Chapter: 28

72 9 2
                                    


" Sige na swimming tayo" nakangusong sabi ni Amanda. Nasa rooftop kaming apat nila Kin. Mainit kasi lalo na sa canteen kaya andito kami.Sana walang makakita. Bawal dito eh.

" Di pa naman bakasyon e" ngiwi kong sabi. Nakatingala naman si Kin at parang init-init. Samantalang si Bansot ay inaalog ang polo nya.

" Sige, sama ako"  sabi ni Bansot kaya napatingin ako. Nagtama naman ang mata namin kaya umiwas ako.

" Ikaw sasama ka ba?" agad akong napatingin kay Kin. Naniningkit ang mata nya dala siguro ng init.

" Sasama yan, Mayumi pa ba?" malakas na sabi ni Amanda. Halatang nang-aasar kaya naman  pinandilatan ko sya.

" Okay. Ako na bahala. Basta ambagan tayo sa foods and drinks" ngiting sabi ni Kin.

" Hala. Di pa nga ako umu-oo eh!" alma ko pero di nila ako pinansin! Leche!

"  Sa linggo? Okay ba yun?" biglang sabi ni Bansot. " Pwede, basta ready na kayo ah" sagot ni Kin.

" Hoy,di pa ako umu---"

" Ako na bahala sa camera" ngiting putol sakin ni Amanda. Putek!

---

" Ang inittt!" sigaw ni Fred nakasando na sa room. Buti di kumakalat ang amoy suka nyang armpits. Sana rin okay lang katabi nya.

" Pucha, Fred! Wag mo namang iangat yang braso mo! Mamamatay na nga ko sa init, idadagdag mo pa yan?!" biglang angil ni Bansot. Bigla akong natawa. Nalimutan kong katabi nya lang pala si Fred. Kawawang duwende. Napatigil ako sa pagtawa ng magtama ang paningin namin. Kunwari nalang nagsusulat ako! Patay ako nito.

Mayamaya pa nakaramdam ako na may tumabi sakin. " Paupo, baho dun eh" biglang sabi nya. Di ko na kailangang sabihin kung sino.Kinabahan ako pero itinuon ko nalang ang atensyon ko sa sinusulat ko.

" Kung ano ano nanaman sinusulat mo" agad nanlaki ang mata ko at natigilan. Unang una, napakachismoso nya pala at pangalawa,di ko namalayang Bansot na ang naisulat ko sa notebook ko! Agad ko itong tinakpan. From my peripheral nakita ko stang nakatingin sa malayo. Pero  nagulat ako ng makita ang itim nyang mata na tumingin sa direksyon ko saka sya bumaling ulit sa kawalan.

" Ang init" biglang sabi nya. Napatungo nalang ako. Ayoko naaa!

---

" Si Mayumi nalang at si Thomas" diretsong sabi ni Shataff na kinainis ko. Ano bang trip netong babaeng 'to?

" Sige sila nalang,tas lalaki si Mayumi!Katulad nung dati?"

Putek. Nakakainsulto na ah? Ako nanaman lalaki? Leche!

" Ayoko" angal ni Bansot habang inaalog ang polo nya. "  Hindi pwede" tanggi ni Ash, leader namin. May gagawin kasi kaming project. Pagsasayaw ng tinikling.

Kunot-nuo naman syang napatingin kay Ash. " Ako nanaman babae?!"

" O, sige. Si Mayumi  babae, tas ikaw lalaki tingnan natin kung bagay" inis na sabi ni Ash.

" Hindi bagay tangek! Ikaw nalang babae Thomas! Sige na!" angil ni Marife. Habang si Shataff  naman ay nakita kung bumungisngis. Change my mind! Kala ko magiging bff ko sya sa classroom!

" Ayoko nga" tanggi pa rin ni Bansot.

---

Friday

" Oh, last practice  na" sigaw ni Ash. Agad kaming tumayo ni Bansot. Hindi na nakatanggi si Bansot dahil naka ready naraw lahat. Pinigilan ko naman ang sarili kong makabahan.

" Oh,Mayumi,ayusin mo" naiinis na sigaw ni Ash habang pawisan. Hinihingal naman akong tumango. Katunog nung Panalo yung sinasayaw namin. Di ko tuloy mapigilang mapakanta sa isip ko.

" Aray!" sigaw ko dahil naipit ang paa ko sa pagitan ng kawayan! Pusang gala! Lunes na kami mag-pre-present!

" Hala sorry Mayumi! Ano ba kasing ginagawa mo?" alalang sabi ni Marife. Napaupo naman ako sa sakit.

" Bat ka kasi biglang huminto,nako" nag-aalala ring sabi ni Shataff. Hinawakan ko naman ang paa ko at napasigaw ako sa sakit. Nagulat ako ng tanggalin ni Bansot ang pagkakahawak ko.

" Magpahinga ka muna." matapos nyang tingnan ang paa kong namumula. Tumingin naman sya kay Ash. " Wag muna tayong mag-practice. Alam nanaman namin ang gagawin, wag kang mag-alala."

" Alangan naman. Mas importante parin si Mayumi no! Sige na, umuwi na tayo. Baka mapano pa yan" matapos ay kinuha na ni Ash ang bag nya. " Pagaling ka Mayumi."

" Sorry,Mayumi" sabay na sabi nung dalawa.

" Sige na. Umuwi na rin kayo. " pilit na ngiting sabi ko saka tumingin sa paa ko.

" Punta tayong clinic." rinig kong sabi ni Bansot. Malapit naman kami sa school ang kaso, di namin alam kung bukas pa ba.

" Wag na. Uuwi nalang ako." tatayo na sana ako ang kaso napaaray ako sa sakit kaya umupo nalang ako.

" Wag ka na munang gumalaw! Dyan ka lang, pupunta ako sa loob. Titingnan ko kung bukas pa" matapos sabihin ay dali-dali syang pumasok sa gate ng hindi hinihintay ang sagot ko. Pasaway.

Peste. Leche. Pusang gala. Pucha.

Bat ba nangyari to?! Ngayong patapos pa naman kami! Sobrang sakit talaga. Pag hahawakan makirot, tapos hindi ako makatayo dahil sa sakit. Hala baka malumpo ako nito! Leche kasi eh! May pasayaw sayaw pa!

" Wala na e" napatingala ako sa dismayadong si Bansot.

" Uuwi na nga lang ako. Doon nalang ako papagaling sa bahay" napangiwi ako ng tumayo ulit.

" Sabi nang. Pag yan lumala." banta nya. Napakamot pa sya sa batok nya. Narinig ko ang buntong hininga nya. Ngulat ako ng inalalayan nya  akong tumayo.

" A-aray"

" Tsh. Kasi naman. Tutulala sa kalagitnaan ba naman ng practice" sabi nya sa gilid ko habang naka-akbay ako. Napangiwi naman ako sa sakit.

" Sakay." mayamaya'y sabi nya kaya natigilan ako.

" Sa likod ko. Sakay na."  seryosong aniya at bakas ang pagkainis dahil pa choosy pa ako.

" Mabigat ako! Tas matangkad! Kakayanin mo ba ko? Baka matumba tayo nan" angil ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya napalunok ako.

" Wala akong pakielam." seryosong aniya kaya wala na akong nagawa kundi sumakay.

Leche.

---

" Wooooh! Ganda!" sigawan ng mga kaklase kong mga baliw. Paano, nilagyan ba naman nila ng wig si Bansot na bumagay naman.Naka- makeup pa nga ito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Bansot. Hindi malaman kung naiinis ba sya o galit na talaga sa mundo. Cute.

Noong isang linggo plinano ang lahat. Hindi na nakatanggi si Bansot at as usual, go na rin ako. Kahit minsan nagkakamali sa practice dahil sa sobrang kaba. Madali namang gumaling ang injury ko sa tulong ni Mama na pinahilot sa albularyo. Natatangahan lang ako sa tawas nya na may nagkakagusto raw saking kapre kaya daw mag-ingat ako. Leche.

" Oh ready na" sabi ni Ash saka pinatugtog ang folk song na sasayawin namin.

Lumuhod ako kay Bansot na parang prinsipe. Nagsigawan naman ang buong klase, kakaunti yung kinikilig pero lamang ang tawanan. Ayan tuloy, mukha ni Bansot,umuusok na sa pula. Hahaha! Cute.


Di ko namalayan natapos na ang sayaw at sabay sabay kaming nag-bow. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Napangiti naman ako habang naghahabol ng hininga.

" Kapagod" nasabi ko nalang habang may ngiti sa labi.

" Mas nakakapagod magpalda at wig" nakabusangot na ani ni Bansot kaya napatingin ako saka natawa. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

" Bansot"

" Oh?!" inis na sabi nya habang di nakatingin sakin.



" Di ako susuko"


" Ha?" napangiti ako.


" Hindi ako susuko sayo. I will make sure you will fall in love with me"

---


Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon