Chapter: 2

336 22 1
                                    

Ang init talaga ng ulo ko simula kahapon! Hindi literal ha!?


Ayan pati kayo, dinadamay ko na sa init ng ulo ko. Sorry na hehe.



Paano ba naman kasi hindi iinit ang ulo ko! Etong si Thomas e hindi binigay samin ang copy ng assignment!


Paano na ako sa recitation nan? 5 pts banaman ibawas mismo sa card ko e! At isa pa yung bansot na yun, ang bilis mawala kahapon! Pagkalabas namin ng classroom, akalain mong nawala agad? Wow! Magic!



Iba talaga advantage ng maliit ano? Pwede nyang isiksik sarili nya kahit saan! And viola! Magic Sing! Galing magtago tsk!


Kung umabsent nalang kaya ako sa lunes? Tapos mang-doctor ng excuse letter na may sakit ako para excuse ako!


Pero mali yun eh! Leche talaga yang bansot na yan! Humanda sakin yan sa lunes! Di na nga ako matalino, mababawasan pa yung grade ko! Paktay talaga ako kay Mama nito!



Lunes*


Kinakabahan talaga ako! Paano kung mga kaklase ko nakagawa ng paraan? Paano kung ako lang di makasagot? Ughhh! Nakakainis talaga! Masisira lalo ang beauty ko!



Nasa hallway kaming lahat. Bale nasa labas kami ng classroom. Panghapon kasi schedule namin at hindi pa ata tapos yung klase nung mga grade 8.


" Mayumi!" rinig kong sigaw nung nasa gilid ko. Napalingon tuloy ako at nagbaba ng tingin. Ay yung 'bestfriend' ko nung 1st year! Di ko na sya kaklase ngayon.


" Oh?"tanging naisagot ko lang. Nababadtrip parin kasi ako!


" Oh? Yun lang? Grabe ka! Hahahha! Bad mood ka ata?" tawang tanong nya. Palibhasa cute sya, nagtitinginan tuloy mga kaklase ko. Napa-irap nalang ako. Sigurado akong tatanungin ako nang mga yan kung ano ang pangalan ng cutie pie na to.





" Wag mo na kong pansinin. Ano nga pala sadya mo dito?" walang gana kong tanong.



" Wala naman! Na-miss lang kita!" sabi nya sabay hug sakin. Tss namiss nga ako hehe!


" At dahil dyan! Ilibre mo ko!" ngiting nakakalokong sabi ko. Napanguso naman sya saglit saka ngumiti. Ang cute cute talaga nito! Lalo na kapag ngumiti nawawalan ng mata!


" Grabe di ka parin nagbabago! Panay palibre ka parin! Oh sige! Text ko nalang sayo kung kelan" ngiting sabi nya napakunot naman ang nuo ko.



" Ay, dat ngayon na!" nakangusong sabi ko! Kainis naman tong si Amanda aba!


" Di pa pwede oh! Malapit nang mag-bell. Chat-chat nalang Mayumi!" ngiting sabi nito sabay tingin sa wrist watch nya. Hay nako, paasa aba.


" Oh! Wag ka nang ngumuso! Wag kang mag-alala matutuloy yun! Hehe byeee Mayumi!" sabay takbo nito! Kainis!


Napanguso tuloy akong bumalik sa ulirat. Naalala ko nanaman yung recitation! Nasaan ba yung bansot na yun!?


Hayun naman pala! Nakatayo sa harap ng pinto at sinusundan ng tingin ang bestfriend kong si Amanda! Aba, mukang nangangamoy bagoong ah! I smell something stinky bagoong!



Mukhang di sya napansin ng mga ulupong dahil maging sila nakatingin sa bakas ni Amanda!


" Bat walang ganun sa klase natin?" biglang bulong nung mga ulupong! Bigla atang narinig ng mga kaklase kong babae at sabay pa silang lahat na napatingin ng masama sa mga ulupong!



Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now