CHAPTER 03

185 20 1
                                    

ZACCHAEUS

NAKABALIK na siya ulit sa bahay niya matapos maresolba ang problema. Nag-pahinga lang siya saglit sa penthouse niya tapos bumalik na sa bahay nila. Kahapon pa siya tuwang tuwa dahil nakita niya si Zio.

Si Zio ay anak ng mag asawang Gray na nag t-trabaho sa kaniya. Alam niyang mayayaman ang pamilya nito pero sila rin naman ang nag-pumilit na mag trabaho sa Perez Farmings.

FLASHBACK

KASALUKUYAN siyang nag-aantay para sa susunod na mag a-apply sa kaniya. Nautusan kasi siya ng Dad niya na siya na lang ang mag interview sa mga mag a-apply kasi may iba pa raw itong gagawin. Tinatamad nga siyang gawin ito pero hindi naman siya pwedeng tumanggi.

Tinitignan niya ang resume na hawak niya ngayon. Last na itong dalawang ito. Tinignan niya muna ang isa, nagtaka siya dahil nakalagay dito ay si Mrs. Gray.

Bakit siya maga-apply dito eh may sarili naman silang kumpanya? Tinignan niya rin ang isa pang resume at ang nakalagay naman doon ay si Mr. Gray.

"Frezia let the last two in." Sabi niya sa sekretarya niya na nasa gilid niya lang.

Pumasok na ang dalawang ma-asawa pareho pa itong may mga ngiti sa labi.

"Goodmorning, Mr. Perez! How are you? Long time no see!"

Umupo silang dalawa sa harap niya, napapagitnaan sila ng table niya.

"Why do I have to accept you both here in my company?" Diretsuhang tanong niya sa dalawa.

Mrs. Gray spoke, "Because you need us here in your company."

"Because We have no money." That was Mr. Gray.

Naguluhan si Zacchaeus sa sagot ng dalawa. 'You need us here.' Paano ko sila naging kailangan eh hindi naman ako humingi ng tulong sa kanila.

'We have no money.' I know they have a lot of money so how come they don't have money anymore ... Hindi kaya nalulugi na ang kumpanya nila kaya mag trabaho sila dito?

"Look, Mr. Gray. That's just simple impossible—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla itong nagsalita.

"I, Emmerson Gray who have a beautiful wife Prescilla Mendoza-Gray and two childs, Zale Amadeus Mendoza-Gray and Zio Anne Mendoza-Gray, will promise to you that my wife and I, will going to do our best once you accept us. Yes, We have our own company and I can still manage that. I'm here because I wanna do something new to me. Don't worry, My wife and I already learned about gardening before we came here and apply. I mean we already knew how to do that even before, that's our business. I assure you that you can trust us. We will not do anything bad here, We will help you to make your work easier. So, please Mr. Baigh Perez accept us."

Hindi niya alam kung seryoso ba talaga ito pero mukang seryoso naman siya. Hindi niya din alam kung ano ang sasabihin niya sa mag asawa at totoo naman na mapagkakatiwalaan sila dahil naging business partner na din sila ng ama niya at napakilala na din siya dito.

"I will think about it... I'll just call both of you tomorrow." Iyon nalang ang sinabi niya at nginitian siya nito.

"We will wait for your good news tomorrow Mr. Perez." Sabi ni Mrs. Gray sa kaniya habang kinakamayan siya.

"Don't call me Mr. Perez, ahm, Zacchaeus will do. All older workers here called me Baigh." Syempre kahit siya ang CEO ng kumpanya may galang pa din siya sa mas nakakatanda sa kaniya at isa pa malapit naman ang pamilya niya sa pamilya nila kaya okay lang sa kaniya kung tatawagin lang siya nito sa pangalan niya. 

"Oh sige, Zacchaeus. Tita nalang din ang itawag mo sa akin at ito." Tinuro niya si Mr. Gray. "Tito Emmerson mo." Sumaludo pa si Tito sa kaniya  at ngitian nalang siya ni Zacchaeus.

HONESTYWhere stories live. Discover now