CHAPTER 08

114 11 0
                                    

ZIO

DAYS passed she keeps on visiting Lindsay to the hospital until Lindsay was doing good now. Doc. De La Croix said that Lindsay needs to undergo to the Physiotheraphy for some bad reasons, she can't move her legs also some parts of her body. Also psychologist to make sure that she was in a good behavior. Sabi ng Doctor posible daw na ma-trauma si Lindsay kaya mabuti ng ipakunsulta.

Good thing that she knew someone that can help Lindsay to recover fast.

"Tita papasok na po ako baka sa linggo pa ako makapunta ulit dito." aniya sa ina ni Lindsay.

"Okay lang hija. Kahit kami na muna ang magbantay sa anak ko. Ang dami mo na ngang naitulong sa amin. Hay nako, hindi ko alam kung anong gagawin namin nitong asawa ko kung wala ka dito, kayo ni Chesa. Nahihiya na nga ako sa inyo. Napakabuti niyong kaibigan. Salamat hija, ah."

Nang marinig niya iyon ay nanlambot ang kaniyang puso. Ang sarap talaga sa piling kapag may natutulungan ka lalo na kung malapit sa iyo ang taong iyon.

"Walang anuman po. Una na po ako."

FROM Silvercrest she went to the Black Restaurant. Kumatok siya sa pintuan ng opisina ni Mr. Macario at nang hindi parin ito binubuksan ay siya na mismo ang pumasok sa loob. Nadatnan niyang nakasubsob ito sa lamesa at tulog na naman.

Pabagsak niyang inilapag ang bag niya dahilan para mapabangon bigla si Mr. Macario.

"Pucha!" Napatingin sa kaniya si Ezra.

"Oh, ano? May reklamo ka?" Sa ilang linggo pagiging sekretarya ni Ezra Macario ay naging komportable na siya sa lalaki kaya kung umasta siya minsan ay para bang siya pa ang may ari ng Black Restaurant.

"Pwede ba Zio Anne Gray? Gisingin mo ako sa maayos naman na paraan hindi ung lagi mo nalang akong ginugulat."

"Anong klaseng may ari ka ng restaurant? You always sleep! Tulog ka ng tulog, ano ba kasing pinaggagagawa mo at lagi ka nalang puyat?——" Naatigil sa pagsalita si Zio nang may maalala. "Siguro tuwing gabi nakikipag-sex ka 'no?"

"The fuck? Hindi 'no! Saka kanino mo naman nalaman iyan." Hindi makatingin sa kaniya ng diretso si Macario at parang nahihiya pa ito.

"Remember? Nung pinagkaisahan niyo ako ng kaibigan mo? Kinabukasan 'non narinig kitang nakikipag sex sa hindi ko kilala babae." Aniya kay Macario at pinagtaasan ito ng kilay.

"Akala ko inosenteng mataray ka lang. Iyon pala chismosa ka din." Tumayo si Ezra at may ibinigay na mga folder sa kaniya. "Report it to me after reading all of that."

Pinanigkitan niya si Macario, "Am I your maid?"

"My secretary."

"Pero gawain mo ito! Onti na nga lang tatapusin ko dinagdagan mo pa." Reklamo niya sa kaharap.15 folder kasi ang ibinigay nito sa kaniya at bawat folder ay may napakadaming papel na nakalagay.

"'Wag ka saakin mag reklamo. Doon sa boyfriend mong englishero."

Nagtataka siyang tumingin sa kaharap, "Oy Mr. Macario——."

"Stop calling me Mr. Macario."

"Then Ms. Macario." Pangaasara niya dahilan para sumeryoso ang muka nito at tinignan siya ng masama.

"Iniinis mo ba ako?"

"No, I'm not! Ikaw kasi sabi mo 'wag kitang tawaging Mr. Macario. Malay ko bang babae ang iyong puso ginoo." Dahil sa huling sinabi niya ay mas lalong nagdilim ang muka ni Ezra sa kaniya.

"Isa pang asar mo sa akin. Tatanggalin kita dito sa Restaurant ko isasama kita doon sa Englishero mong boyfriend."

"Who is it? Wala akong boyfriend, paulit-ulit. Who are you referring to?" Kunot noo siyang nakatingin kay Ezra.

HONESTYWhere stories live. Discover now