Chapter: 24

77 10 2
                                    


Linggo

Nandito ako ngayon sa labas ng plaza kung saan ang tagpuan namin ni Bansot. Dito kase may paradahan ng jeep kung saan kami sasakay.

Ako pala nauna dito. Simple lang ang suot ko. Naka-hoodie ako na kulay blue, jagger at sneakers. Nakaponytail din ang buhok ko para di mukhang losyang noh. Saka nag-lip tint din ako para maiba. ( joke,alam mo na yarn )

" Ang tagal naman non" anong oras na e. Napapatingin pa ko sa cellphone ko. Dapat maaga kaming byabyahe eh!

30 minutes...

Putek. Kalahating oras na wala parin?!

Agad kong binuksan messenger ko saka sya chinat. Hindi pa online ang pucha.

" Hello, ano?!"agad kong sabi ng mag ring ang phone ko.

[ " Poste, hindi ata ako matutuloy ngayon"]

" Ano?!" kunot-nuong sabi ko.

Bakit naman?!

[" Ngayon ko pala tutulungan si Milliana doon sa project nya. Ngayon lang sya merong tim---"]

" Ano ba yan?! Dapat sya gumawa! Project nya yan eh!"

[ " Poste, Sorry. Kita ko kasing hirap yung tao"]

"Paano 'ko?"

Ni hindi ko nga alam papunta doon!

[ " Ikaw nalang pumunta"]

Napanguso ako.

" Hindi ko nga alam!"

[" I sesend ko nalang sayo direc---"]

" Bahala ka na nga! Magsama kayo ni Milliana!" inis na sigaw ko saka sya binabaan. Tagal tagal ko panaman dito. Halos kalahating oras din ako naghintay noh?! Hindi ako Filipino time! Di ako late!  Tapos di matutuloy dahil sa lintik na Milliana na yun! Nakakairita!

Uuwi nalang ako. Hindi ko alam papunta doon!

---

Nasa jeep ako at kasalukuyang byumabyahe. Diba? Nasayangan kasi ako sa ticket na 'to kaya kahit di ko alam sumakay ako. Magtatanong nalang ako mamaya.Buti nalang at maagap ako kung hindi baka di ako makaabot.

Maya-maya pa huminto na ang jeep. Ako nalang pala ang tao dito. Agad akong bumaba. Nasa tapat pala kami ng 7-eleven. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Tingnan ko nga yung google map. Dito lang ako umaasa e.

Movie Stars Cafe

Nasan na ba ko? Napatingala ako at nagmasid sa paligid. Wala man lang karatula kung nasaan na ba ko leche!

Napalingon ako sa gilid ko. Di ko namalayang may katabi na pala ako! Omy gosh!

Ang gwapo!

Leche! Mag focus ka Mayumi!

Agad akong bumalik ng tingin sa cellphone ko saka zinoom out at zinoom in ang google map.

" Walanghiya ka!"

Gulat akong napatingala sa katabi ko! Bigla kasi syang sumigaw at mas lalo akong nagulat ng nakatingin ito sakin!

" Tumayo ka na dyan! Umuwi na tayo!" galit nitong sabi habang nakatingin sakin. Taka naman akong napatingin sa kanya.

" Luh sir, mali po ata kayo ng---"

" Walang hiya kang malandi ka! Pupuntahan mo pa talaga kabit mo!"

Mas lalo tuloy nanlaki ang mata ko! Ang lakas ng boses nya! Yung mga tao sa paligid napapatingin na! Nakakahiya! Ano bang ginagawa nya!

" Kuya ano bang sinasabi mo---"

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now