Chapter: 8

92 12 0
                                    

Ilang araw na nga simula nang mangyari ang tour, hindi parin ako pinapansin ni bansot. Nasuntok ko na nga, nasukahan ko pa. Wow na wow ang comeback!


Galit na galit ata sakin yun! Wala naman akong pake kung hindi nya ko pansinin! Pero nangako sya! Nangako syang tutulungan nya akong mapalapit kay Kin! Si Kin hindi ko pa masyadong makita! Hindi ko mastambahan!



" Mayumi!" tawag sakin ni Amanda. Nakasalunong ko sya kanina sa canteen. Hayun, nakaupo kami ngayon at nagkwekwento sya pero wala kong maintindihan.



" Kanina ka pa ah! Sino ba yang iniisip mo ha?" nakakalokong ngiting sabi nya sakin. Kinunutan ko naman sya ng nuo. Sino talaga ang tanong?!



" Tch.Wala to" iling ko saka kumain ng spaghetti.


" Siguro iniisip mo yung bansot mo ano---ew!" tili ni Amanda nang maibuga ko ang spaghetti sa harap nya! Loko to ah!



" Kadiri Mayumi!" sigaw pa nya habang pinupunasan ang mukha nya! Inis ko naman syang tiningnan



" Kung ano ano kasing sinasabi mo!"

" Jinojoke lang eh! Saka totoo naman eh, cute nyong dalaw---Mayumi naman!" sigaw nya ulit. Gusto kong masuka sa sinasabi nya!




" Hoy, Amanda! Ikaw ang gu--- Ehem! Mas... Mas bagay kayo no! Yung height mo at height nya! Tapos, gwapo sya! Cute ka! O diba! Perfect combination!" pag-pupush ko! Syempre echos lang yung gwapo noh? Duh??


Kinunutan naman nya ko nang nuo.


" Teka Mayumi bat ako nasali? Hahaha!"tawa nya. Ngumiwi naman ako.



" Bakit bawal? Saka bakit? Di ka ba nagwagwapuhan kay bansot?" ani ko. Syempre kahit galit galitan si bansot ngayon, gagawin ko parin kung anong napag-usapan. Mabait ako e hehe.



" Gwapo naman sya" ngiting sabi nya. Napangiti naman ako. Eto na bansot! May points kana kay Amands!



"Yun naman pala eh!"ngiting sabi ko pa.



" Pero Mayumi, nakakatakot sya!" seryoso nyang sabi. Nagsalubong naman ang kilay ko.



" Pano mo nasabi?" takang tanong ko.



" Eh kasi, nung iniwan nyo kaming dalawa sa bench don sa Wicked Magic City, parang naging kakaiba sya." seryosong sabi nya ulit. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Ano nanaman kayang ginawang katangahan ang ginawa ni bansot don?! Kaasar!
.



" Noong una kinausap ko sya. Pero hindi ko sya makausap ng matino. Nauutal sya. Akala ko may sakit sya or nahilo sa rides kasi namumula talaga sya kaya hinawakan ko yung nuo nya. Pero bigla syang nagulat tapos lumayo sakin. Tapos naging stiff na sya non! Kung ano ano yung binubulong! Tapos nagulat ako nung bigla syang lumingon sakin at ngumiti! Yung mga ngiti nya, parang... Para syang adik! Ang creepy!" halata ang takot sa mukha ni Amanda. Di manlamg na cut-off yung kwento nya dahil sunod-sunod! Napasapo nalang ako sa nuo. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata ko. Leche!



Pagkamulat ko laking gulat ko nang makita si Bansot na halatang bumili ng snack at halata ring tumigil para makinig sa usapan namin! Kitang kita ko kung paano naging malungkot ang ekspresyon nya at ang bagsak nyang balikat.




" Hoy Mayumi, nag-da-drugs ba yon?" biro ni Amanda! Nanlaki naman ang mata ko! Buset!



" H-hoy---"




" Amanda! Sige na ha? Papasok na ko! K-kita nalang tayo!" mabilis na paalam ko at tumakbo palabas ng canteen.




Kitang kita ko yun. Bigla syang tumakbo paalis. Kung kanina, sobrang lyngkot ng ekspresyon nya ngayon kitang-kita ang sakit sa mga mata nya. Ewan ko pero, bakit nasasaktan din ako? Naawa? Siguro. Men ang sakit kasi pag gling sa gusto mong tao yung panlalait? Hindi naman panlalait yun eh! Hayys ewan! Nakaka-down yun! Atsaka dapat pinigilan ko na si Amanda! Malay ko bang may sasabihin pa sya?! Nakakainis!




Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now