CHAPTER 12

91 10 0
                                    

ZACCHAEUS

"HEY! Can you please stop smiling?" Kanina pa palakad-lakas si Orion sa harapan niya habang nakangiti kapagkuwan ay tumigil din ito at humarap sa kaniya.

"Buti nalang pala sumama ako sa'yo dito sa Ilocos Norte." Sabi ni Orion.

Nagkasalubong ang kilay ni Zacchaeus, "Why?" Tanong niya. "You met someone?"

Orion smiled again and slowly nodded. "Hmm-mm, She's beautiful and she's back."

Nagtatakang tumingin sa kaniya si Zacchaeus. "Sa tagal natin mag-kaibigan, wala ka pang kinukwento sa akin na babae na sa tingin ko ay gusto mo."

Orion sat on the couch in front of him, "You know her but for now I'll not say her name." Makahulugang sabi ni Orion.

Gusto pa sanang tanungin ni Zacchaeus kung sino ang tinutukoy nito pero pinili niya nalang manahimik. "Nevermind."

Tumayo si Orion at palabas na sana ng Perez Farmings nang tanungin siya ni Zacchaeus. "Where are you going again? You always went outside."

Sa taas mismo ng Perez Farmings ang tinitirhan niya dito sa Ilocos Norte at dahil wala namang bahay dito si Orion, hinayaan niya nalang na dito na rin siya umuwi pero simula kaninang tanghali nang lumabas ito ay kakauwi lang nito kaninang 5 hapon at ngayong 9 ng gabi ay lalabas na naman ito.

"Magpapahangin lang ako. Babalik din ako mamaya."Saad nito at saka tuluyan ng lumabas.

Pakiramdam niya ay may-itinatago sa kaniya ang kaibigan niya pero hindi din naman niya alam kung ano o sino 'yon.

Maybe I'm just thinking too much.

ZIO

THEY'RE inside the room of the hospital. Sinabihan sila ni Dr. De La Croix na ngayon ay nasa Manila pa na mag-stay muna ngayong araw sa SilverCrest dahil bukas pa ito makakapunta.

Ngayon ay natutulog si Cathalia pero binabantayan niya pa rin para kung sakaling magising man ito ay kampante ito na may nag-babantay sa kaniya.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay may kumatok sa pintuan, sa pag-aakalang Doctor ito at titignan si Cathalia ay binuksan niya ang pinto pero hindi Doctor ang bumungad sa kaniya kun'di ay ang lalaking nag-pumilit na sumama sa kaniya kanina sa Hospital.

"Ikaw na naman?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zio sa katapat.

"Yeah, kamusta na siya?" Bigla nalang itong pumasok sa loob at tinignan si Cathalia.

"Who are you? Are you Cathalia's father?" 'Yon lang ang naiisip niyang dahilan dahil hindi naman ito nagpakilala sa kaniya. Basta nalang itong sumakay sa sasakyan niya at sinabing kilala daw niya ito.

Parang natatawa naman na tinignan siya ng lalaki. "The father of this kid? If you are the Mom then why not?"

Zio rolled her eyes, "Seriously, if you'll not let me know your name then I'll call a security."

Inilahad nito ang kamay niya. "I'm Orion Quaid."

Tinanggap niya ang kamay nito pero nagulat siya nang bigla nito hinatak ang kamay niya papalapit sa kaniya. "Friend of Zacchaeus Perez."

Nang marinig ni Zio 'yon ay agad na namutla ang muka niya. "W-what?"

Orion shrugged,"Yes I'm his friend but don't worry I didn't say anything about you." Binitawan na siya nito at nginitian.

"You know me..."

Iminuwestra nito ang upuan. "Let's sit first." Hindi siya sumunod kaya hinatak na naman siya nito paupo.

HONESTYWhere stories live. Discover now