala ako ng hagdanan e, nang hindi ako mahirapan! Tch.

"What if I fall?" Tanong ko kay Kiel. Naka-ilang hulog na nga ako e. Taena!

"I will catch you." he said. Psh. Pang-bading usapin naman 'to. Sabi na nga ba at secret admirer ko 'tong si Kiel e. Amfufu. Gwapo ko talaga~

Pagkatapos ng ilang taon. Dejk lang. 30 minutes lang. Nakaakyat din ako sa balcony nila. Humawak ako sa hawakan nun at makakaakyat na talaga ako!

Pagakyat 'ko, may sumalubong saking nakaputing babae kaya sa gulat nahulog ulit ako. Nakatingin lang sakin ng seryoso yung puting babaeng yon at nawala si Kiel! Anak ng!!

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon