Chapter: 29

52 12 1
                                    

" Ba-bakit?" utal na tanong ni Bansot ng makaupo sa upuan. Maaga kasi akong pumasok. Hindi ko alam pero hindi manlang ako tinablan ng pagod kahapon.

" Wag ka ngang tumingin ng ganyan." seryosong aniya pero di ako nagpasindak.

" Masama ba?"

" Hindi naman"ngiwing sabi nya.

" Alam mo namang gusto kita diba" casual na sabi ko. Napalunok naman sya saka kumunot ang nuo.

" Tigilan mo na yan"

" Paano kung ayoko" ngising sabi ko. Inis naman nya kong tiningnan.

" Bansot naman. Gusto lang naman kitang titigan eh."

Nanlaki naman ang mata nya. " Mayumi, tigilan mo na yan"

" Hindi ko nga mapigilan, tanga lang"

" Na-tanga pa ko. Ganyan ka ba magkagusto?" inis na sabi nya. Natawa ako.

" So, okay lang sayo yung sinabi ko kahapon?"

" Na alin?"

" Nagmamaang-maangan ka pa? Gusto mong ulitin ko?" natatawang sabi ko saka tumayo sa upuan ko at pumunta sa harapan nya.

" Pucha"

" I will make you---"

" Tumigil ka na"

" Hindi. Sisiguraduhin kong maiin-love ka rin sakin" saka ako nag-wink sa kanya. Andun pa rin ang mukha nyang sersyoso. Nginitian ko lang sya saka naglakad pabalik sa upuan ko.

" Mag-aral ka muna bago ka luma---" biglang sabi nya.

" Ibig sabihin" tigil ko saka patakbong pumunta ulit sa harap nya. Kumunot naman ang nuo nya.

" Kapag nag-aral akong mabuti, sasagutin mo na ko?" natatawang sabi ko.

" Pucha, Mayumi! Ano bang utak meron ka? Lalaki dapat ang manliligaw" inis na sabi nya kaya mas lalo akong natawa.

" Edi ikaw pala dapat manligaw,ganun ba? Sige na nga,payag na---"

" Di yun ang ibig kong sabihin pucha,bumalik ka na sa upuan mo!" nasigawan pa ko ng kumag. Inaasar lang eh. Pikon.

"Ayaw mo nun,pinapayagan ka na nga " natatawang sabi ko habang pabalik sa upuan ko. Ang ganda lang ng mood ko. Kahapon kasin ng sinabi ko yun, namula ang mukha nya saka sya nagalit HAHHAHA!

---

" Oh" abot ko sa kanya ng mamon. Favorite nya yan eh. Kada recess yan ang binibili. Napangiwi naman sya.

" Bakit? Nagsawa ka na ba dyan?"

" Seryoso ka ba talaga?" salubong na kilay na sabi nya. Ngumiti naman ako saka tumango.Napabuntong sya saka umiling.

" Mayumi. To be honest, kaibigan  lang talaga tingin ko sayo." seryosong aniya. Natigilan ako. Parang binambo ang puso ko.

" Aray ko. Di naman masakit ah?" pilit na tawang sabi ko.

" Sorry"

"Ako ang dapat na mag-sorry eh. Sorry , dahil kahit ano pang sabihin mo di kita susukuan. " ngising sabi ko. Nagsalubong naman ang kilay nya.

" Mayumi! Sobrang tigas talaga ng ulo mo!"

" Sobrang tigas naman ng puso mo!"sigaw ko. Natigilan sya.

---

Nag-aral ako nang mabuti. Inintindi ko ang mga lessons. Minsan napapalingon si Bansot at kapag nagtatama ang paningin namin nginingitian ko sya saka pinapakita ang ginagawa ko. Ngumingiwi lang sya. Cute.

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon