Chapter 48

65 7 0
                                    

"A-ano kamo? Pa-Pakasalan ka?"nanlalaking matang sabi ko.

"Bakit? Ayaw mo?" seryosong sabi nya. Napalunok naman ako at napatingin nalang sa kisame.

"We owned this house,"

Napabalik ang tingin ko sa kanya. "S-sayo 'to?"

Ngumiti sya " Saatin,"

Kumunot ang nuo ko. "Are you forcing me to marry you?"

Nanlaki ang mata nya. "No, I didn't meant it that way. Sorry. Pero.."

Hindi na sya makatingin sakin. Napapanguso pa sya na hindi alam ang sasabihin. I can't help but smile.

"Kailan mo pa 'to pinagawa?"

Tumingala sya " Inipon ko, noong nakakasahod na ako."

"You were thinking about me?" I bit my lower lip.

"Hindi ka nawala sa isip ko,"kinuha nya ang kamay ko. "I know, I'm sure na babalik ka. Hindi nga ako nagkamali. Nandito ka na ulit sa harapan ko,Love"

I bit my lower lip to stop my tears.

"I'm willing to wait. Kung eto ang parusa mo sakin, okay lang sakin. Pero sabihin mo sakin kung.. Wala ka na talagang nararamdaman pa saakin, ayokong.. Ayokong maging hadlang sa kalaayaan mo. It's your choi-- wait why?"

Bigla nyang pinunasan ang luha ko. Hinigit nya ako para yakapin.

"Sakal na sakal ka na ba? I'm sorry," hinaplos nya ang ulo ko. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

"No..Not at all,"

"Bakit ka umiiyak?"

I pressed my lips.

"Kasi.. Mahal na mahal kita,"

He immediately push me and look into my eyes with wide eyes. "A-ano?"

Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa kama. Sumunod sya at tumayo sa harap ko.

"Love, ano ulit yun?" he said with hopefull eyes.

"Let's get back together."

Nanlaki ang mata nya. Nagulat ako ng inilapit nya ang mukha sakin at binigyan ako ng marahang halik.

"I.." tumulo ang luha nya. "I love you, I want to spend the rest of my life with you." Hinawakan nya ang mukha ko at pinagdikit ang nuo namin. Napapikit ako. "Sobrang saya ko.. Sobra, Mahal"

"Masaya din ako, sobra. Love," naramdaman kong napangiti sya then he kissed me again. "god, na-miss ko yun!"

Natawa ako sa kanya. Matapos noon ay napagdesisyunan na nya akong ihatid dahil may work pa raw sya.

"Gusto mo bang lumipat sa bahay, Love?" tanong nya habang nagda-drive.

"Bitiwan mo muna ako at baka mabangga tayo,"

"I won't"

Napairap nalang ako.

"Love, doon ka na sa bahay,"

Paulit ulit? Napatingin ako sa labas dahil di ko mapigilan ang ngiti ko.

"Love?"

Napapikit ako sa kakulitan nya.

"Oo na, ang kulit mo ha," natatawang sabi ko. Napahigpit naman ang hawak nya sa kamay ko.

"Wala e, na-miss ka lang,"

We arrived safely sa house. Nagpaalam na ako sa kanya dahil baka malate pa sya sa trabaho ng dahil saakin.

"Kasama mo si Engineer?"napalingon ako kay Mama na mukhang nagulat pa. Tumango naman ako. "Pasok na po ako,"

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now