Chapter 49

974 27 6
                                    

Ito na ang pinakamatagal ng inaantay ng mga estudyante pagdating ng sembreak.

Lahat sila excited na excited para sa bakasyon at sa wakas natapos na din nila ang midterm kaya ang iba ay nag-iisip na kung anong pwedeng gawin ngayong sembreak.

"Alam mo Bianca, parang ayokong pumunta sa subic." Saad ni chrizel habang hinahawakan ang baba na tila nag-iisip.

Napatingin naman sa'kanya si Bianca.

"Ha? Excited na nga ako e." Sabi ni Bianca habang nakadukdok sa stool. Kasalukuyan kasi silang nakatambay sa isang fast food chain at nakaupo sa stool.

"Wala pa naman din akong tiwala kay Anne." Napalingon silang dalawa kay Mary na nakatingin sa malayo.

"Diba close mo 'yun? Kasama mo 'yun sa voice lesson e." -Mae

"Ako? Pinaplastik ko lang 'yun! Nakikita ko kasi parang may something sakanya e. Alam nyo 'yun? Tsk."

"Grabe ka sa pagplastik. Tch. Ngayon ko lang nalaman na ex nya pala si Kiel." Sabi ni Bianca na pailing-iling.

Kararating lang nila Jane at Marie na hawak ang tray 'kung saan nakalagay pagkain nila at inilapag sa stool table.

"Ano topic nyo?" Tanong ni Jane sakanila at ngumunguya ng fries.

"Tungkol kay Anne lang naman. Pero alam mo Bianca, ang alam ko mahal na mahal nya talaga si Kiel e." Sabi ni Mary na seryosong-seryoso talaga.

"Hindi na ako magtataka 'kung si Anne nga nabuntis ni Kiel kaso Malabo" sabi ni Bianca at kumuha ng fries.

Lahat sila napatigil at napatingin kay Bianca. "ANONG SABI MO?!" sigaw nila. Napatingin naman lahat ng tao sakanila kaya lahat sila nagpeace sign.

At tumingin ulit kay Bianca. "Oo di nyo alam y--AAAAH!" Tinakpan ni Bianca bibig nya nang marealize nya na sya lang pala pinagsabihan ni Kiel about dun.

"Ano? Seryoso ka ba?" -Mary

"What? Are you serious?" -Jane

"Inenglish mo lang Jane e!" -Mary.

"Ay sorry." Sabay ngiti kay Mary at binaling ulit ng tingin si Bianca.

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now