Chapter: 7

115 13 0
                                    

Actually, simple lang naman ang plano ni bansot.

" Hangga't maari, dapat kasama natin sila sa mga rides."

Sabi nya kasi, eto daw ang way para mawala yung awkwardness namin sa isa't isa. Sama-samang natatakot, kakabahan at magsasaya.At para magkakilala rin.

" Hello?" tawag ko. Nandito na kami sa Wicked Magic City. Kasalukuyan kaming nasa bench tinatawagan ang mga isasama namin sa rides.

" Oo, bilisan mo." ani ni bansot. Tumingin sya sakin at nag-ok sign. Tumango naman ako.

[" Hello! Mayumi! Malapit na ko!"] sigaw nya! Napalayo tuloy ako.

" Oo na! Ingat ha!"sigaw ko rin.

[" Swee--- ouch! Si-sige Mayumi. End ko na! Kitakit's nalang"]saka nya binaba ang tawag. Tiningnan ko pa ang phone ko pero binaba na nga nya. Anyare don?

" Oh ano?" rinig kong tanong nung bansot. Napatingin naman ako.

" Malapit na raw" ani ko. Mukhang tensyonado si bansot ah! Bigla ko tuloy syang inakbayan!

" Okay lang yan bansot! Mabait yun si Amanda! Baka nga magkasundo kayo agad!" ngising sabi ko. Nag-tsked naman sya.

" Umalis ka nga! Nakakahiya! Nakatingin satin yung mga tao oh!" turo nya don sa mga pamilyang dumadaan.

" Mama tingnan mo oh!" gulat akong napatingin sa sumigaw na bata! Nakaturo banaman sakin e! Bakit?! Anong meron! Na-concious tuloy ako bigla!

Napatingin naman samin ang nanay nya. Aaluin na sana nya ang anak nya ang kaso nagsalita ulit

"Magsyota ba sila Ma?" inosenteng tanong nung bata! Napalayo ako kay bansot! Aba! Mukha ba kaming ganern?! Pwe!

"T-Tara na---"

" Ngayon lang po ako nakakita ng magsyotang matangkad ang babae mama! Hindi pala bagay--"ani nito pero tinakpan na ng mama nya ang bunganga nya saka hinila! Naku ikaw bata ka! Pumapatol pa naman ako sa bata! Grrrr!!

Napalingon naman ako kay bansot at nagulat ako ng makita ko kung gano kaitim ang awrang nakapalibot sa kanya!

" M-maghunos dili ka bansot! W-wag ang bata---"

" Mayumi! Thomas!" sabay kaming napalingon ni bansot. Si Mayumi ay masayang kumakaway samin. May kasama sya. Teka?!

Bat kasama nya si Kin?!

" Whuu! Sorry natagalan ako!" hingal na sabi ni Amanda. Nagkatinginan naman kami ni bansot. Parang wala naman syang reaction.

"Pre"ani ni Kin kay bansot atsaka sya tumango sakin. Nangiti naman ako. Cute cute nya kasi eh uwu

" Bat nga pala kayo magkasama ni Kin? Magkakilala ba kayo?" taka kong tanong.Pilit namang ngumiti si Amanda samantalang si Kin napapakamot sa ulo.

May kuto ata my labs ko!

" Ahh... He-he actually, kaya kami natagalan kasi nagpalit pa sya." nahihiyang sabi ni Amanda.

" Nabangga nya kasi ako kanina. Di ko naman alam na magkakilala kayo Mayumi." dagdag ni Kin.

" Saka, sorry di ko na nadala yung juice para satin. Natapon eh! S-sorry Kin!" ani nito at pinagdaop ang palad saka tumungo.

" I told you, it's okay" malumanay na sabi ni Kin.

---

" Grabe! Exciting toh!" sigaw ko! Tapos na namin sakyan ang Pirate Ship. Nanginginig nga si Amanda pagkababa eh! Tawang tawa ako kasi pati boses nya gumagaralgal din!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now