Chapter: 18

89 11 0
                                    

Tinanghali na ako ng gising. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay!

Di parin kasi mawala sa isip ko .

" Hoy, inaral mo ba?" ani ni Bansot sa harapan ko. Nasa canteen kami ngayon habang nag-rereview para sa quiz namin mamaya. Tinatanong nya yung kagabi. Tumango nalang ako ng hindi sya tinitingnan.

Eto pa nga  yung nakakainis! Hindi ko na sya matingnan sa mata! Simula kanina pagpasok ko, marinig ko lang ang boses nya, may kung anong nangyayare sa dibdib ko!

" Nakakapanibago" rinig kong sabi nya ulit. Napatingin naman ako sa kanya. Binubuklat-buklat naman nya ang notebook na hawak nya.

" Hindi ka man lang nagsasalita ngayon" pagkasabi nya yun ay tumingin sya sakin! Gulat naman akong napabalik ng tingin sa notebook na hawak ko.

" Tapos, masyado ka naman atang tutok sa pag-aaral? Kung sa bagay, tama yan para magkaroon naman ng laman ang utak mo! Hahaha!" malakas na tawa nya!

King-ina! Nakakaasar pero di ako makapagsalita! Inuunahan ako ng kaba at di ko alam kung bakit! Napahigpit nalang ang kapit ko sa notebook na hawak ko. Narinig ko naman ang pagtigil ng tawa nya. Bigla ring tumahimik!

Umalis na kaya sya?

Dahan dahan kong inalis ang notebook na naghaharang sa mukha ko pero laking gulat ko ng may kung anong pwersang humila ron!

" Nakakapagtaka naman? Hindi mo ba ko iheheadlock? Sisigawan?" kunot-nuong sabi ni Bansot. Napakagat ako sa ibabang labi saka pwersahang kinuha ang notebook ko!

" M-mag... Re-review kasi ako!" nauutal na sigaw ko saka tinuon ulit ang atensyon ko sa notebook ko. Pero yung nasa dibdib ko ang hindi ko maintindihan.

Ang lakas ng kabog.

" Tsk... Tsk... Tsk... May mali" mayamayang sabi nya. Napalunok naman ako.

May mali ba? H-hindi ba ako normal? Hindi ba ako ganito dati?

" Boring, hindi ka na naasar sa mga pang-aasar ko sayo tsk. Geh, balik na ko sa room"

Phew

---

Nakakaproud naman! Mataas ang nakuha kong score sa quiz! First time to ah? Hindi ako nangopya! Sariling sikap!

" Nice , Poste akalain mong naka 38 ka out of 50? Improving!" gulat akong napatingin kay Bansot na ngayon ay hawak na ang papel ko! Agad ko itong kinuha at isinuksok sa bag.

" Ang yabang, porke naka 38 lang hahaha! Teka, san ka pupunta?"

" Uuwi na" diretsong sabi ko ng hindi sya nililingon saka naglakad papunta sa pinto habang hawak ang dibdib ko.

Hindi ko maintindihan! Ano ba tong kumakabog sa dibdib ko?

Napasinghap ako nang may humila sa braso ko. Pagkalingon ko si Bansot pala!

*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug*
*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug*

Kunot-nuo lang syang nakatingin sakin na para bang sinusuri ako. Napalunok naman ako sa di malamang dahilan.

Ano bang nangyayari sakin?

" Uuwi ka na? May practice pa ko"

Oo nga pala. Nagpapatulong pala ako sa kanya para tumaas grades ko.

" H-hindi na muna ngayon. Next time nalang"  utal na sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya!

Naiirita na talaga ako! Ang weird!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now