Chapter: 17

79 12 0
                                    

Tahimik kong inaantay si Bansot sa gym. May practice kasi sila ngayon. Buti na nga lang at hindi sya matanong kanina, kung hindi wala akong maiisasagot sa kanya. Tahimik din ako kanina para naman akalain nyang nag-aral talaga ako kagabi.

Wag nyo kong husgahan! Gusto ko talagang tumaas grades ko kaya nga nagpahinga ako kagabe at nakinig kanina ng  lahat ng aralin. Kahit onti lang naiintindihan ko.

" Oh, Thomas pasa" napatingin ako kay Bansot. Magaling syang maglaro. Alam mo yung, hindi sya mahuli dahil sa bilis ng kilos nya. Kaya pala captain sya ng basketball team. Hindi ko alam kung ano yung posisyon nya dyan. Pero si Kin ata yung 3-pointer hahaha.

" Ang galing talaga nung maliit na yun Besh!"

Agad akong napatingin doon sa mga babaeng kararating lang. Napatingin din ako sa players at mukhang si Bansot yung tinutukoy nila. Sya lang naman maliit don.

" Gagi, Thomas Garcia daw pangalan nya Besh! "

" Ang cool nya!"

" Oh, Elvin, mali yung galaw mo" - Bansot

" Captain pa sya diba? Ang cool nya talaga!"

Tapos tinuturuan nya rin yung ibang players lalo na yung mga di marunong.

" Waaah! Ang gwapo!"

Napangiwi akong napatingin sa mga babae. Ang lalakas ng boses? Ano? Gusto nang mag-asawa?

Biglang hinawi ni Bansot ang buhok nya. Halos pawisan na sya ngayon pero kahit ganun nakangiti parin sya. Mukhang nag-eenjoy talaga sya sa sports na 'to.

Bigla syang napatingin sakin. Haays ano ba to? Gusto ko nang umuwi pero baka matagalan pa sila kakapraktis! Bigla ay kinausap nya saglit ang isang player  saka tumingin ulit sakin.

" May girlfriend na ba sya?"


" Wala pa ata, yun yung alam ko"

" Poste, baka mamaya pa kami matapos. Wag na kaya---"

" Okay lang Bansot, mag-iintay ako"

" Omy... May girlfriend na ata" napangiwi ako sa narinig ko. Sino namang magiging girlfriend nya? Ni wala nga syang nililigawan e.

" Kulit mo. Bahala ka" inis na aniya saka nya tinapon sa mukha ko  ang towel nya! Ewww!

" Bwisit ka!" napatayong sabi ko! Nakakairita! Pinagtatawanan pa ko ng kumag!

" Besh, di sila bagay! Tingnan mo! Napakatangkad naman ng babaeng yan, compare sa bebeluvs ko!"

Bat ba ang iingay netong mga to? Saka matangkad raw yung girlfriend ni bansot?! Mga tsismosa talaga... Mga walang katotohanang impormasyon nakukuha nila!

Napaupo ako at saka napabaling ng tingin doon sa mga babae. Napaatras ako ng bahagya dahil matatalim sna tingin nila sakin.

" Oo nga. Baka naman di nya girlfriend. Baka bestfriend? Or Yaya? Hahaha!"

A-ano daw?! Ako ba sinasabihan nya?

" Saka, maitsura sya aaminin ko. Pero, hindi sya maganda" sabi nung naka-cross arms na babae sabay irap sakin!

Ako nga yung sinasabihan nila! Ang kakapal ng mukha! Mali na nga paratang nila, makalait pa wagas!


" Don't worry girls, I will make sure na mapapansin nya tayo" sabay talikod sakin at tumingin sa mga nag lalaro. Putek. Di ko alam na may mga fangirls pala si Bansot!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now