Chapter: 38

64 7 0
                                    

"B-bansot" utal na sabi ko. Bakit nya ako hinila papunta dito? Anong gagawin nya? Teka nasan si Jella? What the heck?

"B-bakit? Babalik na ako sa classroom" iwas ko ng tingin saka akmang bubuksan ko mula aa likuran nya ang doorknob ng hawii nya ang kamay ko. Nagkunot ang nuo ko. "Ano nanaman ba?" inis ko nang sabi.

"Mayumi,I can't take this anymore" seryosong aniya. Lalong nangunot ang nuo ko. "Tigilan mo 'na 'to. Babalik na ako sa---"

"You're wrong. Hindi ko girlfriend si Jella."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Niloloko mo ba ko? Saka tapos na tayo. I mean, wala na akong nararamdaman sayo." mapait kong sabi. Naglaho ang pag-asa sa mukha nya. Iniwas ko ang tingin dahil ayokong makita syang ganun. Baka kung anong masabi kong katangahan.

"Mahilig kang magjoke Mayumi"

"Pero seryoso ako. Kung ayaw mong maniwala edi wag. Di kita pipilitin. Alis na dyan. Babalik na ako sa classroom" akmang lalapit uli ako sa pinto ng humarang sya ulit. Biglang nagseryoso ang tingin nya. Napalunok ako.

"Sabihin mo yan sakin ng diretso sa mata. Sabihin mong hindi mo na ko gusto. Na hindi mo na ako Mahal. Promise, I will not bother you again." mariing sabi nya. Napalunok ako. Parang may kung anong humarang sa lalamunan ko.

"U-umalis ka na---"

"Hindi mo masabi"

"Alis!"sigaw ko. "Let me explain first"

"Para saan pa? Alam mo tingilan mo na 'to. Nagsasayang lang tayo ng oras."inis na sabi ko. Nag-igting naman ang panga nya."Promise, I will not bother you again. But please. Let me explain"

Tinitigan ko syang mabuti. Agad ko ring iniwas dahil ang puso ko, nagwawala nanaman. "Bilisan mo. Bago mag-bell"

"Jella and I aren't together. Palabas lang ang lahat." natigilan ako sa sinabi nya. Anong palabas? Anong kalokohan nanaman ito?!

"Jella beg me, na pagselosin si James na boyfriend nya na nakita natin sa mall. At first I said, no. Pero napapayag nya ako. Naawa ako sa kanya. Maybe she's so inlove with him. I'm really sorry kung nadamay ka pa."

Tulala akong nakatingin sa kanya ngayon. Halos di ko maabsorb lahat ng pinagsasabi nya.

"Totoo ang sinabi ko, Mayumi."

"B-bat ka nadamay?" utal na tanong ko. Napalunok naman sya at nag-iwas ng tingin. "Dahil nagseselos si James sakin. I don't know. Ni hindi ko naman sila nakikita"

"Kung hindi pala kayo..." napakagat ako sa ibabang labi. "Bakit ka nya niyakap kanina?" ayoko sanang itanong 'to pero gumugulo na kasi sa utak ko.

"Natuwa sya dahil nagbalikan na sila." seryosong sabi nya habang nakatingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko narin alam ang sasabihin. Kanina pa pala nag-bell pero wala pang estudyante ang pumupunta dito.

"She asked me, kung may nililigawan na raw ba ako." kinabahan ako sa sinabi nya. Lalo na ng tingnan nya ako at binasa nya ang labi nya.

"Ang sabi ko, liligawan ko palang" napakagat pa sya sa ibabang labi nya na halatang pinipigilan ang ngiti. "Yun ay kung papayag ka"

Nanlaki ang mata ko. "A-ako?" turo ko sa sarili ko. "B-bakit ako?"

"Nevermind. Sa ayaw at sa gusto mo..." napasinghap ako ng hilain nya ang wrist ko pababa at saktong tumigil sa kanya ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng tumama ang paningin nya sa mata ko pababa sa labi ko. Napalunok ako sa kaba. "Liligawan kita"

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now