Chapter: 37

55 6 0
                                    

"Ano ba Gelo! Kese nemen eh!" nagtawanan ang klase. "Okay,open your eyes na"

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang mga mukha ng mga nakangiti kong kaklase. Yung iba pawisan at yung isa nakanganga habang nakikita ko ang lagusan ng ngipin nya sa gitna. Pinipigilan kong matawa at gumawa nalang ng imagination ko.

"Ang ganda grabe! Ikaw bumili nito?" tanong ko. Niyakap naman ako ni Gelo mula sa likuran. "Yes, Babe"

"Omygaaaashhhhh!"

"Kyaaaaaah!!!"

"Omygass I can't breath!"

"Yes Baby Gelo Ko Yarn!"

Natawa ko. Leche. Kung nandito lang yung nanay ni Gelo, panigurado tuwang tuwa na yun.

"Thank you, B-babe" ngiting sabi ko. " For our aniversary, and of course to my princess soon to be my queen" kagat labi nyang sabi. Napangiwi nalang ako.

"Ang kapal ng mukha mo" biglang sumupot ang nakakakilabot na tinig ni Shataff. Halos walang emosyon ang mukha nya pati boses nya. Parang di makatotohanan. Parang nabalewala lang yung acting namin dahil sya ang panira.Okay lang dahil nagtawananan silang lahat.

"Who are you?!" sigaw ko. Lumapit naman sya at sinampal si Gelo na gulat na gulat.

"Oooohhhhh!"

Sinampal nya ng totohanan si Gelo!

"Ang kapal naman ng mukha mo. Na makipag-landian. Sa ibang babae. Habang ako. Hirap na hirap na hanapin ka" ganun parin, walang emosyon. Parang robot.

"I... I can't remember you" sagot sa kanya ni Gelo. Napakagat labi pa ako dahil todo acting talaga sya. "Sandali nga! Ano ba 'to Babe? Paalisin mo nga ang babaeng yan! Sinisira nya ang anniversary natin!"

Syempre di ako papatalo. Agad lunapit sakin si Shataff para sana sampalin ako pero agad syang pinigilan ni Gelo. "Don't you dare to touch my Baby"

"Anong baby? Eto baby mo oh." napangiwi ako sa acting ni Shataff. Nakaturo sya ngayon sa tyan nya. Pero wala paring emosyon, mukha pang tanga.

"B-baby?"

"Oo" napapairap pa si Shataff. Halatang walang gana sa role nya. "Ikaw ang ama ng dinadala ko"

Naiiyak akong napatingin kay Gelo na ngayon ay tulala na. "A-anong ibig nyang sabihin Gelo? Anong ibig sabihin nito?!"

"B-babe please. I- I don't know"

"Aminin mo,kilala mo talaga sya ano? Aminin mo na!"

"I- i"

"Umalis ka sa harap ko."saka ako tumalikod at niyakap ang sarili. Napatingin ako sa harap ng kaklase ko at napako ako sa kinatatayuan ng makita ko ang seryosong tingin ni Bansot.

"Hindi mo na ba ako Mahal?"


Natigilan ako. Agad bumalik sa alala ko ang lahat nang nangyari noong isang linggo. Sinabi ko sa kanyang iwasan na rin nya ako at yun nga ang ginawa nya. I'd be lying kung sasabihin kong di ako nasaktan. Madalas nakikita ko na syang masaya kasama sila Aldous. Sila na rin yung mga kasama nya pagrecess. Nauuna na rin syang umuwi pag uwian dahil sinusundo nya si Jella sa school nya. At kapag cleaners kaming parehas halos mabingi kami sa katahimikan. Sasagot pero oo at hindi lang naman. Okay lang naman kina Kin at Amanda na hindi sumasabay samin si Bansot. Habang tumatagal mas lalo kaming nagiging close ni Gelo.

"Mayumi,magsalita ka na" bulong ni Jemma sa gilid leader namin. Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko at di ako magsalita. Nakita ko nang nagtataka ang mga kaklase namin.

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now